CHAPTER 22

1630 Words
Two days after Reed's mother went to my office ay pumutok ang balita na ikakasal na nga ang dalawa 2 months from now. Wheng called me at kinamusta ako, I know she's worried about me. But I'm more worried about my heart. How long will it take to get better again? After this heartbreaking news how can I cope up again and stand? That's my concern. And him. How can I ever forget him? How he used to look at me, how he made me feel, how he kisses my lips, how tempting he is when he wants me. Everything about him makes me cringe in pain. No doubt, I fell hard for that man. So deep that I'm drowning so high that I forgot how to breathe. Sino ang mag aakala na babagsak ako ng ganito? It's your choice Alissandra, you gave up your chance that night. To get away from pain, nagdecide ako na umalis. I need space, I need places where I can't remember him. Not here, dahil kahit saan ako tumingin ay siya ang naaalala ko. Weeks after that news popped, I have my ticket for Hawaii. Scheduled bukas ang alis ko. Nagsabi na ako kay Wheng and she's hysterical knowing I will be alone on that foreign country. Ayokong sabihin sa kanya na kahit naman dito ay pakiramdam ko na mag isa lang din ako. I promised her na babalik ako sa kasal nito. "are you sure ma'am?"my secretary asked me about leaving my company to the Ramos's for now. "yes, sila muna ang bahala, I know they will handle this company with care habang wala ako."simpleng sabi ko habang nakatingin dito. I heard her sighed. "no worries ma'am I will assist them."ngumiti na ako sa sinabi nito. "I know I can always count on you Chichi."ani ko bago inayos ang mga papers na nasa table ko. "send me an email if there is some decisions that needs my approval."paalala ko pa. "noted ma'am."she replied. Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at palabas na ng opisina, it's 3pm already kailangan ko pang mag ayos at mag impake for my flight tomorrow. Pagbukas ko ng glass door ay napaatras ako. "R-Reed.."anas ko. Tinignan lang ako nito bago pumasok sa loob, mataktika namang lumabas si Chichi. "maaga pa, pauwi na?"he looked at me. I swallow hard lalo at nanunuot ang titig nito sa akin. "I need to do something kaya maaga--" "don't give me that s**t!"napatalon ako sa gulat sa outburst nito. "Lastimosa called me asking if I can manage this company for a year!"Napasinghap ako sa nalaman. Oh Steve! "k-kay Wheng ako nagpatulong--" "your friend is getting married, she can't handle her own company tapos idadagdag mo pa ito? Saan ka nanaman pupunta?!"galit na sigaw nito. "I don't need to tell you, tsaka bakit ka ba narito?" "I came here to tell you that I will manage this! You should've told me! Ask for my help!"napamaang ako sa sinabi nito. "I can't.."usal ko. "you can't? Or you don't want me to?"napalunok ako sa tanong nito. "look, our past relationships ended in a not so good way, how can I ask you that? Besides you're getting ma-married too!"I stuttered. His face became red. Galit na tinalikuran ako nito. "I will manage this."he said in a calm voice now. "but Reed--" "Samaniego, you will call me Samaniego from now on, I have shares on this company so it is right for me to do this."hindi na ako nakaalma pa. "Alfonso.."pareho kaming napalingon sa babaeng pumasok sa loob. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Charlotte. Hindi ko napigilang lingunin si Reed na ngayon ay nakatingin na dito. "wait me outside Cha may pag uusapan lang kami."tumingin sa akin si Charlotte bago tumango kay Reed at sinara muli ang glass door. "you went here with her?"hindi makapaniwalang saad ko. "why not? She's my fiancee she should be with me right? Iyon ang gusto mo diba?"hindi ako nakasagot dito. Nawala ang ngisi nito nang makita ang itsura ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nangingilid na luha. Tumalikod ako to hide my face pero nagulat ako nang iharap ako nito sa kanya. "why are you crying?"matigas na tanong nito sa akin. "I'm not."umiwas ako ng tingin dito. "are you jealous?"he asked. I shook my head. "stop your habit of lying and tell me the truth!"he demands. "Mr. Samaniego let me go--" "I will."natigil ako sa pagpiglas nang marinig iyon. Pinagdikit niya ang noo namin. Nakita kong pumikit ito at dinama ang noo ko sa kanya. "just give me time before I let go."tumulo ang luha ko sa sinabi nito. "tell me, hindi mo ba ako talaga minahal?"lumayo ako dito nang itanong nito iyon sa akin. "may magbabago ba?"nanunuyang sagot ko. "you're still bound to marry her, pumunta na ang mama mo dito at--" "it's not about them, it's about us."putol nito sa sinasabi ko. "now tell me, nagseselos ka ba? Kasi kung totoong nagseselos ka ay ngayon din pakakasalan kita."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko maapuhap ang mga salita na nasa isipan ko kani kanina lang. "still not enough.."dismayadong lumayo ito sa akin bago nakapamulsang tinignan ako. "leave if you think it's the best thing to do."dagdag pa nito bago ako tinalikuran at lumabas ng office ko. Napakurapkurap ako at napaupo sa single sofa. Muntik na, muntik ko nang kagatin ang alok niya. Muntik na akong pumayag. Gabi na at patulog na ako, nakaayos na rin ang mga damit ko papuntang Hawaii. Sa wakas ay makakapagpahinga na ako at makakatulog ng may kumatok sa pintuan ko. "nasa ibaba po si Mr. Ramos."kumunot ang noo ko sa sinabi ng katulong. Bumangon ako at nagtakip ng roba para itago ang pantulog na suot ko bago lumabas ng kwarto. Pababa palang ako ay kita ko na ang seryosong mukha ni Ian habang hinihintay ako. "gabing gabi na.."umpisa ko para makuha ang pansin nito. Tinignan ako nito bago tumayo kaya nagmwestra ako na maupo na siya. "what brought you here Ian? It's late.."ani ko. He cleared his throat bago tumingin sa akin. "Im sorry, I need escape."my brows furrowed on what he said. "excuse me? Don't talk in riddles just get to the point."wika ko. Balisa ito, mga katangian na kailanman ay hindi ko nakita sa kanya. He's always confident, tiwala sa sarili na hindi magkakamali. But seeing him right now confused me. He looked lost and defeated. "anong problema?"tanong ko na dito. "I'm getting married this week.."umpisa nito na tinanguan ko naman dahil iyon ang totoo. "months before my wedding I met this girl, she's annoying and all, we accidentally kissed."nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "w-wait.. Let me just process it on my mind, you're telling me you kissed the girl you aren't inlove with and not your fiancee, that's all?"umiling ito sa akin. "last night, at my bachelor's party I met her once again, she pleased me and I-I liked it, damn I like it until now!"napasinghap ako sa sinabi nito. "why are you telling me this?"pagak na tawa ko. Is he making me jealous? Natigilan ako, does Reed made me see him with her fiancee to make me jealous? "Ali.."bumalik ang isipan ko sa kaharap ko. "uh, yah.."tinignan ko ito. He sighed. "I wanna go with you."napamaang ako dito. "I'm not your escape goat Ian."pag iling ko. No way in hell I will let him. Kaya naman ang ginawa ko ay imbes na ako ang umalis kinabukasan ay siya ang pinaalis ko. He went to Hawaii sa gulat at galit ni Wheng. Narito ako sa opisina niya at kinwento ang lahat. "hindi ko alam bakit nagkaroon ako ng ganoong pinsan!"asik nito sa harapan ko ng sabihin ko ang nangyari. "calm down Wheng, alam mo naman ang lalaki na iyon, hindi sanay sa mga hindi planadong bagay kaya ayun nabuang."komento ko na nagpangisi dito. "in a way, its good, all good dahil hindi ka umalis."natigilan ako sa sinabi nito. "I heard from Steve na sinundan ka ng Samaniego mo sa Airport."agad kumabog ang dibdib ko sa pangalang binanggit nito. "sadly, he thinks you went to Hawaii with Ian."napaiwas ako ng tingin dito. "are you sure about this though?"tanong niya sa akin. "no.."usal ko. "do you really love that Samaniego?"she gently asked. Nag angat ako tingin kay Wheng bago tumango dito. "so much, I love him so much you can't even begin to know.."bulong ko. "then why aren't you fighting for him?"she looked intrigued. "because I don't want to put him in a situation between me and his family."tumango tango ito bago ngumisi sa akin. "heard that jerk? She loves you so much.."kumunot ang noo ko kay Wheng. Tinaas nito ang phone na nasa lamesa at nakalagay na kanina pa ongoing ang call. Samaniego?! I heard a chuckle from the other side of the line. "thanks Wheng.."tumatawang sabi nito bago nag end call. "what the f**k Wheng?!"asik ko dito pagbaba ng tawag. She laughed. "you're supposed to be on my side you're my friend!"patuloy ko pa. "he's Steve's friend so I need his loyalty para alam ko ang nga kalokohan na gagawin ni Steve sa future."hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito. She rolled her eyes bago lumapit sa akin at inalog alog ako. "what is wrong with you! Tinulungan lang kita magpakatotoo!"ito naman ngayon ang nagagalit. "okay okay!"pagsuko ko. Naupo nalang ako sa visiting chair nito nang nakasimangot. 10 minutes after that call Wheng's office door opened. Napatayo ako ng makita ang hinihingal na si Reed. "Reed.."bulong ko sa pangalan nito. "kasama mo si Steve?"tanong ni Wheng dito. Tumango ito at tinuro ang likuran. "okay, lunch lang kami."paalam ni Wheng bago kumindat sa akin. Bruha talaga! "say it again.."naagaw ni Reed ang atensyon ko. "what?!"asik ko. He grinned. "that you love me so much that I can't even begin to know.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD