Naging malikot ang mga mata ni Ma'am Russell. Ni hindi niya magawang makatingin sa direksyon ko. Nakita ko rin ang pangangatog ng kaniyang mga kamay kung kaya't pinili niyang huwag nalang hawakan ang libro. Natapos ang klase namin na aligaga si Ma'am. Bago siya lumabas ng classroom, sinulyapan pa niya akong muli kaya doon na nabuo ang mga haka-haka kong nakikita niya si Kiel. Napansin ko kasi kanina na noong wala pa si Kiel, maayos naman ang pananalita ni Ma'am, maayos ang tindig niya, at mukha siyang relaxed. Pero nang pumasok si Kiel ay biglang nag-iba ang kaniyang kilos. Nilingon ko si Kiel na ngayon ay pasimpleng hinihipuan si Bea, ang class muse namin--- maganda, maputi, makinis, may magandang katawan, at malaking hinaharap. Bwisit! Kitang-kita ko ang pagngisi ng mokong habang ginag

