Chapter 44.2

1395 Words

Habang nagsasaing ako ng kanin sa stove ay lumabas ako ng bahay upang baklasin ang mga nilabhan ko kaninang umaga mula sa sampayan. Nang mabaklas ko lahat ay pumasok ako sa loob ng bahay habang yakap-yakap ang mga nilabhan kong damit namin ni Darius. Nilapag ko iyon sa mahabang sofa sa sala. Umupo ako sa parteng bakante upang simulan agad ang pagtutupi ng mga nilabhan ko. Abala ako sa ginagawa ng bigla akong mapahinto ng mahagip ng mga mata ko ang mga paa ng babae malapit sa may pinto. Nag-angat ako ng tingin sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. “So this is your filthy house?” Nakataas ang kilay niyang nakatitig sa akin. Hindi ko ako nagsalita. Sinundan ko lang siya ng tingin habang mapangmatang sinuyod niya ng tingin ang kabuohan ng bahay namin ng mga magulang ko. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD