Usap usapan sa buong hacienda ang hindi na natuloy pang kasalan nina Senyorita Amanda at Senyorito Pancho. Marami ang nanghinayang sapagkat handa na raw sana ang lahat. Karamihan rin ay nalungkot dahil napamahal na rin daw sa kanila si Senyorita Amanda. Kaya noong inanunsiyo ni Senyor Flavio na hindi na matutuloy pa ang kasal muntik nang magkagulo sa mansiyon. Siyempre may iilang sumama ang loob dahil nagpakapagod lang rin daw sila sa wala. Sana naman daw ay nabalaan sila agad nang sa gayon ay hindi na sila nakapaghanda nang todo na nuuwi rin sa lahat. Ngunit sa huli, wala na ring nagawa ang mga trabahador kundi tanggapin na rin na wala ng kasalang magaganap. Isang buwan na ang nakalipas magmula nang iurong ni Senyorita Amanda ang pagpapakasal kay Senyorito Pancho. Wala na rin kaming bali

