17

2103 Words
Hindi ako nagsasalita habang nasa byahe, wala na nga yatang magbabalak pa, kahit siya, dahil sa nakita niyang sitwasyon kanina. Hindi na mauulit pa iyon, tulad ng pangako ko sa sarili. Hindi magandang solusyon si Kuya A. Isa siyang red flag, a walking red flag. Ni hindi niya nga maayos ang sarili kaya anong magagawa nito para ayusin pa ang sa amin? “Hi po Sir,” bati ng pangalaga sa isang Greenhouse. Kahit nandito lang kami sa labas, tanaw na tanaw pa rin ang mga sprout na nandoon sa loob. Wala akong maintindihan, parang sila lang yata ang nagkakaintindihan. Sigurado ako tungkol ito sa pinapabiling seedlings ni Tiya Flora. Nagbabalak nga yatang mag gardening si Tiya doon sa bakanteng lote sa likod ng bahay. Namana ni Kuya A ang hilig sa halaman ni Tiya. Imagine, ang laki niyang tao pero paghahalaman ang pangunahing hilig. Sabagay nga pala, di naman yan straight na lalaki, kaya bakit pa ako magtataka? Umiling ako at lumingon-lingon sa paligid. Marami pang nandoon, ang ilan ay malalaki na at malilipatang taniman na lang ang kailangan. This place has big space, nakatuka nga yata para sa mga halaman. Parang sagana rin sa bisita dahil tanaw ko sa kabilang hanay ang iba pang bumibili ng mga nandito. “Let’s go home, Yz.” Tumigil ako sa pagmamasid at nilingon si Kuya Abel na may tulak-tulak na cart. Umigkas itong kilay ko at napairap din sa hangin. Sumunod ako sa kanya, tulad nang paanyaya niya, at pinagmamasdan ko rin kung paanong tumitigas ang likod nito sa tuwing mabigat na tinutulak iyong malaking cart. Minsan nga e nastastock siya sa malalaking bato kaya pumipwersa. Tapos hinahayaan ko lang at hindi ako tumutulong. Bahala siya. “Hindi ba tayo uuwi kaagad?” Atat na tanong ko rito nang tumigil kami sa tabing highway, dito sa tapat ng EJs Buko Halo. “Let’s cool up, mainit ang panahon at mukhang masarap itong halo-halo rito.” Ngumiwi ako at nahuli niya iyon. Sumimangot ako pagkatapos at hinayaan pa rin siyang makita iyon. Akala niya, impressive na iyang mga pinaggagawa niya. E hindi, nagmumukha lang siyang tuta na pilit nagpapacute kahit huling-huli na sa sariling kasalanan. “Special,” sabi nito sa babaeng kahera. Pansin ko parang naging kabado iyong kahera at aligaga. Paano ba naman, nandiyan sa harap niya si Kuya Abel at mukhang bouncer sa laki niyang tao. “Tara, let’s wait somewhere comfortable.” Giya nito sa akin. Gumilid nga ako para hindi niya madampian itong kamay ko. Balak nga yata akong alalayan hanggang sa makaupo dito sa pwesto na tanaw ang highway. “Mahaba pa ang oras...” sabi nito habang sinisilip ang orasang pambisig, “Do you have anywhere in mind? Pwede tayong mamasyal na muna, Yz.” Ngumiwi ako at dumukwang, para tanging siya lang ang makakarinig sa sasabihin ko. “Gusto ko nang umuwi, Kuya A. Wala ako sa mood para mamasyal sa kung saan. Kaya... iuwi mo ako pagkatapos nito.” Natigilan ito at matagal bago nakapagsalita ulit. Umiwas ako, ayaw ko lang matitigan siya nang ganito. “Sige, for now... let’s enjoy our halo-halo.” Tumango ako at bahagyang umiwas sa dumating na boy. Tahimik ko nang sinimulan ang pagpapasak. Wala pa ring nagsasalita, siguro ay dahil nadala na rin si Kuya Abel sa sinabi ko kanina. Na totoo naman, kaya bakit siya magtatampo diyan? Sa mga nangyari, pakiramdam ko ay ubos na kaagad ako. Pagod ako sa lahat ng tungkol kay Kuya Abel. Parang pilit na lang e? Bumuntong hininga ako at natapos din, hinintay ko lang na matapos si Kuya Abel bago nagpaalam sa kanyang magrerestroom lang. Pagkabalik ko e wala na siya roon, bigla akong nataranta at napalingon-lingon sa paligid... na mabuti nahagip din ng mga mata ko na nakatayo lang pala ito doon sa sasakyan nito. Bahagya akong sumimangot bago nagmartsa palapit sa kanya. Sinamaan ko ito nang titig, ngunit kunot lamang ng noo ang ibinalik nito sa akin. “May nagawa ba ako?” Nagtatakang tanong nito. Sumimangot ako at binuksan ang passenger’s, sumunod din ito kalaunan at kahit nagdadrive ay palingon-lingon pa rin sa