19

2081 Words
“Oh? Yzle? Dito nga kayo,” anyaya galing kay Tiya Flora. Dito na sana ako sa isang tabi at kasama si Kuya Abel pero mukhang ayaw ni Tiya sa ganoon. Kaya kahit gusto naming magsolo ay napilitan kaming lumipat at tumabi sa mga Tita. “Ang ganda-ganda na nitong anak ni Milagros, Flora ah?” “Syempre naman, pambato ko ‘to e. Medyo may pagkapilya lang.” ngisi ni Tiya. Tumikhim si Kuya Abel at pagkalingon ko ay umiwas ito. Bakit? Totoo ba? Ang sarap pagkukutusan nitong mag-ina. Sumisimple ng pambubully, e... oo nga naman, may pagkapilya ka naman talaga, Ice... di mo lang maamin sa sarili. Ngumiwi ako at tahimik na kumakain. Gutom na gutom ako. Tapos itong si Kuya Abel masyadong nagpapahalata at kanina pa lagay nang lagay ng ulam. Alam niya nga yata e, na pagod ako at kailangan ng maraming pagkain. Syempre, sinong di magugutom sa ginawa nito? Muntik pang bumigay iyong kama ko! “Marami pa dito, kain lang nang kain, Yzle.” Isa pa si Tiya, di ako sigurado kung matutuwa ba ito pag nalaman niyang nagbahay-bahayan kami ni Kuya A doon sa itaas. Baka himatayin, Tinuring na rin ako nitong parang tunay na anak, kaya di ko alam kung ano talaga ang magiging reaksyon niya sa oras na malamang may namamagitan sa amin ni Kuya Abel. Baka bigla akong isumpa... Sana nga lang di umabot sa ganoon. Tapos itong si Kuya A rin, kinuhanan ako ng isang maliit na lalagyan ng sawsawan. Kumuha rin ng kalamansi, patis at pati maanghang na sukang lambanog. Ginanahan nga ako sa pagkain. Nakisawsaw din ito sa akin, minsan nagkakabanggaan pa ang mga daliri namin. Wala lang nagsasalita at pasimpleng sumusulyap-sulyap na lang sa isa’t-isa. Panakaw-nakaw, pareho naman yata kaming hindi takot kay Tiya Flora... pero mas exciting nga iyong ganito. Natatawa na lang ako at tinuloy ang pagsubo. Walang nagsasalita sa’ming pareho, tahimik, kabaliktaran ng mga matatandang nagchichismisan tungkol sa buhay ng ibang tao. Nalukot nga ang mukha ko nang narinig mula kay Auntie Deding na, “Narinig mo na ba iyong balita? Buntis daw si Nene at hindi sigurado kung sino ang ama. Maraming haka-haka na baka iyong dayong tricycle driver diyan sa kanto. Parang kaladkarin din kasi ang batang yon, nagpapahila sa mga lalaki... basta’t may pera.” “Naku, patay iyan! Mag-aalburuto na naman ang maingay niyang ina niyan. No’ng isang taon ang Ate nito ang nabuntis at iniwan, ngayon naman ang nakababata?” “Bakit kaya ganoon ang mga kabataan ngayon?” “Masyadong mapupusok, akala mo naman ay may maipapakain na.” Oo nga naman, may punto rin sila roon ngunit ang marinig na pinagchichismisan nila ang mga batang yon, ay parang nakakabingi. Napangiwi ako at hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko si Kuya A na kanina pa pala nakatitig sa akin. Ngumiti ako, kumindat naman ito at ako nama’y napansinghap. Ang lantod! Pag yan nahuli, ewan ko na lang. Sabay naming niligpit ang mga pinagkainan namin. Nakitulong din kami kay Tiya na unti-unti nang nililigpit ang ilang platong gamit na. At dalawa kami ni Kuya A na inihahatid iyon sa kusina, ang kakaunti ng mga ginamit pero nagtagal pa rin kami ni Kuya A sa hugasan. Paano ba naman kasi, wala na yata kaming ibang ginawa kundi ang maglampungan. Nagiging tahimik at maayos lang naman kami ‘pag ramdam naming nandiyan na si Tiya Flora. Di yata nakakapansin dahil kung kausapin kami ay parang normal pa rin naman. Pag umaalis naman si Tiya ay nanunukso na ulit ang mga sulyap-sulyap namin sa isa’t-isa. Tapos nauuwi sa nakakapugtong halikan. Nanginginig na nga ang mga tuhod ko, gustong bumigay. Sarap na sarap ako sa labi ni Kuya Abel. Kaso pareho rin kaming natigilan noong may nalaglag na babasaging gamit at ganoon na lang ang gulat ko nang nakitang nakatayo roon si Auntie Deding, na gulat na gulat ang reaksyon. Putik! Deads! Patay kami... e yon lang, hindi rin ako sigurado kung magagalit ba nito si Tiya. Wala itong sinasabi na iba noon, kahit paalala lang... na kung maaari ay iwasan namin na magkaroon ng bawal slàsh hindi naman talaga bawal na relasyon. O dahil bago pa man yon ay nalaman niyang bakla si Kuya A... na kalat naman dito sa’min. “K-kayo ba?” Chismosa! Parang atat ngang malaman kung tama ba ang hula niyang kami ni Kuya A. Naglalakad ito palapit sa amin, pabalik-balik ang titig. Waring hindi makapaniwala. Oo nga naman... alam nilang bakla si Kuya A. Kaya malamang magtataka iyan kung bakit nahuli niya kaming nagtutukaan. Magsasalita pa nga lang ako ay natanaw ko na sa bungad si Tiya. Nanlamig ako at napahawak sa braso ni Kuya A. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon, basi na rin sa unti-unting paglapit ni Tiya. Ang lakad at tayo nito, parang tulad lang din ng kanina. Kaya alam kong wala pa itong alam. Ito namang si Auntie Deding, insensitive, at hindi man lang muna inalam ang paligid bago ibinuka itong chismosa niyang bibig. “Kayo ba? Akala ko ba bakla iyang si Abel? Pero ano iyong nakita ko? Nagtutukaan kayo?” Grabi ka Auntie! Nandiyan lang si Tiya Flora na nagulat din sa narinig at sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga bitbit niyang kitchen ware. Basag lahat maliban sa mga untensils! Namutla na ako nang tuluyan at napahigpit ang kapit sa braso ni Kuya A na noon ay matigas pa ring nakatayo roon. “Flora! Naku, pasensya na.” Natatarantang sabi ni Auntie Deding at dinaluhan si Tiya Flora na namumutlang nakatitig sa amin. Parang sinasalamin din namin ang bawat nararamdaman. Walang nagsasalita, lahat pilit na sinisink in ang nangyari. Hanggang sa sumigaw sa galit si Tiya na ikinaluhod ko. Noon, wala naman akong pakialam kung magalit ito o hindi. Noon, malakas ang loob kong maglayas dahil hindi naman ako natatakot kay Tiya. Ngayon, para akong hihimatayin habang magkaharapan kaming tatlo. Nagisuwian na ang mga bisita, mag-aalas dose na rin ng hating gabi. Pero heto kami, hindi man lang nakakaramdam ng pagod at antok. Walang nagsasalita, ayaw ko ring magsalita... hahayaan ko muna si Tiya. Siya muna sa gabing ‘to at pipilitin ko ring intindihin ang mga desisyon niya. “Kayo ba ay may relasyon?” Suminghap ako at mabilis na umiling. Suminghap din si Kuya A at hinawakan nang mahigpit itong kamay ko. “E ano tayo?” Napapikit ako. Ako lang mag-isa ang ginigisa ngayon. Paano ko sasagutin? Wala naman talaga kaming relasyon. May boyfriend pa ako! And I cheated! Putik! Ang saklap ng buhay, ako pa ngayon ang nagloko. Ako ang niloko, akala kong niloko noon, pero heto... ako na naman ang gumagawa. “Ano yon? Wala kayong relasyon pero nahuli kayong naghahalikan? Anong nangyayari sa inyo?! Saan niyo ginamit ang mga utak niyo para gawin iyon?!” Nanggagalaiting sigaw ni Tiya. Napapikit na naman ako, nabibingi. Paano ko ba ipapaliwanag? Na matagal na? Pero wala nga kaming label ni Kuya A! Kaya ano naman ang isasagot ko? I can’t lie... yes, hindi ako pwedeng magsinungaling. “Ma,” tawag ni Kuya A. Sabay pa kami ni Tiya na napalingon sa kanya, “May boyfriend pa si Yzle, kaya walang kami.” Umungol sa inis si Tiya Flora at mariin ang pagkakapikit. Halatang mas naging aburido sa narinig. Lalo lang akong nanlamig sa sobrang kabado. Bakit naman niya sinabi? Makakahintay naman iyon. Pero bakit di siya nakapagpigil? “May boyfriend ka, Yzle... naghahalikan kayo ng anak ko. E ano yon?!” Lintek na! Mas lalong nagalit. Hindi kaagad ako nakapagsalita at walang namutawi sa bibig ko, walang pumapasok sa isipan ko. Paano ko sasagutin iyon? “We love each other Mom. That’s the real score.” Napahilot noo si Tiya. Pumikit na lang ako, hiyang-hiya at wala na namang masabi. Paano ko ba ipapaliwanag? Na hindi okay iyon? Na mas lalo lang naming pinalilito si Tiya. “Kayo ba ay... “ kabadong bulong nito, “... ginagawa na ang bagay na dapat ay sa mag-asawa lang?” Tuluyan na nga akong naumid, paano ko sasagutin iyon? Na matagal na? Tiya naman... kinakabahan na ako. “Tama ako?! Diyos ko naman, alam niyong banal iyan! Bakit niyo ginagawa?!” Napasapo sa sariling mukha ito. Nakagat ko ang labi, paawang-awang ang labi ko. May sasabihin ako pero nag-aalangan ako. Kaya lang sadyang matabil din itong bibig ko at naisiwalat ang naiisip. “Kayo nga rin naman, Tiya. Nakipagchuchu kayo sa tatay ni Kuya A. Kaya anong pinagkaibahan nitong sa amin?” Napingot kaagad ako ni Tiya, napadaing ako sa sakit. “At gusto mo namang sumunod? Hala sige! Ipapakasal ko kayo, sa ayaw at gusto niyo.” “Tiya?!” Nagulantang ako. Nagpapasaklolo naman ako kay Kuya Abel na ngumingising nakatitig sa’ming dalawa. “Kuya A?!” Nyeta! Wala akong kakampi! Nanginginig ang kalamnan ko habang nakaupo rito sa sofa. Paano na ngayon? “Aakyat na ako, matulog kayo... at please lang, wag muna kayong magtabi habang hindi pa kayo naikakasal. Aasikasuhin ko yan bukas kaya magpapahinga na ako. Wag kang magkakamaling tumakas, Yzle! Kundi makakatikim ka sa akin! At ikaw naman, Abelardo... umayos ka!” Mabilis na tumango si Kuya A at mababanaag ang tuwa sa mukha samantalang hindi ko naman maintindihan ang sarili. Para akong aatakehin sa puso, wala akong matinong maisip kundi ang isipin ang tungkol sa plano ni Tiya Flora. Di lang ako sigurado kung nagbibiro ito o ano. Ang iniisip ko ngayon ay si Felix. Hindi talaga pwedeng sa dalawa ako magtatampisaw. Kasalanan na nga si Kuya A ay idadagdag ko pa ba si Felix. Kailangan naming mag-usap nang masinsinan, iyong totoo at walang halong panloloko— kahit na ginawa ko na iyon kay Kuya A. “Let’s sleep, we’ll talk about us tomorrow morning.” Humugot ako nang malalim na hininga bago sumabay sa kanya. Hindi nga lang talaga ako makatulog at maya’t maya ang silip sa cellphone. Nagtataka nga lang ako ay bakit wala ng text galing kay Felix sa gabing ‘to. Iniisip ko nga na sana nagloloko na lang ito para hindi na ako mahirapan, pero imposible e. Sa klasing tao ba naman ni Felix, hindi niya magagawa iyon. Bangag ako kinabukasan. Halos magtatalon-talon ako sa pagkakataranta. Lakad-takbo iyong ginagawa ko, may klasi pa ako... at mukhang hindi ko muna mahaharap si Tiya. Mabuti na lang at nakaramdam, pansin ko nga ay tumitig lang ito sa akin at hinayaan akong mataranta roon. “Ma, hatid ko lang muna si Yzle.” Mabilis na tumango si Tiya, mabuti na lang... kahit papa’no makakahabol pa ako sa unang pasok ngayong araw. Kaya lang habang nagbabyahe ay kinabahan ako noong nagsalita na si Kuya A. Hindi na kasi normal na usapan ito... tungkol na sa kasal na gusto ni Tiya Flora. “Nagbibiro lang siguro iyon. Alam mo na matanda na, kaya masyadong malalim ang isipan tungkol sa premarital sèx.” Ngiwi ko. “She isn’t like that. When she decide, that’s her final word. Mabuti pa pag-usapan na lang natin habang umuusad itong traffic, ano bang gusto mong tema?” Napakurap ako at napalingon kay Kuya A. Ni hindi ko nga masyadong iniisip ang kasal, o birong kasal, dahil lubog pa ang isipan ko tungkol kay Felix. Kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon ko ngayon. “K-kakausapin ko muna si Felix,” “He can wait... I researched about weddings last night. I’m confused about those things we need for preparation. Maraming kailangan— motif, venue, souvenirs, number of guest, and many more.” Ngiti nito. Barado na ang lalamunan ko. “Makikipagbreak na ako kay Felix, kaya kailangan ko siyang makausap.” Paliwanag ko. Ayaw ko nang pahabain pa ‘to, halata naman e... na wala nang silbi itong relasyon namin ni Felix. Di ko pwedeng ituloy ang sa amin dahil din sa nararamdaman ko kay Kuya A. “That also can wait, Yz... may nakita na nga pala akong tatlong venue. I’ll ask your opinion later, ipapakita ko iyong mga naisave ko para din makapagbigay ka ng desisyon.” Lumunok ako. Mag-ina nga at makukulit. Kahit hindi gaanong excited ang boses nito e halata naman sa kung ano-anong inooffer nito sa akin. “Sigurado ka na ba rito?” Lunok ko. Bahagya itong napalingon sa akin, tapos bumalik din sa unahan ang mga mata... malapit na rin kasi kami. “I won’t be this excited it I am not.” Sigurado na nga... ako lang naman itong nag-aalanga kasi ang dami pang problema na kailangan kong ikonsidera at ayusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD