Siting’s POV Sunod-sunod na tumango ako. Napangiti siya sa naging reaksyon ko habang marahang pinunasan ng likod ng daliri niya ang luhang kumawala sa aking pisngi. Magpapakipot pa ba ako? Binigay ko na lahat kahit hindi niya tumbasan yung pagmamahal ko pero shuta jinowa niya ‘ko! “I’m sorry, baby. I have no intention to make you cry, that was the last thing in my mind,” umiling ako at hinawakan ang kamay niya. “Tears of joy yan dahil sobra mo kong pinasaya. Thank you,” buong pusong saad ko habang nakatitig sa mga mata niya. “I just wish that your yes means mahal mo rin ako at hindi lang dahil ayaw mong i reject yung sugar daddy mo-” “Sugar daddy?!” Bulalas ko. Natawa siya sa sinabi niya pati na rin sa naging reaksyon ko ngunit saglit lang dahil bumalik ito sa pagiging seryoso. “I