akin. “Mababangga tayo,” irap ko. Ramdam ko na tumigil ito sa kakalingon. Bumuntong hininga ako at sinilip ang cellphone. May chat galing kay Felix pero inspirational words lang naman iyon. Mas lalong sumama iyong pakiramdam ko, wrong timing naman kasi. Hindi maganda ang atmosphere kaya walang effect iyang pagiging mabait ni Felix. “Magde-December na, what are your plans, Yz?” At ang isang ‘to, mukhang di na naman makakatiis, gusto talaga akong kausapin kahit aburido na ako sa lahat ng bagay. Gusto nga yatang buhayin iyong interest ko sa kanya, kahit na matagal na iyong nakahimlay. “Di ko alam Kuya, tulad lang ng mga nakaraang taon... sa bahay lang, maghihintay ng Christmas at Bagong Taon. At bakit natanong niyo?” Nagtatakang lingon ko rito. Ngumiti ito at nag-isip pa nang malalim bago nakasagot sa tanong ko. “I’m planning to spend our holiday outside the town, let’s say... Bacolod?” Ang gandang... paanyaya. Pero nag-aalangan ako, hindi ako sigurado sa gusto nito. May pagdadalawang-isip at iniisip ko Felix. Napag-usapan na namin noon ni Felix na sasamahan ko siya sa araw na yon. Yong mga kapatid niya kasi ay uuwi sa kanilang probinsya. Samantalang siya nama’y maiiwan dito dahil na rin sa trabaho kay Congressman. Kaya... hindi ako makakasama, sigurado... “Pwede namang kayo na lang ni Tiya... saka, ano... magpapaalam ako kay Tiya tungkol kay Felix, gusto ko sanang... sa kanya maki-christmas.” Sabay iwas ko. Narinig kong suminghap ito. “You can’t do that.” Pinal na sabi nito. Ako na naman ang napasinghap, “Boyfriend ko iyon Kuya... e di syempre sasamahan ko.” Nagdahan-dahan ito sa pagdadrive kaya nagtatakang nilingon ko siya. At sakto para makita ko siyang nakapikit nang bahagya at parang kinakalma ang sarili. “You just said that you will do the same this year, you will just stay at home... that, you don’t have any other plan.” Nakagat ko ang labi at gumilid... iyon na nga pero pumasok kasi sa isipan ko si Felix. Paano ko naman hahayaan na mag-isa ang boyfriend ko? Kung kaya ko namang samahan ‘to, bakit hindi? “At alam mong hindi papayag si Mama tungkol diyan.” Lunok nito, “She’s a bit conservative and your plan will make her angry.” Iwas nito. Namalat ang labi ko pagkatapos na marinig iyon. Totoo nga, magagalit si Tiya. Halos kaltukan na nga ako noong naglayas ako, ngayon pa kaya na aaminin kong may karelasyon ako? At ang gulo nga naman kung sasabihin ko sa kanyang doon ako magbabakasyon kay Felix. Ano iyon? Syempre mag-iisip siya ng madumi... imposibleng walang nangyayari sa loob ng maliit na silid sa dalawang taong magkasalungat ang kasarian. Of course she will think that we’ll be having sèx... na pwede naman, pero si Tiya iyon... hindi iyon makakapayag. “Hindi rin naman ako makakasama sa inyo, priority ko si Felix. Lalo na at lagi iyong mag-isa.” Paliwanag ko pa. Kumunot ang noo nito at lumingon sa’kin. “Why are you too pushy? Malaki na yon, mas matanda sa akin. He can manage himself, ako nga nakaya ko namang ako lang.” nanggigigil na paliwanag nito. “Oh putik mo! Magsisimula na naman ba tayo Kuya Abel?” Biglang naubos na naman ang pasensya ko rito. Tinitrigger niya ako palagi at nakakainis na iyon, sobra. “I’m just saying the obvious, Yzle.” Umirap ako sa hangin at humugot ng lakas para hindi na ito mapatulan pa. Ayaw ko na lang magsalita, tapos na ang pagpapaliwanag ko kaya wala na ring saysay kung pahahabain ko pa ito. “I’m getting jealous...” At siya lang itong hindi pa natatapos. Napangiwi ako at lumingon sa kanya. Ngayon pa talaga? “Anong karapatan mong magselos?” Mahinahong tanong ko rito. Mahabang katahimikan ulit, paliko na kami sa street namin... nasa kanto na at papaliko na sana kung hindi lang tumigil sa isang tabi si Kuya Abel. Nakatitig ito sa akin, malalim... “May karapatan akong magselos, Yzle. I’d been so jealous, even before... even you were still single and a lot of guys were lurking around.” Tumahimik ako at gusto na sanang magsalita. Sa totoo lang, nakakapagod itong