Siting’s POV Nasa dagat kaming dalawa. Tinuturuan niya ako kung paano mag-surfing. Isa lamang ang surfing board na gamit namin na nakatali sa papa ko. Nasa mababaw na parte lamang kami ng dagat. Kahit papano’y may mumunting alon pa rin naman. Kahit na hindi ako marunong lumangoy ay hindi ako natatakot na baka malunod dahil may tiwala ako sa baby Doc ko. ‘Di baleng ilang ulit akong nakainom ng tubig kung ang huling babagsakan ko ay ang mga bisig niya, char! May tiwala rin naman ako sa kanyang hindi niya ako pababayaan lalo at ang focus niya ay sa akin lamang. “If I tell you to stand, tayo agad ha!” Saad niya para talaga siyang coach. “Sige go!” Tugon ko habang nakadapa sa surfing board. “Okay, ready!” Hinanda ko naman agad ang sarili. “Focus baby! May paparating na wave,” saad nito

