Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang uncomfortable ng pakiramdam ko. Para bang may mangyayaring hinding-hindi ko magugustuhan. Nasa hallway na kami ngayon, parang sobrang haba ng sembreak ko dahil sa mga nangyari sa akin. Kani-kanina lang din ay tumawag sa akin si Abigail at ipinakita niya ang bagong school niya at ang mga bagong fafabol niya raw. Tumawag rin sa akin si Mama at kinamusta ako, pagkatapos ay sinabi niya sa akin na nagpadala siya ng pera at malapit na raw siyang umuwi. Napatingin naman ako kay Kiel na manghang-mangha sa mga nakikita niya. "Wow, Hannah! Ganda pala ng school niyo!" Sabi ni Kiel habang inililibot ang tingin niya sa buong paligid. "Tsaka andaming chickabeybs o!" Dagdag nito na ikinainis ko. Ang sarap niyang sigawan pero hindi ko magawa, magmumukha akong ba

