14

2163 Words
“Why not? E single din naman ako,” ngising tagumpay na titig ko rito. Napaiwas ito, medyo namumula... ganoon nga yata kalakas ang titig ko kaya naapektuhan nang ganito. Mas lalo tuloy lumawak ang ngisi ko at pumirme na ang pakiramdam. But that was short-lived. Iyong ngisi ko biglang napalis nang natitigan ko si Kuya Abel na may dalang baril at papalapit sa amin. Namilog ang mga mata ko at napatayo saka hinawakan sa braso si Felix at mas lalo yatang nainis si Kuya Abel doon kasi napansin ko kaagad iyong pagkasa ng baril nito. Oh My God. Anak ng pūta, nabubuang na naman ba ito at bakit bigla-bigla para siyang tatay na susugod ng gyera? “Who’s this guy, Yzle?” Mahinahong tanong nito. “Manliligaw ko!” Nagtagis ang bagang nito at inangat ang kamay. “Teka! Teka!” Pucha, baliw nga yata ‘to. Di ko ineexpect na gagawin niya ito, sa akin, sa bisita ko. Nagseselos ba siya? Pero bakit naman? Hindi ako natutuwa, tumitìbok ang puso ko sa sobrang nerbyos. Ramdam ko nga na parang naging alerto si Felix. Nakalimutan ko, bodyguard ito ng isang kilalang politician. So what do I expect? Syempre kahit nakakatakot ang laki ni Kuya Abel ay alam kong papatol din itong isa at talagang ipagtatanggol ang sarili. Napapikit ako nang mariin, disaster! Iyong inaasahan kong masayang pag-uusap, naging magulo. Hinaplos ko nang bahagya ang braso ni Felix, para mapakalma rin ito, at saka siya tinitigan sa mata. “Umuwi ka na muna, usap tayo mamaya.” Matagal itong napatitig sa akin. “Didn’t you hear that? She said go home!” Nakagat ko ang labi at tinanguan si Felix. Hinatid ko pa ito sa labas, hindi iniisip na nakasunod lang si Kuya Abel na may bitbit pang baril. Nakakatakot naman ito at baliw din... Nang lumingon si Felix bago ito tuluyang umalis ay nilingon ko na si Kuya Abel. Di ko magawang maging mabalasik dahil natatakot akong baka bigla nitong itutok sa akin ang baril. “Nagpapasok ka ng hindi mo kilala?” He was dumbfounded. Sumimangot ako at sumunod dito, tinanggal niya iyong bala habang naglalakad at nakasunod naman ako sa likod niya. “Kilala ko iyon! Hindi naman ako baliw para magpapasok ng hindi ko kilala!” “Yzle...” tawag nito. Dabog ako nang dabog habang inuunahan siya, naupo ako rito sa sofa. Nakatayo lang siya roon at nakatitig sa akin. Wala pang nagsasalita nang una ngunit sa huli ay hindi rin yata ito nakatiis at nilapag ang baril doon sa center table. Naupo siya, medyo may distansya mula sa akin. “Ano mo ba iyon?” Titig na titig na sabi niya. Naibaba ko ang mga mata at tumitig ulit sa baril nito. Ang angas ng isang ‘to, hindi ko ineexpect na lalabasan ako nito para manakot lang ng bisita. Anong gusto niyang ipakita roon? Gusto kong isipan na nagselos ito kaya nanakot. Ngunit mas lamang kasi ang inis ko rito. “Manliligaw ko, Kuya...” inangat ko ang mga mata at lumulutang ang isipan sa isiping— paano kaya nito nailusot sa airport itong bawal na gamit? “Manliligaw? That old hàg?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito. Kumunot ang noo ko, “Hindi pa naman iyon matanda, let’s say 10 yrs o sobra pa ang tanda lang sa akin.” “Still, he’s way older than you...” litanya nito. Nangasim ang mukha ko at tinitigan ito nang mariin. “E saan mo’ko gustong matuto ng seks? Doon sa mga kaedaran ko?! Mga mangmang iyon e!” Naiinis na sigaw ko. Namilog lalo ang mga mata nito, “When did I tell you to practice sèx?” Umakyat yata lahat ng dugo ko sa katawan at nag-init kaagad ang batok. Naalala ko iyong pambibitin ko sa kanya. Sa inis ko e hindi pa man ako nakakasagot ay pinagsasapak ko na ito sa braso na hindi niya naman iniinda. Asar na asar ako sa lalaking ‘to. Binibigyan niya ako ng mga maling signal. Hindi ko talaga maintindihan si Kuya Abel... hōok up nga lang yata ang kailangan nito. “Remembered what you’d ask from me?!” Inis na birit ko roon. Nagulat nga yata ito at doon lang napapiksi sa sigaw kong iyon. “Nagtanong ka!!” Sapak at kurot ang pinaggagawa ko sa braso nito, “Kung hindi ba ako nagpractice ng sèx habang wala ka?!!” Hindi talaga ako iiyak, sa pananapak