Chapter 45 Darius’s POV I was on my way home. Habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng baby ko ay nadaanan ko ang isang flower shop. Napangiti ako. Binagalan ko ang pagpapatakbo. Dahan-dahan kong ginilid ang saskyan at pinarada sa parking space ng Flower shop. I turned off my engine. Kinuha ko ang susi. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at lumabas. Humakbang ako palapit sa glass door ng flower shop. I saw the PUSH sign so I pushed the door and went inside. “Good evening, Sir!” Agad na bati sa akin ng isang lalaki. “Good evening, po! A bouquet of two dozen red roses,” saad ko. “Right away, SIr!” Masiglang saad nito sa akin. “Thank you!” “You can have a sit first, Sir while I’m making your bouquet,” aya sa akin sabay turo sa likod ko kung saan may isang round table na may ba

