Ilang araw na ang lumipas magmula ng halikan ako ni Kiel. At hindi ko alam kung bakit sa tuwing maaalala ko ang bagay na 'yon ay bigla nalang tumitibok nang mabilis ang aking puso. Para ring may kung ano sa aking tiyan na kinikiliti ang aking buong sistema. Pero ewan ko ba, ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang sa kaniya. Walang nagbago sa pakikitungo ko. "Nakahanda na ba ang almusal?" Tanong ko rito habang inaayos ko ang aking uniporme. Tumango lang ito bago inihanda ang mesa at ang almusal ko. "Kumain kana at baka mahuli ka sa skwela." Sabi nito habang nilalagyan ng kanin, hotdog, at itlog ang aking plato. Ito ang palaging ginagawa niya sa akin magmula nang magsimulang muli ang aming klase. Hindi ko na rin gaanong napapanaginipan si Jenny, kung kaya't labis na akong nagtataka

