Doring’s POV Kahit saan ko ibaling ang sarili, di ako mapakali. Tila hinalukay ang lamang loob sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa namin ni Sir kanina sa may Mahogany. Nakatihaya ako habang nakatitig sa kisame ngunit wala roon ang isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ‘king mga labi at tangang nangingiti. Kahit anong pigil kong wag tumaas ang bawat gilid ng labi ko ay ‘di ko mapigilan. Potek! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang halikan na nga niya’y para na ‘kong mababaliw sa kilig tapos umabot na kami sa ganun. Sa kilig ko’y naitakip ko ang unan sa ‘king mukha upang pigilan ang sariling mapahiyaw sa kilig. Ano ba ‘tong ginagawa mo sa ‘kin, Sir Ethan! Mas lalo lamang nahulog ang puso ko sa kanya. Napatagilid ako at napahawak sa ‘king dibdib, kay bilis ng bawat pintig nito.

