CHAPTER 38

2382 Words

Gaya nga ng karaniwang mga araw, pinangatawanan ko na naman muli ang pagpapanggap bilang hamak na trabahador lang na sunod sunuran sa likod ni Senyorito Pancho. Hanggang sa mga sandaling ito ay walang sino man ang nakakaalam na may namamagitan sa aming dalawa na siya namang ipinagpasalamat ko ng lubos. Tanging ang apat na sulok lang ng aking kwarto ang nagiging saksi ng lahat ng aming panlilinlang sa hacienda at kay Senyor Flavio. Patago man ang pag-iibigang ito, ngunit kalaunan ay nasanay na rin ako. Naging kuntento ako sa mga nakaw na sandaling magkasalo kaming dalawa ni Senyorito Pancho sa iisang silid kung saan malaya kami sa lahat. Malaya kaming ipadama sa isa't isa na ibuhos ang mainit na pagmamahal na walang halong pangamba na baka mayroon makadiskubre sa lihim na aming itinatago.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD