Dalawang buwan na ang lumipas pagkatapos ng huling pagtatagpo nilang dalawa. Dalawang buwan na ring hindi na nasilayan pang muli ni Sabio si Senyorito Pancho gayong sinunod nga yata talaga nito ang hinihiling niyang ang gabing iyon na ang huling sandaling magpapakita ito sa kaniya. Akala ni Sabio ay maging maayos na muli ang kaniyang buhay, ngunit nagkakamali siya. May kung ano sa kaniyang pakiramdam na hindi niya maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig. Ilang araw na rin siyang ganoon. Tila nawawalan na siya ng gana sa lahat. Pagod siya sa di malaman kung ano ang dahilan. Nagsimula ang lahat ng iyon matapos silang makapag-usap ni Senyorito Pancho noong huling sandaling nagtagpo sila. Alam niyang nakamove on na siya ng lubusan kay Senyorito Pancho, ngunit bakit pakiramdam niya labag sa k