pag-uusap na ‘to. Parang lagi na lang galit, na totoo namang nagagalit ako. Hindi ko mapigilan... dahil ako mismo ay nalilito na rin kay Kuya Abel. Hanggang ngayon hindi pa rin nito nasasagot ang tanong ko kung bakit marami kami? Samantalang siya lang ang sinamba ko noon. Kaya hindi rin niya ako masisisi kung bakit galit ako at madaling mag-init ang ulo sa kanya. “Wala kang karapatan,” simpleng sabi ko. Ngumisi ito, “I have the rights, I was the one who took your virgìnity, right?” Lintek! Dinadaan niya ako sa ganito? Kainin niya iyong virgìnity ko dahil wala akong paki! “Malayong-malayo ka nga kay Felix,” sarkastikong sabi ko. Nawala ang angas nito, mas lalong lumakas ang loob ko kaya tumitig ako sa kanya. “Si Felix, hindi niya ako sasabihan ng ganyan. Hindi niya gagamitin ang vìrginity ko para lang makuha ako. In fact, malaki ang respeto niya sa akin.” Iwas ko. Naging mabigat ang hangin sa loob ng sasakyan nito. Ganoon nga yata kapag may tensyon. And right now, I just want to settle this... all of this. “Kaya pwede ba, Kuya A? Tigilan mo na ako. Ang gusto ko lang naman ay maging tahimik ang mundo ko. I like Felix... I like him so much. Respeto ang kailangan ko at binibigay iyon ni Felix. Kaya... please, tigilan mo na’ko.” Pagsusumamo ko. “You knew that I won’t stop from this.” Napapikit ako nang mariin at napadaing sa sobrang inis. Ang tigas niya! Sana noon pa iyan e! Hindi ganito. Na para akong ewan na nangangapa sa pwedeng solusyon. “Usapang totohanan, Kuya A.” Challenge ko rito... ngumiti ako nang hilaw bago nagdugtong. “Sabihin mo, anong nakapagtrigger sa’yo para kulitin ako ngayon? Noon, no’ng bumalik ka ng US... papalit-palit naman ng syota ah? Bakit ngayon lang? Na masaya na ako kay Felix.” Natahimik ito. Napapikit na naman ako nang mariin at pilit na kinakalma ang sarili. He’s doing it again, just like the old times... iyong tanong na hindi niya masagot. “They... they are high profiles and they were my mission.” Kabadong sabi nito. Napamaang ako. What??? Teka lang, ano raw? “Wala akong balak na sabihin iyon, Yz... their cases are confidential. I shouldn’t have told you this but I can’t lose you right now. I might go insane if you keep doing this. Break up with your boyfriend, Yz... and be with me.” Sarkastikong natawa ako. Medyo mahapdi sa dibdib ang nalaman. Wala sa itsura rin ni Kuya A ang magloko. So hindi lang siya simpleng US Army? Mas may malalim pang kahulugan iyon? What the? Para akong mababaliw habang nakatitig sa kanya na tulala sa unahan at waring nag-iisip. “You cannot tell anyone about this Yz... masyadong magulo ang buhay ko sa US at takot na rin akong bumalik do’n. Kaya I’m trying to build my life here. For you and for Mom. Kaya lang, unti-unti ka namang lumalayo sa akin.” Suminghap ako at napahawak sa dibdib. Kinakabahan na naman ako, nanginginig ang kalamnan. At parang aatekihin na naman ako ng kabang naramdaman ko kanina. Suminghap ako at humugot ng hangin, kailangan kong kumalma. Yes, kumalma ka Yz... alam kong malalim ang ipinunla mong emosyon noong magkagusto ka sa Kuya A mo, kaya ngayon hirap-hirap kang bumangon. “B-bakit ngayon lang?” Hinahapong tanong ko rito. “Hindi nga dapat, pero ang tigas mo.” Nilapat ko ang labi sa isa’t-isa at mariing pinigilan ang sarili, pero anong magagawa ko kung parang sasabog na ang puso ko sa inis? “Aba e hindi ko na kasalanan iyon, kaputanginahan mo kasi at bakit post ka nang post sa social media at pinapakita mo talaga sa lahat na may bago ka... paiba-iba, at ewan ko sa’yo!” Ngumiti lang ito nang bahagya bago lumapit sa akin. “Hindi mo dapat nakita iyon, hindi ako marunong... malay ko ba at iba pala ang pamamalakad ng platform na yon.” “Itatago mo rin sa akin?!” “I don’t wanna hurt you... but my mistake, ni hindi ko man lang inayos kaagad.” “Dahil gàgo ka! Paano na ngayon? Paano si Felix?” Naiiyak na tanong ko sa sarili. Di naman pwedeng mamangka ako sa dalawang ilog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD