
Maybe Yoona got everything that women could ask for, brain,talent, beauty, popularity and wealth, except for the man she loves the most.
Pero sino nga ba ang makakaisip na sa kabila ng pinagpalang meron ito ay nagawa parin siyang lokohin at iwan ng lalakeng inakala niyang makakasama niya sa habang buhay.
Halos lahat na yata ay naibigay na niya dito,pagmamahal at atensyon maliban nga lang sa sarili nito.
Para sakaniya kasi ito ang pinaka magandang regalo na maibibigay niya sa lalakeng mapapangasawa niya.
Kaya ang kasal na pinakahihintay niya ay siya ring araw na pinagsisihan niyang nangyari sa buhay niya.
Matapos siyang hindi siputin nito sa araw ng kanilang kasal, kaya't noong araw ding iyon ay umalis at nagtago ito upang takasan ang pagkahiya sa mga tao.
Lutang ang isip nitong pinatakbo ang sasakyan at hindi alam kung saan ito patungo,hanggang sa mapadpad ito sa isang beach resort sa Botolan, Zambales.
Pagkalipas ng isang buwan nitong pagtatago handa na kaya itong mag balik sa buhay nito sa Manila.
Paano kung sa pagbabalik nito sa Manila ay muli silang magkita ng estrangherong lalaki na nakilala nito sa probinsya at ano nga ba ang magiging papel nito sa bagong buhay niya.
