15

2087 Words
“Ano yong nakita ko?” Nakamatang titig sa akin ni Kuya Abel. Naglalakad na kami palabas ng City Hall, nandoon daw sa labas iyong motor niya. Ni di ko nga alam na nakabili na pala ito. Siguro dahil pareho kaming abala at minsan na lang magkaabutan sa bahay. Kaya ngayon, para akong ewan na natulala sa kulay itim nitong bigbike. Naalala ko na naman iyong motoshow, iyong pag-angkas niya. Ang laki niya... ah... ang laki niyang tao para dito. “You let him kiss you, what does it mean?” Nakatitig na tanong nito, inabot sa’kin ang isang spare na helmet. Naniningkit ang mga matang tinitigan ko itong hawak ko. Dalawang helmet, sa isang bigbike. May inaangkas na nga yatang iba si Kuya A dahil wala na si Trevor, iyong baklitang ubod nang kaartehan. Akala mo naman e ang ganda-ganda, maputi lang naman saka may lahi. “Bakit dalawa ‘tong helmet, Kuya?” Nakakunot noong titig ko rito. Hindi ito nagsalita at inayos ang bigbike, aalis na nga yata kami pero hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nakukuha ang sagot. “Boyfriend mo ba iyon? Hinalikan ka, sa labi, Yz.” Titig nitong muli sa akin. “May inaangkas ka bang iba? Ha, Kuya A?” Pareho kaming natigilan, hindi man sabay pero iyong mga tanong namin sinasagot din namin ng isa pang tanong. Para lang kaming buang at hindi nagkakatagpo sa gitna. Umiling ito at inangat ang isang paa. Namilog ang mga mata ko na klaro sa mga mapagmatyag kong mga mata ang haba noong biyas niya. Ang tangkad nito, grabi! Nagmukha lang laruan iyong bigbike. “Let’s go home, Yz” tawag nito sa akin. Tumango ako at umangkas din, lumingon ito sa akin dahil siguro nagtataka kung bakit ang tagal ko roon. Hilaw ang naging ngiti ko at inayos ang strap ng helmet para hindi lalong mapahiya. Tumawa ito nang tipid, ngumiwi ako at umiwas. Inabot niya ako at sinungkit ang bewang saka bahagyang hinila kaya suminghap ako at hinayaan siyang iangat ako nang kaunti. Ang labas, nakaupo siya rito sa bigbike niya at nakalingon sa akin habang nakahawak ang isang kamay sa manubela at abot naman ng isa niyang braso ang bewang ko. Umiwas ako at nagpatianod na rin. Nakaupo naman ako nang maayos sa likod niya at inayos ang sarili. Mabuti na lang mahaba-haba itong sout kong palda kaya hindi gaanong nakakailang. “Kumapit ka,” utos nito. Bago humarap sa unahan. Tumango ako at nilagay ang kamay sa balikat niya. Tsaka pinagitna sa pagitan namin itong dala kong bag. “Ganyan ba kumapit, Yz?” Kunot noong lingon nito sa akin. Ngumiwi ako at binaba ang kamay saka niyakap sa bewang niya. Kaso natigilan ako noong naramdaman kung gaano katigas iyon. It was so fūcking unreal. Hindi naman ako natitigilan kapag niyayakap ko nang mahigpit si Felix... matigas din ang abs noon kaya anong pinagkaibahan kay Kuya A? “Anong meron sa inyo ng lalaking yon, Yz? I remembered him, he was the one who visited you few months ago.” Hindi pa pala ito tapos? Chismoso nito eh, ang sarap lang barahin pero syempre hindi ko na gagawin iyon. Laging paalala sa akin ni Felix na maging mabait sa lahat ng oras. “Hindi naman na ako bata, Kuya.” Bulong ko, saktong tumigil ang bigbike. Nasa gitna kami ng mga tumigil na sasakyan, may iba ring nasa gilid namin. Actually, maraming napapatingin... kahit sino e ganoon talaga, ang laki kaya ng bigbike ni Kuya Abel tapos iyong nagdadrive... sobrang laki rin... malaking tao. “Tell me honestly, Yzle... boyfriend mo na ba iyon?” Matagal bago ako nakapag-isip at dahan-dahang tumango, kagat ang labi at may takot. Naramdaman niya yata iyon kasi natahimik na ito at hindi na nakaimik. Medyo nasaktan ako sa reaksyon nito, na para bang ayaw niya doon. Napaka-unfair, sa totoo lang, bakit siya pwede sa kung sino. Tapos ako? Parang pagbabawalan niya pa? Minsan na nga lang akong magseryoso— “Trevor and I broke up yesterday,” sabi nito na siyang ikinatigil ng iniisip ko. Napatulala ako bago tumitig sa side mirror nito. Matagal bago ko nahanap ang kanyang mga mata at pagkatapos ay nagulat akong nakatitig din pala siya sa akin. Umiwas ako at nanginginig ang labi na pilit na tinatatagan ang sarili. Alam ko kasi na gusto ko si Felix, mas pa sa mga naging exes ko. Samantalang kay Kuya Abel, sigurado rin akong gustong-gusto ko siya ngunit nag-aalangan na at hindi na tulad nang dati. May nagbago, na hindi ko pwedeng pangalanan. Ito nga yata ang resulta ng isang relasyong binuo ko, ito nga yata ang resulta ng isang relasyong may pagpapahalaga. O baka kasi nahanap ko na ang lalaking itatrato ako nang tama, hindi tulad ng mga pagpapaasa ni Kuya Abel. “Ser...” natigilan ito at nagdrive ulit, nag go signal na kaya naputol itong sinasabi niya. Matagal kaming naging tahimik. “Seryoso ka ba sa kanya?” Tanong nito kalaunan. Nakagat ko ang labi at mabilis na tumango, noong una akala ko dahil naaagaw ni Felix itong atensyon ko mula kay Kuya Abel kaya ganoon na lang ang lakas ng loob ko sa kanya. Pero hindi e, iba... may dahilan, dahil kahit anong lalim ng nararamdaman, may ugali ang mga babae na mas importante pa rin na tinatrato ng tama kesa sa alinmang bagay. And I can say the difference now, Hindi pwedeng ang puso ko na lang palagi at hindi rin pwedeng si Kuya Abel na lang palagi. I want someone who will treat me with respect. Kaya siguro, dahil do’n, napapatawad ko na si Kuya Abel. “Aalis ka?” Takang tanong ni Kuya Abel nang weekend ay datnan ako nitong nakapostura. May date kami ni Felix, after so many weekends, finally. Bago lang nito ipinaalam, kanila lang kaya aligaga ako sa pag-aayos. Magsisimba nga raw kami sa isang fellowship pagkatapos ay magdedate sa Centro, babawi daw siya e. Sino ba naman ako para humindi? “Magsisimba po kami, Kuya. Tapos... ano, uh, magdedate na rin.” Iwas ko. Tumikhim ito, “Uwi ng maaga, Yz.” Tumango ako, syempre uuwi ako ng maaga... pinapauwi ako ni Felix at ayaw na ayaw nito na inaabutan ako ng gabi sa labas. Sinabi ko kay Felix na sunduin ako sa tapat ng basketball court, dito sa kanto... iniunti-unti ko na itong sinasanay na mapalapit sa bahay. Balak ko na siyang ipakilala kay Tiya, siguro kapag natapos ko itong year na ito. Sakto na last year ko na next year, gagraduate na ako, malaya na naman siguro ako noon... pwede na akong magboyfriend. Saka, ang bait kaya ni Felix— sure akong hindi ito mahihindian ni Tiya. “Nag-eenjoy ka ba, Yz?” Ngiting silip sa akin ni Felix. Tumango ako at inayos ang tinirintas kong buhok at hinawakan sa kamay si Felix. Kung titingnan, ang layo ko na sa dating ako. I feel like a little lighter, parang naclecleanse itong isipan at buo kong pagkatao. Imagine how Felix change me into someone decent? Ni hindi ko na naiisip na kahalikan si Felix, iyong torrid, I also forbid myself from thinking worldly things. Kahit nga iyong magdidikit lang kami ay para na akong nagkakasala kaya ako na mismo ang umiiwas. Na sobrang kinatutuwa ni Felix. “Oh my, anong nangyari sa’yo Yzle?!” Namimilog ang mga mata ni Caren pagkakita sa akin, lumabas ako sandali dahil bibili ng napkin. Naubusan ako at hindi pa nakakapagrestock. Nakapandong akong puti at mahaba ang suot na pambahay na daster. May manggas iyon kaya nagmukha akong konserbatibo. Tapos doon sa gilid ng tindahan napansin ko ang mga nakatambay, sina Kia na napatanga sa akin. “Ikaw ba talaga iyan? You know, kilala kita... minsan mas gusto mo ng daring na damit at minsan rin nag-aasal lalaki ka. Pero ngayon, ibang-iba ka! Para kang hindi makabasag pinggan.” Halakhak ni Caren. Ngumiti ako at naghintay sa sasabihin pa nito pero pareho lang pala kaming naghihintayan. “Felix changed me,” Napanganga ito, may isa yatang napatawa pero dahil pansin nitong seryoso ang lahat ay tumigil din. “Sinong Felix?” Kunot noong tanong ni Caren. Ngumiti ako at sinagot siya ng, “Nakita mo na siya noon, doon sa sabungan. Dahil sa paanyaya mo, Car... nakilala ko na iyong lalaking mamahalin ako ng may respeto.” “Putik!”sigaw ni Kia, tumayo ito at tinapon