lang sa kanya ko ilalabas ang inis ko sa kanya. “At ano ang iisipin ko ha?!!! Syempre hindi ako mananatili sa’yo, maghahanap ako. Mag-aaral ng sèx! Lintek ka! Ginagawa mo’kong pokpok!” Asar na sigaw ko roon. Namilog ang mga mata nito, hindi kaagad nakasagot! Dahil totoo naman ang sinabi ko! Ano iyon? Agad siyang nakalimot? Pucha niya! Ang sakit talaga nito sa dibdib ni Kuya Abel. “Akala ko ginawa mo , Yz. Hindi naman ako magagalit—“ “Malunod ka sana sa kalibugan mo!!!” Asar talo na tumayo ako ro’n. “Wait, Yzle... let’s talk, we should really settle this at once,” habol nito. Bahala siya, settle niyang mukha niya. Ayusin niya ang mga maling pagpapaasa niya sa akin. Babae rin naman ako, madaling masaktan. Pero heto, paulit-ulit na lang. Kaya... bakit ako magtitiis kung kaya ko namang maghanap ng ibang lalaki. Someone who will adore me, someone who won’t give me false hope. Sorry ako nang sorry kay Felix pagkatapos kong mapag-isa. Naiintindihan naman daw niya, mabuti pa ‘to... malawak ang pagmamahal. Joke lang. “Muntikan ko na ngang maireport. Akala ko gumagamit ng illegal firearms.” Hilaw tuloy itong ngiti ko at nagpaliwanag kay Felix. Di pwede at lalong ayaw ko sa padalos-dalos nito. Baka mayari at mabaliktad pa. “Labas tayo, bukas? Wala akong gagawin,” ngiti ko. “Hindi kaya lalong magalit iyong Kuya mo? Yz, naiintindihan ko naman kung sobrang istrikto niya. E syempre, ang layo nang agwat natin.” Sumimangot ako, “Hindi na naman ako bata na, 22 na ako Felix! E ano nga kung malayo? Kilala mo iyong isang celebrity? Imagine, 25 siya tapos iyong boyfriend niya, 40! So anong pinagkaibahan nitong sa atin? Nasa pagdadala naman iyan ah?” Irap ko sa hangin. “Mapapatay ako ng Kuya mo niyan,” As if! E di nakulong iyon? At dahil likas naman talaga sa akin ang pagiging matigas ang ulo. Sinilip ko si Felix sa tinitirhan nito, naalala ko, nabanggit niyang nakikituloy siya sa Dos doon sa bahay ng nakababatang kapatid nitong nag-asawa na. Nagtatanong-tanong lang ako roon sa kanto at mukhang kilala si Felix dito sa lugar nila. May ilan lang na mapanghusga ang titig sa akin. Siguro iniisip nila kung sino ako at bakit hinahanap ko si Felix, o kaya’y nagtataka sila kung bakit hinahanap ko ang isa e ang bata ko pang titigan. “Hi!” Kumaway ako. Nalaglag ang timbang buhat-buhat ni Felix. Nakanganga itong nakatitig sa akin. I grin. Nakakatuwa naman pala itong magulat, kulang na lang tumulo ang laway habang nakanganga. “Anong ginagawa mo rito, Yz?” Mahinahong tanong nito at pinulot ang natapong timba. “Sabi ko naman, magdate tayo.” Malakas ang loob na sabi ko rito. Nalaglag ulit ang timba. Grabi naman pala ito magulat, magkakabutas yata iyong mga bagay na nahahawakan niya. “W-wala pa akong ligo,” namumutlang sabi nito. “E di maghihintay ako, ligo ka na Felix.” Namula ito at napaiwas. Parang teenager ang reaksyon, nagdududa ako kung nasubukan na ba nitong makipagdate noon? Siguro naman, pero siguro hindi pa ganito gaanong naenjoy iyon kaya para siyang ewan na hindi alam kung anong gagawin. Pinapasok niya ako sa bahay ng kapatid niya. Maaliwalas sa sala at pinunturuhan iyon ng kulay green. May mga picture malapid sa tv, kahit bukas iyon eh hindi naman ako makapagpokus doon. Nakatitig lang ako sa family picture nila. Medyo may itsura nga itong si Felix kahit noong kabataan niya. “Mag... magbibihis lang ako,” rinig kong salita sa gilid. Lumingon ako at napatanga... Actually, kung ikukumpura sa lapad ng katawan ay malapad talaga si Kuya Abel. Iyon parang nananagasa. Itong si Felix, medyo payat pero ang abs... pamatay din e. Lumunok ako at sumandal sa upuan. Parang di yata umabot ng tatlong minuto at tapos na si Felix, nakasuot ito ng itim na polo at may sukbit na maliit na bag, para paglagyan siguro ng kung ano. Tapos ako, nakasimpleng t-shirt lang, skinny jeans at nakahairband pa. Halata sa’min ang layo nang agwat. “Tara,” ngiti nito. Ngumiti na lang din ako at tumayo, inabot nito ang remote at pinatay ang tv. Naamoy ko tuloy siya at ang bangooo. Sobra. Natulala tuloy ako at sumunod din kalaunan sa kanya. Ni-lock lang nito ang pintuan bago kami umalis. May motor pala siyang nakaparke sa gilid at dahil dito-dito lang din naman kami, hindi na kami nagsuot ng helmet. “Saan mo gusto?” Tanong nito, muntik na akong napapikit... amoy ko talaga ang pabango nito sa hangin. Parang ang gwapo-gwapo niya rito. Kahinaan ko kasi talaga sa lalaki ang bango, pati rin kung paano ito manamit. And I must say, kuhang-kuha ni Felix iyon. Kaya habang kumakain kami sa labas ay hulog na hulog ako sa pakikinig sa mga kuwento nito. Minsan tawa ako nang tawa habang nangingimi. Hindi ko magawang manukso, siguro ay dahil natutulala ako sa nangyayari. Kakaiba kasi itong si Felix, mahiyain pero kapag naman nagiging komportable ay hindi nauubusan ng mga kwentong makaluma nito. “Bakit hindi ka nagtry ng pagpupulis?” Natanong ko at hindi nakatiis. Nakagraduate naman pala, cūmlaude pa. E di hindi lang pala basta-basta itong si Felix. May ibubuga. “Ang mahal ng training, Yz. Mahirap lang kami tapos si Nanay may maintenance pa kaya tumigil na ako sa kakapangarap. Saka malaki naman magpasweldo si Congressman.” Ngiti nito. Tumango ako at tumitig ulit sa kanya. Isang araw ko pa lang siyang nakikilala pero parang ang sarap niya ng kasama. Ano kaya? Kung sagutin ko na? “You know what? Wala ka namang sabit, wala ka ring girlfriend. Ano kaya at tayo na lang?” Ngiti ko. Nalaglag ang hawak nitong kutsara at napatanga sa akin. “Sigurado ka?” Ngangang tanong nito. Tumango ako at sinaksak nang kaunti ang hawak na kutsara sa halo-halo. “Single naman ako, Fel. Saka hindi na ako bata. In fact, hindi na rin birhen.” Naubo ito, ubo nang ubo kaya lumapit ako at pinagpag ang likod nito. Nakagat ko tuloy ang labi at baka hindi na ito makahinga. “O... okay lang, Yz. Di naman na importante iyon sa panahon ngayon.” Ngiti nito. Naniniwala talaga ako na iba magmahal ang mas may edad at matured na lalaki kesa sa mga kaedaran ko. I don’t how we hid it to everyone. Nakauwi na nga si Trevor sa US, at may tampuhan pa yata ang dalawa dahil parehong madilim nang umalis si Trevor. Tapos pansin ko, hindi yata masyadong humahawak ng cellphone si Kuya Abel at mas madalas na kung saan-saan lang nito iniiwan ang gadget. Madalas pa naman itong wala sa bahay, kaya ako ang nakakakita sa pangalan ni Trevor na tumatawag. Wala rin akong balak na sagutin ano. Bahala nga silang dalawa. Saka... kahit nabibitter ako noon, unti-unti ko namang napapatawad si Kuya Abel. It was all thanks to Felix. Sa sobrang Santo ni Felix nahahawaan na ako nito e. Hindi na ako masyadong highblood. Saka, iba kasi talaga si Felix... nandoon iyong katutohanan na medyo malayo nga ang agwat namin, pero itong si Felix... siya ang nag-aadjust para masamahan ako, lalo na sa mga trip ko na hindi naman niya field. “Dumaan lang ako,” silip ko rito. Nakapolong itim ito ngayon, pormal para sa trabaho nito. Nakauniporme pa akong polo at plated na palda hanggang baba ng tuhod at naka 2 inches heels. “Pasensya na ah, medyo busy lang. Alam mo naman iyong balita. Miss na nga kita, pero hindi ako makatyempo.” Nag-init tuloy ang pisngi ko at tumitig sa kanya. Hanggang ngayon, hanggang kiss lang talaga kami ni Felix. Konserbatibo kasi ito, kahit sinabi ko namang wala nang mawawala sa akin. Kahit magsèx pa kami araw-araw. Pero ayaw e, malaki raw ang respeto sa akin. Makakapaghintay naman daw iyon, kahit hanggang sa gumraduate na lang ako. “Okay lang, naiintindihan ko. Mainit ang mga mata ng mga kalaban kay Congressman kaya ganyan. Miss na rin kita. Kiss ko nga!” Tawa ko. Napakamot batok ito at dumukwang saka mabilis lang na hinalikan itong labi ko. Kumaway na ako pagkatapos, nakita ko kasi iyong isang katrabaho nito na nanunukso ang titig sa amin. Syempre, halata naman masyado... na bata pa ako kesa sa edad ni Felix. “Yzle?!” Napatalon ako sa gulat at namimilog ang mga matang napatitig kay Kuya Abel na nakatayo sa gilid at sobrang dilim ng mga mata. Parang noong kumasa ito ng baril at galit na galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD