"Ti-tigil!" Tinulak ni Sabio ang matipunong dibdib ni Senyorito Pancho palayo ngunit tila baliktad ang nangyari na ngayon ay nakadikit na sa kanyang bibig ang manipis nitong mga labi. Nilamutak ni Senyorito Pancho ang kanyang bibig gamit ang labi nito. "Hindi ako titigil. At isa pa pabor din naman sa iyo itong ginagawa ko. Hindi ba?" "Tama na ang kalokohang ito.." ang humihingal niyang saad. Ngunit walang pakialam si Senyorito Pancho. Pursigido siyang marinig mula sa labi ni Sabio ang isang bagay na pinanabikan niyang mangyari sa pagitan nilang dalawa. Sa bagay ay tila nauumay na rin ang lalaki sa paulit ulit na lang na pagsisikil nila sa isa't isa. Gusto niyang mas higit pa roon ang mangyari. Mahal naman nila ang isa't isa. Walang mali kapag gawin nila ang bagay na iyon dahil natural l

