INTRO..... PASOK...
Anu ang simpleng buhay para sayo? Tanong ng isang dalaga sa nagkakapeng binata.
Yung pamilya na may masayang pamumuhay ,sapat na pera para makakain ang bawat miyembro at nagagawang makaalpas sa kakapusan ng isang araw. Sagot ng binata habang akmang iinumin ang kapeng nasa tasa.
Ito ang kaganapan sa tapat ng dalampasigan sa isang resort sa Bataan. Ang dalawang karakter na ito ay sina Michiko at Riyuske na kapwa nagkakakilala pa lamang ng mga oras na iyon. Sa di kalayuan ng kanilang kinauupuan ay ang cottage ng kanilang grupo na may mga lasing at nag iinuman sa gitna ng malamig at mapayapang gabi.
"Riyu" "Riyu" tawag ng isang lalaki habang humahangos
Anu ba yun? sagot naman ng binata
Si Ate Michell lasing na tinatawag ang mama nya.
Ha!! gulat na sambit ni Riyu pagkat alam niyang kamamatay lang ng ina nito.
Nang puntahan nila kasama si Michiko ang kaguluhan ay napatawa na lamang sila sa eksenang dinatnan.
"Tiya! Tiya!" wag please please wag.. Usal ng isang babae
"Mama" "Mama" sagot naman ni Michell habang itinataas ang kanang kamay..
"Wag mu isama si Michell please Tiya" at tuluyang ng umiiyak ang babae na nagngangalang Leah. Si Leah ay pinsan ni Michell.
Habang nagkakagulo ay isang babae nnman ang biglang hinimatay (kalaunan ay inamin nyang natakot lang sya sa nangyayare kaya sya nawalan ng malay.)
Balewala talaga ang kwentong yan sinama ko lang para mahaba ang intro.Ahahahahha nakakatawa kasi pag naalala ko biruin mu kukunin na daw sya ng liwanag tpos pinipigilan ng pinsan nya ang Nanay nito upang d sya maisama. Epic yung kasi hanggang ngayon eh pag binabalikan nmen ang tagpong iyon ay di mapigilan ang halakhak nmen. Maoy kasi pag lasing.(actually ako din nman)
Ako nga pla si Riyuske pwede mu kong tawaging Riyu o kahit ano pang gusto mo.Ang isasalaysay ko sa inyo ay ang kwentong hango sa isang wagas at dalisay na pag iibigan ng dalawang tao na ni sa hinagap ay magkakaibigan. And Yes you heared it right "wagas at dalisay na pag ibig" Yung tipong Jonnnnneeeeeeell at Leila De Lima lovestory ,wala lang share ko lang.(panoodin nio congress hearing na yon sa youtube).ahahahha
Balik tayo sa kwento ito ay nagsimula noong ika labing anim o labing pito basta d ko maalala ang eksaktong date. 2011 to be exact o excat basta yun na yon. Sabi nga ng kakilala ko ."pahehas din yun" bulol pala sya sa letter R.
Matagal na kaming magkakilala ni Michiko siguro nasa elementary palang ata kami unang nagkita. Medyo ilangan kasi magkakilala lang hindi nman ganun kaclose para magbeso beso pag nagkikita. (alam ko madaming nakakarelate noh kasi tanguan lang okay na basta d kayo close) Pero nagbago yun nung minsang napasama kami sa isang outing sa Bataan(yung yung eksena sa pinakataas basahin mu kaya uli) Kumbaga alam nio nman sa isang lugar basta magbabarkada yaya si ganito yaya si ganyan kaya napasama ako. Masaya ang bonding doon kasi magkakakilala kayo(inuulit ku hindi lahat close magkakilala lang) Merong bonfire tpos video-oke( alam niyo na Pinoy eh) Pagtapos ko kasing magsuka dala ng kaswapangan sa alak ay nagpasya akong mag emote senti kung baga. Nagkape ako sa tapat ng dalampasigan. Habang pinapanood ko ang dagat ay nagulat akong may lumapit saken(dito na papasok si Michiko) Well bilang sabik sa kant*** ay inentertain ko sya ahahaha (para akong pokpok ang Landeeeehh) Nag usap kami at pilit kinikilala ang isat isa tipong pang MMK. Mga bagay na di nmin ginagawa buti nlang napasama ako dito. Nga pla d nman maganda si Michiko cute sya as in cute. (Balik ka sa intro andun yung pinag usapan nmen.)
Pagtapos ng gabing malagim na na iyon ay uwian na. Saka ko na idetalye yung nangyare magdamag d nman ako nakahalik sa kanya eh. Tamang usap lang kami.( totooo vahhhhhhh with Paolo Ballesteros na pasigaw tanong) Basta usap lang. Balik tayu sa uwian ay naghahanap na ako ng tiempong makatabi sya sa jeep.. Oo jeep lang ala kami budget sa Bus na service eh. Alam nio na dadamoves sana ako eh pero sa di malaman na kadahilanan ay bokya may humarang sa gitna(gusto ku ngang konyatan kaso utol nya ata yun) Subalit ang pinakahihintay kong pagkakataon ay naganap sapagkat ang utol nyang ewan ku anu ba name nya di ko maalala eh ay nagpasyang lumipat sa kabilang upuan(malandi din kasi gusto dun sa kalandian nya magdamag na si Jigsaw at tama babae ang utol ni Michiko)
At sa katuwaan ko ay napatawa ako sa aking isipan na para bang demonyo na may maiitim na balak. Masaya ako na nakatabi ko na sya ang babaeng kausap ko magdamag. Nagkangitian kami mejo ilang pa din kasi alam nio na bihira magkibuan dati tapos feeling close kana agad dahil sa kape lang. (walang ganun ulol) Habang tinatahak namen ang slex ay biglang nagpreno ang aming driver na si Tatay M.(d ku din alam bakit tatay M.) ay biglang napahawak si Michiko sa aking mga kamay. Sa gulat ku ay napalunok ako ng laway kasi malambot ang kanyang mga palad. At simula nung tagpong yun ay we live happily ever after..Hahahhaha gago di pa tapos. (antok na kasi ako bukas na kasunod)
Psssssst.... eto na!!
Bale balik tayo sa kwento nung nasa jeep na kami ay magkahawak na kami ni Michiko ng kamay holding hands kumbaga. Biruin mu simula Slex hanggang sa distinasyon nmen ay yun lang ang ginagawa nmen walang pag uusap basta magka daupang palad kami literal. Para ndi makahalata ang aming mga kasama eh tinatakpan nmen ito ng bag o towel mahirap na kayang makantiyawan ng tropa. Baka sabihin eh tamang manyak lang ako kaya ganun. Well pag uwi namen sa kanya kanyang bahay pahinga agad tulog para makabawi sa puyat at pag lalasing ng buong magdamag. At dahil kaming dalawa ay magkatabi at magkausap ng nakalipas na 10 oras ay napagpasyahan nameng magpalitan ng number. At nang makauwi eh naging text mate kami. Ilang araw ang lumipas tuloy tuloy kami sa pagpapakilala sa isat isa. Magkausap kami sa telepono pa minsan (d pa nga pla uso ang videocall noon ) tapos text pag may pagkakataon. Nagpatuloy iyong ganung set up sa text at tawag ang usap pero sa personal nganga.. Pag nakakasalubong kami at tango o simpleng ngiti nlang kami pareho. Ndi pa naman kami "in to relationship" magkaibigan lang kami.. Para sa kanya ay hanggang doon na lang muna kami takot din siyang masabihan ng malandi alam nio naman mga chismosa nteng mga kapitbahay. Sa isip niya ay mahuhusgahan siyang kaladkaring babae dahil sa saglit na pag-uusap ay nakuha ko na sya agad.. (hahahaha pogi ang lolo nio eh)
Makalipas ang limang bwan ay halos naglaho ang aming komunikasyon basta lang nawala. Pero tamang ngiti pa rin kami pag nagkakasalubong. Hanggang sa isang araw nabigyan nanaman ako ng isang magandang tiyansa na makaungos at maipagpatuloy ang simpleng landian na naiwan sa Bataan.
Ika 23 ng Nobyembre isang balita ang napadaan sa aking newsfeed (aahahhaa di pa sikat masyado si f*******: nun) basta isang tropa ang nagbalita na may outing daw uli sa darating linggo. Siyempre napaisip ang lolo niyo na baka makasama ko uli si Michiko at ituloy ang masama kong binabalak (manyak mode) sabay tawang demonyo. At dahil sa pakikinig sa mga chismosang nameng kapitbahay ay napag alaman ko na kumpirmadong makakasama si Michiko.
Sabado ng umaga mga 9 ata iyon nagkita kita nnman kami sa isang kalsada (present parin ang mga kasama sa nakaraang outing) nag aabang ng jeep with Tatay M again as our driver. At dahil nga ilang pa rin ako sa biglaang pagkawala ng aking textmate (sa text lang ahh nawala ndi literal) ay minabuti kong mang deadma sa kanya para nman malaman ko kung kakausapin niya ako uli. Habang nagkakarga ng gamit ay agad akong puwesto sa likuran ng driver side.
Ay nga pla papakilala ko na na nga mga karakter sa kwentong ito nalilito na ako eh ahahhaha
Riyuske - ako yan bida yan
Michiko- textmate ku kung baga sya ang leading lady
Tatay M- the driver sweet lover (later may irereveal ako tungkol sa karakter nya)
Michell - the maoy girl
Leah -pinsan ni michell the pigil girl
Leka- sya yung babaeng nahimatay ng walang dahilan
Jigsaw- sya yung kalandian ng utol ni Michiko
Misti- utol ni Michiko
Tapos yung ibang karakter idagdag ko na lang sa pagpapatuloy ng kwento
Okay dun na tayo sa jeep
Jigsaw : Pare bat jan ka? tanong ng gago
Pakelam mo pogi ako eh : sagot ko naman
Tatay M : pabayaan mo yan basta wag ka makulit ah Riyu baka magulo mo pagmamaneho ko eh
Riyu : opo tatay M.
Tatay M : good kukutusan kita pag ginulo mo ako
Habang nag uusap kami ay pasimple palang nakatitig si Michiko saken. Nalaman ko iyon dahil nasulyapan ko sya ng pasimple eh.
Matapos ikarga ang mga kagamitan at mga pagkain ay isa isa ng ng nagsipasukan ang mga tao sa jeep. Ako ay nakapwesto na agad bago pa matapos ang pag kakarga.
Pre pasigaw na tawag ko kay Alien (dagdag karakter yan)
Alien : bakit
Riyu : tabi tayo
Alien : d pwede pre (patagong senyas niya sabay turo kay Misti
Napa aprub na senyas nalang ako
Mangmamanyak na naman ang hayop na ito
Habang papastart ng sasakyan ay nabigla ako ng may isang maputing kamay ang tumapik sa akin sabay usal sa malambing na boses "patabi ahh". Ito ay si Michiko na nakasuot ng bestida papuntang outing.
Actually ang outing na ito pla ay sa Baguio kaya laking gulat ko ng puro naka pang swimming attire ang mga tarantado kong mga tropa.
Nang makatabi sya ay sabay naman ang pag-usad ng aming sinasakyang jeep.
Bakit naka ganyan ka? pabulong na tanong ko sa kanya. Ha? sagot naman nito "Outing tayu pupunta para ready na mamaya sa dagat" dagdag pa nito. "anong dagat baliw sa Baguio tayo pupunta" paliwanag ko sa kanya. Napabalikwas siya at napatanong sa isa pa niyang katabi na "Baguio?"
Nagulat ang mga baliw na nagready ng makaligo sa dagat ngunit hindi pala iyon ang aming pakay sa paglalakbay na ito.
Nagsigawan ang mga ito sabay tawag kay Tatay M. upang pahintuin ang jeep at nagmamakaawang pabalikin ito sa aming lugar para makakuha ng mga kakailanganing gamit.
Subalit sa pagkakatingin ko kay Tatay M. ay para pa itong napangisi ng palihim sabay bulalas ng hindi na pede sayang sa gas. Kung hindi ba nman mga engot ay puro swimming ang alam ng mga gungong.
Baguio ang aming punta dahil ito ay inorganized ni Tatay M. para makapamasyal daw sa kaniyang hometown na matagal na niyang hindi nababalikan. Ewan ko ba parang masama ang kutob ko sa kanya parang sinadya niyang ilihim ang aming distinasyon sa iba. Siyempre ako nung itext nya na may lakad ay agad kong itinanong ang lugar sapagkat naiisip kong baka kung saan kami dalhin ng matandang Driver namen. (malay ko nga paano sya napasama sa aming magkakaibigan basta bawat lakwatsya eh siya na ang kinukuha namen bilang.tagapagmaneho).