“You aren’t happy,” Nagulat ako nang marinig iyon mula kay Kuya A. Halata rin sa boses niya iyong pagkadismaya. Kanina pa ba ako tulala? Baka nga, dahil habang napapalingon ako sa paligid ay hindi ko maiwasang mag-aalala para sa sarili. Hindi ko na masundan iyong pag-uusap. Iyong buong program. “M-masaya ako, pasensya na...” buntong hininga ko. “Mali ba na ipinilit ko ito?” Bulong nito. Mabilis akong umiling at inabot ang kamay niyang nakasalikop sa isa pa nitong kamay. Saka mahigpit kong hinawakan. “‘Wag mo’kong sasaktan tulad nang ginawa mo noon.” Bahagya itong natigilan at tumitig sa akin. Ngumiti ako, ngunit iyong ngiting malungkot. Hindi ko alam kung bakit bumabagabag sa akin ang imahinasyon ko kanina. Hindi pa man at wala pa man ay sobra na akong nasasaktan. Hindi ko kaya... iy

