11

2060 Words
Kahit alam na ni Tiya ang buong kasarian ni Kuya Abel ay talagang pinaghandaan niya pa rin ito ng kaunting salu-salo. Tanggap na tanggap niya samantalang ako, heto at aburido habang iniisip ang papalit-palit nito ng syuta na mukhang damit lang, kaya lang may nadagdag... di lang damit panlalaki kundi damit pambabae na rin. Nakakainis! Wala akong magawa kundi maging plastik. Maging masaya sa muli nitong pag-uwi, kahit na parang gusto ko na namang lumayas. Nakakaubos ng pasensya, nakakaubos ng pagtitimpi, na gusto ko na lang maging uod habang nakatulala sa paglabas ni Kuya Abel mula sa departure area. Sarkastikong ngumiti ako rito, tinanggap ang yakap nito at tumango lang ng isang beses sa lalaking kasama nito. Pinangingilabutan ako habang nakikiramdam sa kanilang dalawa. Tiya Flora was smiling, kahit ano naman kasi talaga pagdating sa anak, kahit hindi maganda, matatanggap mo kasi mahal mo. Hindi ko nga lang talaga magawang maging masaya, syempre umuwi na ito... may magdidilig na ulit sa pechay kong lanta... kaya lang, mas gusto ko na lang maggitara kesa ito ang gumawa. Charot! Walang diligan na mangyayari, lalo na ngayon na may kasama itong kasintahan. Kung maaari, iiwasan ko. “Aalis ka na naman? Bakit ba hindi ka mapirmi, Yzle?!” Nakapamaywang na bungad sa akin ni Tiya. Pinasadahan niya pa ako ng titig, nakataas kilay pa na para bang may mali sa suot ko. Hayaan mo na Tiya, brokenhearted ako ngayon kaya hayaan mo’kong sa basketball ko ilabas itong frustration ko. Nagtataka nga ito kung bakit umasal akong ganito, it started a months after Kuya Abel went to US. Ewan, cope up ko siguro ito upang hindi ko maramdaman ang sakit. Mabuti na lang hindi na ako naadik sa paninigarilyo. “Diyan lang naman Tiya,” “Aba’y! Diyan ka nga lang pero parang ginawa mo namang bahay! Mas madalas kang nasa labas kesa manatili rito, doon ka na lang kaya tumira? Ano? Iyong bola mo na lang kaya ang gawin mong unan? Ano? Baka gusto mo ring gawing kwarto iyang basketball court diyan sa kanto?!” Spare me! Tiya! Kailangan ko nang umalis, rinig na rinig ko iyong tunog ng mga tsinelas, sure akong sina Kuya Abel iyon. Pumikit ako nang mariin at malawak na ngumiti kay Tiya, “Kailangan ko na pong umalis, Tiya. Hayaan niyo po, bukas hindi ako lalabas.” Humugot ito ng malalim na hininga at tumango. Wala na rin naman siyang magagawa, alam niyang ipagpipilitan ko pa rin ito. Kumaway si Caren nang nabungaran ko ito sa kabilang court. Ngumisi nga ako at lumapit sa kanya. “O ano? Magpapawis ka na naman ba? Magtigil ka, Yz... ngayon pa na babaeng-babae ka na?” Natatawang tukso nito. Ngumuso lang ako at tamad na naupo sa tabi niya. Tinitigan ko nga si Danilo, iyong masugid kong manliligaw na kahit nakita niya nang tagaktak ako ng pawis noon e talagang gusto niya pa rin daw ako. Kung noon siguro ito, iyong mga panahon na hindi nakapako ang puso ko kay Kuya Abel, siguradong pinatulan ko na. Imagine ha, sa isang iglap nagbago ako nang dahil lang din kay Kuya Abel. Imagine also on how he changed me into someone better? Or bitter? Ah basta, hindi ako masaya roon. “Bali-balita na pala sa buong street natin iyong pagiging bakla ni Kuya Abel, maraming nanghinayang at marami ring naging brokenhearted. Sama mo na rin ako.” Nangingiwing bulong ni Caren. Sumimangot ako at tumingala. Nakita ko ang isang kalapating nakapwesto roon, parang naghihintay na humupa ang init ng panahon bago lumipad sa kung saang lupalop. Mabuti pa ang mga ‘to... kahit saan na lang napapadpad. “Hi,” Natigil ako sa pagtingala at tumitig sa gilid. Si Danilo pala, nakangiti ng bahagya at titig na titig sa akin. “Buo na naman ang araw ko,” ngisi nito. Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ko at tinitigan pa rin ito. “Yz,” at kaso naputol iyon nang may tumawag sa akin mula sa kabilang court. Halos tumalon ang puso ko sa sobrang kilabot noong makita si Kuya Abel, malapad na nakatayo roon, at mas matangkad sa foreigner nitong boyfriend. Mas matangkad kasi si Kuya Abel dito, mas malapad pa ang katawan at tigasin din kung titigan kahit may lahi itong Asian. “Sabi ni Mama nandito ka... you were playing basketball?” Tanong nito pagkatapos na tumawid. Na-intimidate si Danilo kaya naupo sa malayo. Napapantastikuhang sinilip ko lang ito at tinitigan si Kuya Abel. “Pag bored,” at boring din ang sagot ko rito. “Let’s play?” Ngiti nito. And I’m very aware that he’s trying to have bond with me. Kaso, sa ginawa nito... pagkatapos na masungkit ang bulalakaw sa pagitan ng mga hita ko, mas gugustuhin ko na lang magsolo kesa makihalubilo pa. Nakasimangot ko ngang inabot sa kanya ang bola. Tinitigan ko ulit itong foreigner niyang boyfriend. Naniningkit nang bahagya itong mga mata ko, tahimik lang kasi ito... parang ilang na ilang, bakit? Nakakadiri bang humalo sa mga ganitong klasing tao? Parang ‘manol’. “Let’s play, Yz.” Play mong mukha mo! Tinatamad na ako, silang dalawa ang maglaro ng boyfriend niya. Tutal, agaw pansin na rin naman sila. Sure akong sa mga oras na ‘to, nangingilabot na rin ang mga babaeng nagkagusto rito noon. Ewan ko na lang kung hindi rin magulat ang mga ‘to na hindi lang bakla si Kuya Abel kundi isang salawahan ding papalit-palit ng kasintahan, hindi lang lalaki kundi kahit babae. “Yz? Ayaw mo?” Malungkot na titig sa akin ni Kuya Abel. Umiling ako at umiwas. Narinig ko pang bumuntong hininga ito at inaya na lang ang boyfriend. Lumagabog ang buong court, parang mabigat yata ang laro ngayon. Lumingon nga ako rito at namilog ang mga mata ko ng parang laruan lang na brutal na sinusupalpal ni Kuya Abel ang namamawis nitong boyfriend. Tang’na! Kinakawawa niya! Ang harsh nito! Ganito ba talaga ito na parang lahat na lang ng bagay ay dinadaan sa dahas? “Damn it, Wright! I’m quitting!” Nagalit na iyong foreigner na boyfriend niyang namumula na sa sobrang pagod. Tinitigan lang siya ni Kuya Abel at kumibit. Bumalik ito at naupo rito sa gilid ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya kaya agaran itong lumingon. Ngumiti pa ito ng bahagya, kahit pagod at mukhang aawayin pa si Kuya Abel mamaya. “He’s a monster and I hate this part of him, you know that, Yz?” Kausap nito sa akin. Suminghap ako at natataranta sa iniisip! Anong monster, halimaw ba iyon na simula pa man noon ay malambing na sa akin? Baka halimaw sa kama! Iyon ba ang ibig nitong sabihin? Dahil bumabaliktad ang sikmura ko sa iniisip. Ngumiti na naman ito at tinitigan na lang si Kuya Abel. Parang ang sarap manigarilyo, I quit smoking a long time ago, simula noong nagkagusto ako kay Kuya Abel pero pag ganitong natataranta ako sa iniisip ay parang ang sarap humithit ng kahit isang stick lang. “Bili tayo ng softdrinks,” aya ko kay Caren. Tumango ito at naghanda para tumayo. Ganoon din ang ginawa ko at lumingon sa katabing foreigner. “We’re leaving” simpleng sabi ko rito. Tumango ito kaya naglakad na kami ni Caren papunta sa kabilang court. Ngumiti iyong ka-blockmate kong nahagip ng mga mata ko habang patawid. Ginantihan ko at umiwas. Mas bata sa’kin ‘to ng ilang taon, siguro two or three, at alam kong may gusto sa akin. Kinukulit ako sa chat, inaayang makipagdate, pero syempre ilang ulit ko ring tinanggihan. Tulad ng kay Danilo, ayaw ko muna. “Kung hindi lang tumatak sa isipan ko na bakla si Kuya Abel e baka nagtitili na ako kanina, ang gwapo pa rin eh... ang bigat nitong titigan sa court.” Kumibit ako at inumang ang straw sa bibig. Tambay lang muna habang nagpapalipas ng oras. Sure akong mapapagod din si Kuya Abel doon at aalis din kapag nabagot na. Kaso mukhang mamamatay yata ako sa bilaok dahil natatanaw ko nang papunta sila rito. Nasa tagiliran niya iyong pinahiram kong bola at parang nag-aaway pa sila noong foreigner, na paulit-ulit ko ring nakakalimutan ang pangalan. “I told you! Your reasoning is futile... and how many times do I have to remind you, Wright? I dunno if this trip is worth my sacrifice.” Naiiritang sabi noong foreigner. “Trevor, you are leaving after a week. Be patient.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kuya Abel at noong makita ako ay ngumiti ito at inabot sa akin ang bola. “Sobrang lamig ba?” Turo nito sa hawak kong cellophane na may lamang cola. Tumango ako at sumilip ito sa loob ng tindahan, “Bali dalawang bote at pabili na lang din ng apat na ganito,” turo ni Kuya Abel sa biscuit na nandoon. Inabot niya ang dalawa, tig iisa kami ni Caren at akala ko ay aalis na ito. Talagang nakitambay din tulad namin. Iyong foreigner, si Trevor, ay nanatiling tahimik ulit. “How’s school, Yz? Pasensya na at hindi ko kaagad natanong, naging sobrang busy.” Basag nito sa katahimikan. Tumikhim ako at nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ito o hindi. Halatang gusto nitong ibalik iyong init ng bonding namin noon. Kaso marami ng nagbago, I don’t know kung dahil lang ba ito sa ideyang lumaki siya sa ibang bansa at liberated ang isipan para isipin pa iyong virginity na binigay ko sa kanya noon. Parang wala lang eh at totoong ramdam ko na iba ang gusto nitong ayusin. “Tulad lang ng dati,” simpleng sagot ko. Ina-update ko naman si Tiya tungkol sa mga grades ko, pagkatapos ng isang sem ay pinapakita ko kay Tiya. Pinipiktyuran niya iyon at siguradong pinapasa rin kay Kuya Abel. “Did you have a hard time?” Ngiti nito, Given na iyon, lalo na at kolehiyo. Lalo na rin na matagal bago ako nakabalik sa pag-aaral kaya maraming adjustment para lang hindi ako mahuli sa klasi. “Don’t worry, I’m planning to quit military... and I lately decided to stay here for good. May mag-aalalay na sa’yo.” Nabilaukan ako, ano raw? “Wright!” Tarantang tawag ni Trevor dito. “You didn’t tell me that! What was that all about? Are you quitting military? f**k it! You should have consulted this to me first!” Galit na sigaw ni Trevor. Ni hindi man lang nahiya sa mga dumaan na tumitig pa rito. Umiling si Kuya Abel, walang pakialam sa frustration na naramdaman ni Trevor. Mas lalong nagalit ang isa at sinamaan ito ng titig ni Kuya Abel, I think it was his warning dahil parang tutang nanahimik si Trevor. “Anong magandang negosyo, Yz?” Maya’t tanong na naman nito. Kumibit ako at pinaglaruan ang straw, “Anong mga hilig mo? Tell me, Yz... I might consider one to start up.” Ngiti nito. Kumibit ulit ako, naging tahimik si Kuya Abel. Walang nagsasalita, parehong nakikiramdam ang lahat hanggang sa narinig ko ang malalim na buntong hininga nito. “I wanted us to bond more, Yz... hindi kita naasikaso pagkauwi ko rito. Are you mad?” Bulong nito, parang pinipilit niyang kami lang ang dalawa ang makakarinig. Kumibit ulit ako at inubos ang laman ng supot na hawak at tinapon ito sa basaruhan. Niyakap ko itong bola at sinilip siyang muli na bahagyang nakatingala sa akin. Titig na titig. Na waring binabasa itong nasa isipan ko. Noong naramdaman ko nang tapos na si Caren ay inaya ko na itong bumisita sa loob ng covered court. “Thank you po sa biscuit.” Ngiti ko at naglakad. Nagtatampo man o galit, kung yon ang iniisip niya, ay ayaw ko lang talagang maattach uli sa kanya. Mapanakit e. Hindi man lang nito kinonsidera ang nararamdaman ko noong mga panahon na iba’t iba kasintahan ang pinopost niya sa social media. Kinalimutan nga kaagad ako pagkatapos ng ilang buwan. For experience ba, ha? Kuya Abel? Na tinitimbang mo kung saan ka mas nasarapan? And now you settled to whom you think you are satisfied... very satisfied. Mga lalaki talaga, sakit lang sa ulo... at sakit lang sa puson. Makapaggitara nga mamaya! Para mawala rin itong init ng ulo ko at ibang init naman ang lumabas. Tutal, doon na lang ako nagiging masaya. Atleast, kahit nangangati ako ay hindi naman sa kung sino-sino ako nagpapakana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD