CHAPTER 21

1552 Words
Nangilid ang luha ko, no this isn't me. Dapat ay sundan ko si Ian dahil iyon naman talaga ang minahal ko ng sobra. Or that's what I used to think. Dahil namalayan ko nalang ang mga braso ko na pumulupot sa leeg ni Reed to give him a tight hug. I felt his shoulders shaking habang yakap din ako. Napatingin ako kila Wheng na ngayon ay nilampasan lang kami at pumasok na sa loob ng bahay nila. "come back.."anas nito. I bit my lower lip to hide my pain bago ako kumalas dito. "I can't.."garalgal ang boses na sagot ko. His face is now full of confusion. "baby.."bulong nito pero umiling lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "you're meant for someone."masakit para sa akin ang sabihin ang bagay na iyon but I know I need to be strong lalo na ngayon. "I don't like her, I admit she's my damn!"napahilamos ito at tumalikod sa akin upang itago ang ano mang emosyon na makikita ko sa mukha nito. "I only want you.."he said with his shaking voice habang nakatalikod sa akin. Nang humarap ito ay tumambad sa akin ang namumulang mata nito. "let's get married then, this isn't my plan on proposing to you I want it to be perfect. I promise gagawin ko ito uli, but right now let's go to my friend he's a judge and he can--" "no Reed, I don't want you to do this for me, it's unfair for them and for us, dont you think we deserve more? Like freedom? Time and peace? Kapag pumayag ako sa gusto mo ay lalo lang gugulo."malungkot na sagot ko. "b-but it's me baby, d-don't you feel like I deserve you? Am I not enough? May kulang pa ba para mapapayag kita na pakasalan ako?"his eyes are begging for answers and desperation. "Reed I-I just can't.."I bit my lower lip to suppress my feelings. I gasp when he kneeled. Nakaluhod ito habang nakatingala sa akin. Umiiling habang hawak ang kamay kong nanlalamig. "don't do this to me please.. Don't give me up.." I close my eyes. I looked down para hindi ko makita how miserable he is. "baby please.. Don't leave me.."dinala nito ang kamay ko sa labi niya at masuyong hinalikan. His breathing became heavy, alam ko na dahil 'yun sa usapan namin. I'm sure he's hurting, I hurt him. "I'm sorry.."usal ko bago ko siya tinalikuran. "no!no!"niyakap niya ako ng mahigpit. "don't please Leigh! I'll be good I promise! Just please don't give me up.."his words are choking me to death. But this is my choice. This is what is right, and sometimes the right thing isn't always makes you happy. Doing right really sure f*****g hurts. Kinalas ko ang pagkakahawak nito bago ako nagsalita, hindi ko na tinangkang harapin ito uli. Mas madali kung nakatalikod ako, mas madali kapag hindi ko siya nakikita. "I realize I don't love you that much para pumayag sa gusto mo."naiiyak na sabi ko. "w-what?"his broken voice ripped my heart. "sinabi ko lang na m-mahal kita kasi mayaman ka. I can't live being poor, I am used to live with lots of money to s-spend."nauutal na dagdag ko pa. "nonsense!that's not true!"his husky voice sent shivers to my spine. "then I'm good at lying coz you probably believe all of it." "don't give me that s**t now baby! You can't just give your virginity to anyone unless you lo--" "unless it's for money, hindi na ako lugi, you have looks."pinatibay ko ang boses ko na para bang ito ang paninindigan ko. I'm sorry Reed. "do you really think I will believe you now?" "yes."sagot ko. "you really want me gone huh? Knowing you will hurt me."nasa boses na nito ang panunuya. Pininid ko ang labi ko para hindi lumabas ang hikbi doon. Tumango ako dito, na kahit nakatalikod ako ay alam kong nakita niya ang ginawa ko. "granted."he murmured bago ko narinig ang papalayong yabag nito. Nang sumara ang gate ay agad akong umikot para makita kahit ang papalayo nitong bulto. My tears went down my face. Nang gabing iyon ay hinayaan ako ni Wheng na magkulong sa guest room. Dinalhan niya lang ako ng pagkain pagkatapos ay lumabas din. Nakatanggap ako ng text mula kay Onsoy. Hindi ko na binasa dahil alam ko naman na tungkol lang iyon kay Reed. Ayoko munang tumanggap ng panibagong masakit na balita. Ilang araw din akong nakakulong sa guest room hanggang sa katukin ako ni Wheng. She gave me a brown envelope sa pagtataka ko. Nang buksan ko iyon ay napatda ako. Ang titulo ng mansion. "no Reed.."naiiyak na sambit ko ng mabasa ang nakasulat doon. "my payment for being your first."napapikit ako sa nabasa. Alam ko na ito ang pinaniwala ko sa kanya pero bakit nasasaktan ako ngayon na naniniwala na siya sa mga sinabi ko? He gave me our mansion. I smiled bitterly on that thought. Dalawang araw makalipas ay umuwi ako sa mansion namin. Naroon parin ang mga gamit ko. Pati ang gamit nila mommy and daddy. Panibagong lungkot nanaman ang bumalot sa akin. Now I feel so alone. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay malinis parin iyon, halatang nililinisan ng caretaker. Naupo ako sa kama ko at sinuyod ng tingin ang paligid. Nang tumama ang tingin ko sa malaking picture na noon ay wala naman ay lalo akong nalungkot. Reed. Picture ko iyon habang natutulog sa penthouse nito. Hindi ko alam na kinuhaan niya pala ako ng oras na iyan. Bago pa ako muling lamunin ng lungkot ay inalis ko na ang tingin doon at humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Parang pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa kung hindi ang tumunganga. Kinabukasan ay pumunta ako sa company namin. Nagulat ang mga naroon ng makita ako pero ako naman ang nagulat nang pagbukas ko ng CEO office ay si Reed ang makita ko. He took a glance bago nagsalita. "good you're here, pag aralan mo ang mga ito, then if you have questions ask your secretary, she's outside alam na niya ang gagawin. I have a company to manage, you manage yours."nang sabihin nito iyon ay nabigla ako. Kaya nang naglakad na ito palabas ay hinila ko ang dulo ng suit nito. Napatingin siya sa akin ng may kunot ang noo. "a-akala ko ba t-tuturuan mo ako?"naiilang na tanong ko. "naturo ko na ang lahat ng dapat mong malaman, while working on my company. You good now."akmang tatalikod na ito uli nang hatakin ko uli ang suit niya. "what now Ms. Ty?"napayuko ako nang maramdaman ang malamig na trato nito sa akin. Of course Alissandra sino ba ang hindi manlalamig sa mga sinabi mo? Idiot! "a-ano kasi.. madami pa akong hindi alam--" "that's why I told you to ask your secretary, alam niya ang pamamalakad dito, I don't. Besides I'm your competitor, better let me leave."asik nito bago tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa damit nito at humakbang na palabas. Naiwan ako doong naiiyak at hindi alam ang gagawin. Ginusto mo 'yan Alissandra, panindigan mo ngayon. Iyon na yata ang huli naming pagkikita dahil lumipas ang isang linggo ay hindi na ito nagpakita o dumaan man sa opisina. Kahit na hindi ko aminin ay alam ko sa sarili ko na hinahanap hanap ko siya. I miss him. Kaya naman ng bumukas ang pintuan ng office ko ay akala ko siya ang dumating, napawi ang galak ko nang makita ang pumasok na babae sa loob. "can I sit iha?"marahan akong tumango sa mama ni Reed. "I'm sorry I came unannounced."she said. Sophisticated is her name. Iyon talaga ang mayroon ang mama ni Reed. The rich and sophisticated Mrs. Samaniego. "can I offer you something?"umiling ito sa akin. "just giving me your 10 minutes will be enough."nang sabihin nito iyon ay napalunok na ako. "I know I've been unfair to you, pinakilala ka ni Reed as his girlfriend sa amin so he can escape getting married to Charlotte, knowing Reed at ang pagiging playful nito sa babae ay sinakyan ko ang mga sinabi niya about you, about how he feel about you."she smiled at me pero pakiramdam ko ay mawawasak ako sa sasabihin pa nito. "I know my son iha.. He wanted the chase, the thrill, it excites him but surely it won't last.."napalunok ako sa sinabi nito. "a-ano pong gusto niyong sabihin?" "leave my son iha.."napakurap ako sa narinig. Hindi ba niya alam ang nangyari sa amin ni Reed? "I know him, he only wants you dahil tinarayan mo siya noon, you gave him strong impression he told me that."hindi ako halos makapagsalita sa mga narinig. "I'm sorry for telling you this news iha, I just want my son to settle down and have family."hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o ano. So she mean to say I am not passable to be his son's wife?! Forget it! Damn it! "I think you didn't know yet but we broke up."nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito sa sinabi ko. So much for drama. "I'm sorry, hindi ko alam iha naku pasensya ka na.."nakangiting wika nito bago tumayo. "it's okay po, ingat kayo."sa inis ko ay hindi pa man ito nakakalabas ay tinalikuran ko na ito at bumalik na ako sa table ko. So much to take Reed. It is so much to take.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD