Doring’s POV Pagmulat ko ng mata kinaumagahan ay agad na napangiti ako. Ewan, pero yung puso ko punong-puno, sobrang saya. Bumangon ako at nag-unat. Napapikit ang mga mata ko ngunit nanatili ang ngiti sa mga labi ko. “Lahat ay gagawin para sa'yo Ganyan ang alay na pag-ibig ko ♫♬” Habang sinimulan kong magligpit ng hinigaan ko’y ‘di ko mapigilang mapakanta dala na rin ng saya ng puso ko. Una kong tinupi ang ginamit kong kumot. “Kahit ang dagat ay aking tatawirin. Ang ulap may akin aabutin Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin ♫♬” Patuloy na pagkanta ko. ‘Di mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko habang ang tanging nasa isip ay ang lalaking labis ko na ngayong iniibig, shet! Matapos kong matupi ang ginamit kong kumot ay sinunod ko ang pag-arrange ng ginamit kong unan, kasunod kung ti

