Buong araw akong tulala, ni hindi ako makausap nang maayos. Kaya nga siguro iniiwan din ako ng mga kaklasi at hindi na masyadong sinasali sa mga pagtitipon nila. Naging outcast ako sa loob ng araw na yon.
At kasalanan ng mag-ina.
At dumagdag pa na hindi ko makontak si Felix, kanina ko pa ito sinusubukang tawagan pero laging unattended o kaya’y busy. Hindi naman ito ganito noon, ah? Bigla akong kinabahan at paulit-ulit na dina-dial ang numerong nakarehistro sa pangalan niya. I wonder why he became out of coverage. Sana nga lang... walang nangyayari sa kanyang masama. Or atleast, sana nagloloko na ito ngayon.
Para kahit papa’no mapanatag ako.
At kanina ko rin napapansin ang pagiging tahimik ni Kuya A. Hindi ito nagsasalita, simula kaninang pinick up ako hanggang sa dito nga at pauwi na ako.
Nagtataka ako, gusto ko man siyang tanungin ay mas inuna ko si Felix. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon. Hindi na pwedeng paghintayin pa ito. Nagiging mas malalim ang kasalanan, na hindi na dapat ganoon.
“Pa-gas lang tayo,” sabi ni Kuya A.
Tumango ako at binaba ang cellphone galing sa tenga ko, I dialed Felix’s number again... pero wala talaga. Kabado na ako at pilit na naghahanap ng balita galing sa kahit anong news page, tungkol kay Congressman. Pero wala e, inisip ko na lang na wala naman talagang nangyayaring masama sa kanila.
“Tapos ka na?” Passive na tanong ni Kuya A pagkatapos nitong jumingle sa restroom ng gasoline station.
Ngumiwi ako at ibinaba ang mga mata sa hawak na cellphone.
“Kanina mo pa iyan tinatawagan ah?” Mahinang tanong nito.
At isa pang ngiwi, ni hindi ko napansin na kakaiba ang tono nang pananalita nito ngayon. May bahid nang pagkainis, halatang naaburido sa ginagawa ko.
“Nagseselos ka ba?” Di ko na napigilang itanong.
Bahagya pa itong natigilan at humugot nang napakalalim na paghinga.
“I am. Since we left your school, you’d been calling that number. Hindi na ba makapaghintay iyan?”
Ngumuso ako, ang gusto ko lang naman ay ayusin na kaagad itong problema. Pero itong si Kuya A, wala sa lugar ang pagseselos.
“Kay Felix iyon, kailangan ko lang na kausapin siya kaagad.”
“I told you, he can wait.” Sabi pa nito.
“Ako ang hindi na makapaghintay, Kuya A. Gusto kong ayusin na kaagad ito habang maaga pa. At saka, hindi ako sanay na pinagsasabay kayong dalawa. Mahilig din naman akong magboyfriend noon pero hindi ganito.”
“Yz,” tawag nito.
Umirap ako sa hangin,
“Hindi mo pwedeng ikumpara ‘tong sitwasyon natin sa nakasanayan mo sa US.” Diin ko sa sinasabi.
“I’m sorry, I was just excited to show you the venues.”
Namalat kaagad ang lalamunan ko pagkarinig noon. Unti-unti na ring nanghina ang kamay ko kaya hindi na ganoon kahigpit ang kapit ko sa hawak na cellphone.
“P-pwede ko bang makita?” Lunok ko.
Tumango ito at mabilis na kinapa ang cellphone sa dashboard at inabot sa akin.
“Walang password iyan, you can scroll through my phone.” Dagdag pa nito.
Kinagat ko na lang ang labi at hindi na inalam pa kung anong laman ng wall niya.
“Saan dito?” Pinakita ko ang gallery nito.
Ngumiti ito, ang bilis ngang magbago ng mood— may pinindot siya roon sa screen niya, sakto para lumabas ang isang page... tapos may tatlo pang on queue na event center.
Lumunok ako habang iniiscroll iyong mga package and deals ng mga ipinakita sa akin ni Kuya A. Ang ganda, actually, ang gagaling ng mga sample. And my heart went crazy, para akong sinisiliban.
“Magaganda lahat... pero Kuya A, ang bilis talaga.” Sabi ko bago inabot ang cellphone sa kanya.
“Hindi naman, Yz. Aren’t you happy? Atleast I took the responsibility.”
Umiling ako at nanginginig ang daliring inabot ang nakastandby na bottled water. Hindi ako makaisip nang matino, pakiramdam ko e natrap ako sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan. Gustong-gusto ko si Kuya A pero hindi ko gusto ang desisyon ni Tiya Flora.
Ayaw ko nang napipilitan. Na walang mahabang preparasyon.
“Masyado lang kasing mabilis, Kuya A. Iniisip ko lang, na masyado tayong nagmamadali... ang gusto ko sana ay iyong mahaba ang preparasyon. Tulad ng kahit sa susunod na buwan na lang? Para handa tayo...”
At dahil sa paliwanag ko na yon, tuluyan na ngang natahimik si Kuya Abel. Hindi iyong tahimik na napapaisip kundi tahimik na alam kong nagtatampo. Kinagat ko na lang ang labi at napapikit.
Sa kaiisip naging malalim ang pag-aalala ko para sa sarili. Hindi naman ako ganito noon, I was straightforward and I didn’t mind if I hurt someone. Ang gusto ko ay ilabas ang hinanaing ko pero pagdating kay Kuya A, para akong natameme. Para akong nagdadalaga na unang beses na mainlove.
I found myself so different.
Ganoon nga yata ang pagmamahal, masyadong malalim at masyadong marami ang pagbabago. And all I can do is embrace it, accept it and do something about it.
Kaya pala napakakomplikado ng ganitong pakiramdam dahil sa maraming factor.
“Time lang Kuya,” bukas ko ulit sa usapan.
Tumigil ito sa isang tabi at tumitig sa akin.
“I have duties to attend to, Yz. Masaya nga ako at si Mama na mismo ang nagdesisyon nito. Hindi pwede ang gusto mong next month na lang. Aalis ako three weeks from now, I have to face my responsibility. Pinapatawag na ako, alam mo ba iyong hirap na hindi ko alam kung anong mangyayari sa’tin? I hope you consider me, for once.”
Nanlalaki ang mga mata kong napalingon sa kanya.
“Di mo agad sinabi!” Naiiritang akusa ko rito.
“I just received the request letter after I sent you to school, hindi ko agad naisip iyon. Gulong-gulo ako, Yz.”
Natahimik ako, hindi agad nakapagsalita. Nalilito rin sa isinawalat nito, obviously, kahit siya ay hindi napaghandaan ito. Halata sa kanya ang pagkabahala tulad nang iniisip ko. Mas lalo akong nataranta,
“S-sige,” pikit matang tango ko, “Magpapakasal tayo, I’m not really ready but I’ll do it.”
“That’s nice,” ngiti nito.
Hilaw naman ang ngiti ko at naibaba ang mga mata habang nagtitipa. Masasaktan ko si Felix. Pero anong magagawa ko kung si Kuya A ang gusto ko? Ipipikit ko ang mga mata at makikipagbreak kay Felix.
Pagkarating sa bahay ay nagulat akong may mga bisita, bisita ulit kahit kagabi lang ay meron din, at mas lalo pa akong nagulat noong ipinakilala ni Tiya ang mga yon.
Paano niya kaya nagawa iyon? Na sa isang iglap ay may inihanda na siyang mga tauhan na gagawa nitong kasal namin ni Kuya A? Parang ang bilis-bilis. Totoo namang mabilis, isang kisapmata. At isang pikit din para mag-ingay ang cellphone kong nakatulugan ko lang saglit at ring na nang ring.
Si Felix.
Putik! Ngayon pa talaga.
“He—“
“Ba’t ka makikipaghiwalay, Yz? Nawala lang ako kasi hirap ang signal dito e mababasa ko ito pagkababa na ayaw mo na? Ano? Bakit Yz?”
Napangiwi ako, kinokonsensya pero hindi nasasaktan. Manhid nga yata ako, mapanakit. Pero mas lalo lang masasaktan si Felix ‘pag nalaman nitong ikakasal ako sa iba. Ano na lang ang mangyayari sa kanya?
“Iyon ang desisyon ko, Felix. I’m sorry.”
“‘Wag kang magbiro nang ganyan.” Natatawang sabi nito.
Kinagat ko lang ang labi ko at hindi na muling nagsalita. Hindi ko rin naman maipapaliwanag nang maayos dahil kasing gulo rin ng utak ko itong sitwasyon.
“Hindi biro? Yz, pababa na kami. Mag-usap tayo.”
Lintek na, di ko rin pala kayang harapin si Felix. Hindi ko kayang magpaliwanag sa harapan niya. I liked him so much, sobra. Pero mas gusto ko si Kuya A. I’ve never felt so inlove even before. Iba ang gusto kesa sa mahal. Kaya alam ko, matimbang pa rin si Kuya A. Kahit mapaglaro man ang tadhana, alam kong siya pa rin.
“No Felix. Sorry. I’m really sorry. Hindi sapat ang pagkakagusto ko sa’yo para patagalin pa ‘to.”
“Mapanakit ka Yz...” mahinang sabi nito.
“Seryoso ako sa’yo. Mahal na mahal kita at malaki ang respeto ko sa’yo. Tapos ganito? Nawala lang sa isang iglap? Pakiramdam ko may malalim na dahilan. Pwede ba tayong magkita? Kahit saglit lang?” Pagsusumamo nito.
Lumunok ako at napapikit bago sumang-ayon. Nagdesisyon kaming magkita bukas, in between ng lunch break at break time. Sakto na iyon para mailabas niya ang hinanaing niya sa akin. Makikinig ako. Iyon ay kung yon lang ang gusto niya.