sa basurahan ang supot na wala ng laman, “Para kang sinasapian, Yzle. Saang kulto ka ba dinala ng lalaking yan?” Tulala pa rin si Caren sa akin, halata na naaalala na nito kung sinuman iyong tinutukoy ko. “Hindi mo kasi naiintindihan, K. Basta, Malalaman mo rin iyan kapag nakilala mo na ang tamang lalaki para sa’yo.” Baliwala ko at mabilis na pumasok para makabili na ng kailangan. Bumalik ako kay Caren na napakamot batok na lang at tumitig muli sa akin. Nginitian ko siya, ngumiwi naman ito at sinabing... “Ang tanda na noon ah?” At sa huli hindi ko rin napilit ang gustong ipakita. Bumalik ako sa bahay at naglinis para makapagpalit na rin. Buong araw lang akong nasa loob, wala si Tiya at lalong wala rin si Kuya Abel. Nitong mga nakaraang buwan, lagi itong may lakad. Hindi ko na natanong kung bakit dahil abala rin ako kay Felix. Tapos gabing-gabi na ito nakakauwi sa bahay. Nagtataka nga ako at bakit lagi itong pagod... gusto kong magtanong pero napuputol din ang plano dahil kay Felix, naaaliw ako masyado sa boyfriend ko kaya lutang at wala na akong pakialam sa ibang bagay pa. Maaga akong nakatulog, medyo masakit ang puson pero dahil sa word of wisdom ni Felix ay nakakalimutan ko iyon. Gusto pa nga sana akong bisitahin, nag-aalala raw siya, pero narinig ko si Tiya sa sala kaya mabilis na akong humindi. Hindi pa alam ni Tiya kaya mas mabuting ganito na lang muna. Lunes nang akala ko ay susunduin ako ni Felix, nag-usap kami kagabi at nangako siyang susunduin ako ngayon. Pero dahil sa maagang on call ni Congressman ay napilitan itong isakripisyon ang naipangako. Medyo late na nga ako at kabado, walang dumadaang tricycle kaya napilitan akong maglakad hanggang kanto. Gumilid ako noong may bumusina sa likod, pinadaan ko na muna kaso kumunot ang noo ko nang pumarada ito sa gilid ko at nagulat na makitang si Kuya Abel iyon, namumula ang ilong at titig na titig sa akin. “Wow, kailan ka pa nagkaroon nito Kuya?” Namamanghang tanong ko rito. Ngumiti ito at ininguso ang passenger’s seat. “Hop in, male-late ka na...” Nagmamadali ako sa pag-ikot at mabilis na tumabi sa kanya. Ang gara lang, ang sosyal ng sasakyan nito, malinis ang leather na upuan at amoy bagong-bago. “Kailan pa ‘to?” Namamanghang pinasadahan ko ng daliri itong dashboard. “Kahapon ko lang nakuha ito, Yz. Hindi mo yata napansin noong pinark ko sa kabilang bakod.” Sabi nito. Tumango ako, na totoo naman, habang nakaglue ang mga mata ko sa desinyo ng itim nitong sasakyan. “Ang bilis naman yata Kuya, no’ng nakaraang buwan lang bigbike lang iyong nabili mo pagkatapos ngayon itong SUV, ang laki at ang ganda-ganda...” “May hinahabol akong deadline, Yz. I don’t wanna lost you, so I’m working my ass off... doubled time this time.” Bulong nito sa huli. Napaawang ang labi ko at natigilan pa sa paghaplos. Anong sinabi nito? Nabibingi na nga yata ako. Natatakot din akong komprontahin siya dahil baka matukso ako. Ayaw ko noon, ayaw ko na sa dating ako na masyadong agresibo at matalas magsalita. Kaya, iyong kuryusong tanong ko ay sinarili ko na lang. Buong byahe kaming tahimik at walang nagsasalita. Akala ko nga e susunduin na ako ni Felix, pero nagkaproblema ulit kaya napilitan akong magcommute. Pagkarating sa harap ng bahay ay napansin ko kaagad iyong magarang sasakyan ni Kuya Abel. Tinitigan ko lang ng isang beses bago ako pumasok. Halatang wala si Tiya, masyadong tahimik ang bahay kaya tumuloy ako sa hallway at natigilan nang nakita kong nagpupush-up si Kuya Abel, at dito talaga sa hallway? Shocks! Nangingintab na ang katawan nito, kanina pa nga yata iyan eh. “Yz? Nandiyan ka na pala... uh, pasensya na. Masyado kasi masikip sa loob.” Ngiti nito ang tinuro ang pintuan. Tumango ako at binuksan ang pintuan ng aking silid. Akala ko nga matatapos na lang sa hallway ang pag-uusap naming iyon, ay hindi pala... nagulat ako noong sumunod si Kuya Abel at tinulak ako sa higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD