Siting’s POV “Baby, sakay na,” untag niya sa akin. Nanatili kasi ako sa labas ng van habang nakatanaw sa bahay na tinuluyan naming dalawa. Napalingon ako sa kanya. Napangiti. Agad kong inikot ang magkabilang braso sa batok niya ng hapitin niya ang baywang ko palapit sa kanya. Napatitig kami sa mata sa isa’t-isa. Bakas ang ningning sa mga mata niya habang nakatunghay sa akin. “Why? Do you still want to stay? Just tell me and we will stay,” malambing na tanong niya. “Gustohin ko man ay hindi pwede. Kailangan kong umuwi agad para kay Nanay,” saad ko sa kanya. “Don’t worry, I promise I’ll bring you back here,” pangako niya habang nakangiting nakatunghay sa akin. Nginitian ko siya. Tumingkayad ako upang halikan siya sa kayang labi. “Thank you,” saad ko matapos ang paggawad ko ng halik sa k

