Tumawag nga siya, saktong nakauwi na ako. Hindi naman ako agad na nakauwi dahil pinatila ko na muna ang ulan pero nabasa pa rin ako dahil umulan ulit. Pinapahiram ako ng guard ng payong pero tumaggi ako. Mas okay na rin iyon dahil mas sasama lang ang pakiramdam ko na wala si David sa bahay. He’s not doing anything wrong. Kailangan siya ni Alyn kaya naroon siya. Who am I even to stop him? Ako lang talaga ang problema. Hindi naman dapat isipin, pero iniisip ko. “Bakit ngayon ka lang? Gabi na, hindi mo ba alam kung gaano kadelikado sa labas lalo na at gabi? Basang-basa ka pa!” Nagmamadali si Aling Mirasol na kuhanan ako ng twalya. “Sorry, wala lang po masakyan na jeep.” “Huwag mo sabihin na lumalandi ka imbis na nag-aaral?” Sermon niya habang tinutulungan ako na punasan ang sarili. Na

