“Anong ginagawa mo?!” Gulat na gulat ako habang nakatitig sa kanya na sumampa kaagad sa kama ko.
Natatakot ako, hindi dahil sa kayang gawin ni Kuya Abel. Kundi dahil natatakot akong magkasala.
Mula sa mapanuksong ekspresyon ay napalitan iyon ng seryosong mukha. Napaiwas ako at napangiwi, kabadong-kabado. Tapos ay napapiksi pa noong naramdaman ang likod ng kamay ni Kuya A na humaplos sa pisngi ko.
Para akong nalaspatangan, ni hindi ko na maaalala na hindi na nga pala ako buo para umakto pang malinis.
Ngunit, tama rin ba itong ginagawa ni Kuya A? Pawis na pawis siya, hubad baro ang pang-itaas at nakapatong sa’kin!
Ano na lang? Kung may makakita? Obvious naman di’ba na para kaming may gagawin?
“Stay.” Sabi nito.
Nagkasalubong ang mga kilay ko nang tumingala sa kanya.
“Please stay, Yzle. Don’t go anywhere, don’t go to you boyfriend. Just... stay here.”
Nang-uutos ba ito? He’s doing it again, just like the first time. Iyang pagbibigay niya sa akin ng mga maling konklusyon.
Na pakiramdam ko nakikipaglaro na lang ito. Kaya ngayon, hindi ko maiwasang tumindig ang balahibo at umalpas ang galit. Mabilis na sinipa ko ito sa puson, sakto para mawalan ito nang lakas. At sakto rin para makababa ako mula sa kama.
I hate his guts, every things related to him. Malayong-malayo siya kay Felix, iyong Felix ko ay maunawain at alam na alam niya kung kailan hindi magbibigay nang motibo sa akin.
Itong gagōng si Kuya A, parang paulit-ulit na lang akong pinaglalaruan.
Malakas ang loob dahil nandito pa ako sa teritoryo niya. Malakas ang loob dahil akala niya patay na patay pa ako sa kanya.
Ni hindi niya man lang napapansin na nahuhulog na ako kay Felix. Isang lalaking mapag-alaga ang kailangan ko hindi ang katulad niyang parang baguhan pa lamang, baguhan sa isang relasyon.
Kung noon sana, kung ganyan siya kapossessive, baka hindi pa ako makakaahon hanggang ngayon.
“Kuya, lumabas na kayo.” Turo ko sa pintuan, sinusubukan kong kumalma... para sa sarili. Ayaw kong magalit ngayon lalo na at laging tumatakbo sa isipan ko ang mga paalala ni Felix.
Stay kind, be kind to everyone. Kaya gagawin ko.
“Hindi ba kita makakausap ngayon, Yz?” Nakatitig na sabi nito.
Kumunot ang noo ko, anong pag-uusapan? May usapan ba kami noon na mag-uusap ngayon, para sa aling bagay?
O baka naman kasi, gustong magpapel at gusto akong guluhin ulit.
“Wala naman tayong pag-uusapan, Kuya ah? Pinapatawad na nga kita... I’m trying to be nice to you again. Kasi iniisip ko na may pinagsamahan din tayo at masama na lagi tayong magkagalitan. Ikaw ang nagpapaaral sa akin, kayo ni Tiya ang nagpapatira sa’kin sa bahay na ‘to. What more can you talk with me?” Nalilitong tanong ko rito.
Bahagya itong natigilan, suminghap ako. Wag mong sabihin na ngayon ka hihingi nang kaunting konsiderasyon? Almost 3 yrs mo na akong pinapaasa, kaya bakit ngayon lang?
“Gusto... gustong-gusto mo ba iyong boyfriend mo ngayon?” Lumunok ito pagkatapos na magtanong.
Ngumiwi ako at inayos ang nagulong buhok.
Para akong mababaliw sa mga pasikot-sikot ni Kuya Abel. Di ko alam kung saan ang direksyon nito. Parang naliligaw.
“Hindi kami magtatagal Kuya kung hindi.” Mabilis na sagot ko.
Suminghap ito at mabilis na umiwas. Kinakabahan naman ako sa reaksyon nito. Naghiwalay nga lang sila ni Trevor parang lumuwag na ang turnilyo nito.
“Then, I’ll try to court you.”
Namimilog ang mga matang napatitig ako sa kanya.
“Ano?! Manliligaw ka sa akin?! Kuya! May boyfriend akong tao! Hindi na nanliligaw sa akin si Felix kaya bakit ka manliligaw sa akin?” Naghihisterikal na sabi ko rito.
“Binabawi ko lang ang akin,”
OH MY GOD! What on earth?
Talagang hindi ko maintindihan si Kuya Abel. Ang gulo-gulo nito. Sobrang gulo nito. O may pagkaselfish at ang tanging iniisip lang ay ang pag-aari nito.
“Tigilan mo’ko Kuya Abel. Hindi na ako tulad nang dati.” Paalala ko rito.
Lumunok ito at umiwas, bago tumitig sa aking muli.
“Natagalan lang ako, I was fixing everything, Yz... kaya bakit hindi pwede?”
Umikot itong mga mata ko at napapatawa sa mga logic ni Kuya Abel. Alin ba dito sa sitwasyon ko ang hindi niya maintindihan? May boyfriend ako. BOYFRIEND! Then that means, hindi ako pwedeng ligawan dahil nakatali na ako sa isang relasyon.
“May boyfriend ako, Kuya.”
“At alam ko iyon, Yzle... and I’m trying to steal you from him.”
Napasabunot ako sa sariling buhok at naiinis na pinagdadampot ang unan at binato sa kanya. Hinahayaan niya iyon na tumama sa kanya.
“Tigilan mo ako, Kuya! Pwede ba! Di porke’t dito ka na permanenteng titira ay ako na naman ang guguluhin mo! Sino ba sa ating dalawa ang nagloko, ha?”
Ngumiti ito, di natitinag sa pag-aalburuto ko roon.
“May feelings ka pa sa akin, you won’t bring out our past if you have nothing left there.” Tinuro nito ang puso ko.
Mas lalo akong nagwala. Oh fūcking bulshìt! Putangina niya! Nabubuang na ako,
“Labas!” Turo ko sa pintuan,
Ngunit hindi pa rin natitinag.
“Sabi nang lumabas ka! Pūta mo!” Naiiyak na sigaw ko roon.
Mas lalong lumapad ang ngisi nito ngunit kumilos na rin palabas.
“Welcome back, Yz. I miss you little sister.” Kindat nito.
Mas lalo kong sinabunutan ang sarili at nagwala talaga ako sa sarili kong silid. Ubos na ubos iyong inis ko kay Kuya A. At nasaid niya rin ang pasensya ko. Halos malagutan ako nang hininga sa sobrang bilis ng puso ko. I was panicking, I can’t contain my anger. Para na naman akong bumabalik sa dati, pinipindot niya iyong nakasilyong galit na tinatago ko.
At hindi ko iyon hahayain. Hindi ako mananatiling martir at lalong hindi ako mananatili sa ganitong relasyon, na puro si Kuya Abel ang magdedesisyon. Hindi ko siya hahayaan.
Let it if I die young...
Weekend noong huli kaming nagkita ni Felix. Sobrang busy nito na nakakalimutan na iyong schedule ng date namin ngayong araw. Kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman na nasa malayong bayan pala ito at kasama ang buong tropa ni Congressman para sa isang workshop. Biglang dumilim ang mga mata ko at gusto sanang magbubunganga kaso nakahanda na pala ang bala nito, his words with full of wisdom.
Nanggigigil ako, hindi tinablan pagkatapos ng mga paalala nito sa akin. Ngumisi na lang ako at nagpaalam sa kanya, dinahilan na lang na may gagawin pa akong iba. Na hindi naman totoo.
Gusto kong lumabas ngayon, wala lang akong makitang idadahilan. Kung siguro normal days lang ito, na wala si Kuya A, ay baka ginanahan pa akong tumambay dito.
Pero kasi, nandiyan sa baba si Kuya Abel. Nakita ko kaninang nagdidilig ng mga halaman at dumagdag pa ng mga itatanim.
Parang noong una lang, no’ng mga panahon na wala akong pakialam kahit na hindi ako sigurado sa nararamdaman niya. Lagi akong nakabuntot sa kanya, not minding what he’s real feelings. Ang gusto ko lang naman noon ay pagbigyan ang sarili at ngayon na nahanap ko na ang taong pinahahalagahan din ako ay ekis na sa una. Ekis na para kay Kuya Abel.
But the latter has other plan. Nagulat ako noong kinatok ni Tiya Flora, nakasumbrero itong itim at nakasalamin pa. Parang sasabak sa isang madugong pamamasyal... iyong buong araw na maglalakad lang.
“Busy ka ba, ‘nak? Pakisamahan mo naman ang Kuya mo na bumili noong seedlings sa kabilang bayan o.” Utos nito.
Paano ba ako makakahindi? Pag si Tiya na ang humiling hirap na hirap na akong hindian iyon. Kaya sinabi kong maliligo lang ako sandali tapos lalabasan ko na si Kuya Abel.
Nasiyahan naman ito,
“Uuwi ako mamayang gabi, may lakad lang kami ng mga amiga ko.”
Tumango ako at pumasok ulit para kumuha ng tuwalya para maligo sa ibaba.
Ang lamig-lamig nga, parang nag-aalangan ako. Pero kung nag-aaya naman si Felix nang lakad ay hindi naman ganito. Siguro kasi, dinadahilan lang ng isipan ko ang lamig para hindi makasama kay Kuya Abel.
Iyon lang, hindi ko pwedeng suwayin si Tiya. Tulag nang mga sinabi ni Felix noon, ‘dapat laging nirerespeto ang mga matatanda’ bawal suwayin.
“Are you inside, Yz?”
Natigilan ako sa pagbubuhos ng tubig, si Kuya Abel iyon... pero bakit naman parang atat?
“Naliligo ako Kuya, bakit?” Malakas na tanong ko.
“Naiihi ako,”
Oh? Loko! Wala na bang ibang excuses?! Lalaki siya! Pwede niyang diligan iyong mga alaga niya sa labas gamit iyang pantog niya! Kaya bakit ngayon—
“Paihi, Yz.” Ngisi nito at tumalikod sa akin.
Sa inis ko at pinaltok ko itong tabo sa ulo niya. Ni hindi ko na inuna itong katawan ko, hindi dahil sa okay lang... na dahil nakita niya na ‘tong katawan ko noon, kaya wala nang maitatago pa.
“Bastos niyo po!” Nanggigil na sabi ko bago tumalikod at inabot ang tuwalya kaso muntik ko pang nabitawan iyon nang naramdaman na niyakap ako ni Kuya Abel mula sa likod.
Nakagat ko ang sariling dila kaya napadaing din ako dahil sa kagagawan ko rin.
“Mas bagay sa’yo iyong dating Yzle, Yz... please stop changing.”
What the? Ngayon lang ako nakarinig ng taong ayaw sa mabuting pagbabago ng isang tao. Tapos nakakainis pa dahil ramdam ko ang tigas ng katawan niya mula sa likod. Mabuti na lang sa bewang ko ito nakayakap, kundi... baka... inupper cut ko na ito.
Ang bastos kasi. Banal ang katawan ko at kahit si Felix ay hindi pa ginagawa itong nagawa na namin noon.
“May boyfriend ako, Kuya... kaya please, bitaw!” Mahinahong utos ko rito kahit na nanggagalaiti itong mga ngipin ko.
“I will,” bulong nito.
Sabi niya ay oo, pero bakit hindi pa rin bumibitaw. Napapanis na itong paghihintay ko at hindi na rin ako mapakali. I feel like I am burning with so much sin.
“Bitaw na,” bulong ko ulit.
Guminhawa ako noong binitawan na nito ang bewang ko. Hindi ko hinarap, naghintay ako sa kanya na umalis doon. Pero nagulat ako noong pinaharap niya ako at sinungkit ang labi ko. Namimilog ang mga mata ko, tulala... tulala para sa mga mumunting halik ni Kuya A.
Malambing iyon, hindi tulad noon. Parang gusto lang talagang magpalambing.
Kaso natauhan din ako at tinulak siya.
“Yz,” tawag nito bago dinilaan ang labi. Napasinghap ako at umiwas, “Don’t make me chase for you...”
Nanggalaiting hinarap ko ito. Naniningkit na ang mga mata ko at hindi mapirmi sa sobrang galit.
“Excuse me?!” Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
“Ikaw ‘tong parang baliw na naghahabol sa isang taong nasa relasyon, Kuya Abelardo! May I remind you also that I didn’t ask for you to chase me like you’re being deprived!”
Hinahapong nagtataas-baba ang dibdib ko sa sobrang galit. Ilang araw pa lang... said na ako. Kaya tama na... gusto ko lang na putulin itong kabaliwan ni Kuya Abel. Wala itong patutunguhan, sigurado ako.
“Kailangan kong gawin iyon bago ka pa mawa—“
“Gusto mo ba ako?” Hindi na natiiis na tanong ko.
“More than just liking, Yz...”
Ngumiwi ako...
“Kaya ka ba naghanap ng iba?” Sarkastikong tanong ko rito.
Natahimik ito, napailing ako at kinuha ang tuwalya saka pinulupot sa buo kong katawan. Di ko maatim na makita ito ni Kuya nang matagal. Mali na ngang pareho kaming nasa loob ng banyo... kaya—
“Lumabas ka na Kuya, habang nandito pa ang respeto ko sa’yo.”
Lumunok ito bago tumango and I just my temper... napaluhod ako sa sobrang panginginig ng katawan ko. Akala ko nga hihimatayin ako sa sobrang nerbyos. Para akong kinukulbusyon. Tulad noong mga panahon na nagwiwithdraw ako sa mula sa paninigarilyo.
Suminghap ako noong inangat ni Kuya Abel ang baba ko, para magkatitigan kaming dalawa.
“Okay ka lang? Anong nangyayari, Yz?”
Mabilis akong umiling-iling at humikbi ngunit isininghap ko rin iyong iyak ko para hindi niya makita.
I hate him.
No! I loathe him!
Ang sakit ng baga ko sa sobrang pagpipigil. Okay na okay ako e, noong si Felix lang... at walang confusion galing kay Kuya Abel. Pero ginugulo niya ako ulit. Ni hindi man lang niya masagot iyong simple kong tanong... kung bakit maraming iba habang ako, nandito, at naghintay.
“Okay lang... bitaw nga!” Naiiritang sinampal ko itong kamay niyang nasa baba ko. Mariin akong umirap sa hangin bago humugot nang lakas.