Patuloy ang marahas na pagkatok ni Senyorita Amanda sa labas ng aking silid. Sa sandaling ito, wari bang lumukso patungo sa aking tainga ang aking puso dahilan para mabingi ako sa marahas na pagkabog nito. Anong gagawin ko sa sandaling ito? Nagkabuhol buhol ang aking isipan na tila ba tulala lang na nakapako ang mga tingin sa pinto. "Magbihis ka," mahinang utos sa akin ni Senyorito Pancho sabay abot sa akin ng aking mga kasuotan. Nang lingunin ko siya, naroon na muli sa kaniyang katawan ang pinaghubarang damit. "A-anong gagawin natin, Senyorito?" bakas doon ang pag-alala sa aking tinig. Alam kaya ni Senyorita Amanda na kasama ko sa silid na ito ang kaniyang mapapangasawa? Paano na lang kapag mangyari iyon? Malalagot ako. Paniguradong malalagay sa alangin hindi lang ang trabaho ko kundi p

