Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Alyn–kung bakit bigla na lang ang naging pag-alis nito. Ano iyon, nag-jogging lang siya tapos na-realize niya na ayaw niya pala rito? “What are you thinking?” tanong ni David. Pinanood ko siya na alisin ang suot niyang apron. Grabe, iyon pa lang ang inaalis niya pero ang hot na niya tignan. Paano kaya kung–hays, wala. Nasa kusina kami pareho. Nasa counter ako habang pinapanood siya na magluto ng almusal naming dalawa. Hindi maaga ang pasok ko, mamayang hapon pa. “Secret,” sabi ko. Bahagya siyang sumimangot dahil doon. “Bakit daw biglang umalis si Alyn?” “Kailangan siya sa kanila,” simpleng sagot niya. “Why’d you ask?” “Wala lang, akala ko magkikita pa kami pagka-uwi ko kahapon. Ang ganda niya ‘no?” Tinignan kong mabuti ang magiging reaksiyo

