Chapter 20: One heart WARNING: R-18. Mature content. Read at your own risk. (This will be the last love scene. Wew.) “DISAPPOINTED or you just scared?” naaaliw na tanong niya sa akin. Bayolenteng napalunok ako. Inaamin kong kinakabahan nga ako at natatakot sa makikita pero katulad ng sinabi ko kanina. Kailan naman ako magiging handa kapag hindi namin nasimulan ang bagay na ito? Kailangan kong panindigan ang sinabi kong makakaya ko pa rin ito. Nakahubad baro lang siya at may natitira pang saplot sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Samantalang ako ay tila isang pagkain na nakahain sa isang bangis na lion. Wala na ni isang harang sa sensitibong parte ng katawan ko. Kitang-kita na niya ito nang malinaw at nakabukas pa ang ilaw. Pero kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng pagkapahi