Bumaba ako saglita at nakitang nandoon si Kuya A at Tiya Flora sa kusina. Masinsinan nga yatang nag-uusap dahil parehong problemado.
Halata pa kay Tiya na kagagaling lang nito sa isang iyak. Nag-aalala ako at lumapit, kahit pribado at alam kong sa kanila lang iyon. Hindi ko matiis, di ko kayang tiisin. Pakiramdam ko isa ‘to sa mga nalaman ko kanina.
And I was right.
Hindi ako makikisabay kay Tiya, hindi ako masasaktan sa pag-alis ni Kuya A. Sanay na ako roon. Pero itong si Tiya, parang laging hindi handa sa tuwing kailangan ngang lumipad ni Kuya Abelardo. Para bang may separation anxiety siya at sapat lang ang napakaikling panahon para makaramdam ulit ng ganito.
“Uuwi naman ako, Ma.” dugtong pa ni Kuya A pagkatapos noong mahabang paliwanag.
“Pwede ka namang dito na, Abelardo. May maganda kang negosyo, mag-aasawa ka na—“
Namula ako noong nabanggit ni Tiya iyon, sa kabila nang pag-eemote nito.
“— at naaalagaan kita. Bakit kailangan mo pang bumalik?”
“That’s my job, Mom. Hayaan niyo, pag natapos na itong kontrata ko e hindi na ako aalis ng bansa.”
“Sinabi mo rin iyan no’ng huli!” Naiiritang sigaw ni Tiya.
Akala ko nga rin totohanin na ni Kuya A ang pananatili dito pero mukhang hindi matutupad pa. May trabahong iniingatan si Kuya A, malaking responsibilidad din iyon. At malalaking tao ang hawak niya, sigurado ako, basi na rin sa takbo ng mga misyon niyang yon.
“Huli na talaga, Ma.”
“Ano pa bang magagawa ko?” Nagdadabog na tumayo ito at nilisan ang kusina.
Napailing ako at ako ang pumalit sa pinag-upuan ni Tiya kanina. Tumitig ako kay Kuya A na mababakasan ng problema. And I realized, labag sa loob nito ang desisyong ‘to. Halatang ayaw na nitong bumalik sa United States. Halata rin na wala siyang magawa kundi sundin ang superior. Buhay ng isang taong nakatali sa responsibilidad si Kuya A. Iyon ang pinakamalungkot na kailangan naming unawain.
If only he has other option.
“Hindi ako sigurado kung makakauwi kaagad ako, Yz. And that worries me a lot.”
Nahabag ang puso ko rito, tumabi ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nito. I want to assure him, iyon lang. Kahit papa’no gumaan naman ang bigat na dala-dala niya.
“Mag-uusap kami ni Felix bukas, lunch time, tatapusin ko na ang sa amin. At pagkatapos noon, buong-buo na ako sa’yo.” Sabi ko.
Unti-unting lumiwanag ang mukha nito. Hinalikan kaagad ako sa labi. At ako naman, kahit sabihin kong kaya ko at hindi ako isang marupok na babae. Ay alam kong hindi ko rin matitiis si Kuya A. He is always the love that I want.
Dahil mahina ako pagdating sa kanya.
Na kaya kong magpakatanga at mag manhid-manhiran.
Na kahit alam kong mali na ay nagpapatuloy pa rin ako.
At kahit na naubos na ako nang tuluyan. Kinaya ko pero hindi na... tapos na. At kailangan kong magpakatatag dahil hindi naman pwedeng siya lang palagi.
“Aalis ka?” Halata sa mukha ni Tiya ang panghihina habang tinititigan akong nagliligpit. Dinaanan ko lang sandali ang mga gamit ko rito, ito na lang kasi ang naiwan. Nagmamadali ako sa pag-uwi, dahil ayaw ko na.
“Let me heal for myself, Tiya Flora. Promise babalikan ko kayo sa oras na magiging okay na ako. Di ko kaya ang manatili rito at maalala lang ang lahat ng sakit na naranasan ko sa piling ni Kuya A. Sana maintindihan niyo po iyon.”
Ito na nga yata ang pinakabravest na desisyon ko. Ubos na kasi, said na said... at wala nang naiwan sa akin.
At kailangan kong magpakalayo, umayos at maging matapang. I can’t survive in this kind of weak love.
“Yzle,” isang tawag ng taong kinalimutan ko sa mahabang panahon. Pagkalingon ay namanhid na lang ang puso ko at tinitigan si Abelardo. Bahagya pa itong nagulat... ngunit nginitian ko na lang at umiling. Maybe because, I gave up a long time ago.
“Hoy! Natulala ka diyan?”
Napakurap-kurap ako at napalingon sa paligid! Oh fūcking scotch tape! Nanaginip ba ako nang gising? Araw ng kasal ko kaya bakit tulala ako rito?