WARNING: This chapter contains explicit content. Read at your own risk. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng impit na ungol sa aking labi nang maramdaman ko ang unti-unting paglalim at pagrahas ng mga halik ni Senyorito Pancho sa akin. Bago pa man sa kung saan man aabot ang mapaniil niyang mga labi, kusa kong inilayo ang aking sarili sa kaniya. "Hindi na dapat tayo nandito, Senyorito," ang aking nag-alalang pahayag, ngunit sa sandaling maghiwalay ang aming mga labi, pakiramdam ko ay bigla ring namatay ang kaginhawaang lumulunod sa akin. Kumawala ang buntong hininga niya, ngunit sa huli ay nakita ko ang kaniyang pagtango. Tumalikod na ako upang makabalik sa aking kwarto. Hindi ko na siya nilingon pang muli ngunit ramdam ko ang tahimik niyang mga hakbang na nakasunod sa aking likuran. "

