Panay ang tingin ko sa salamin sa kwarto ko. Namumula ang labi ko at hindi ko maramdaman sa sobrang manhid. Natulala ako nang maglaro na naman sa isip ko kung bakit nagkaganito. Of course ako na naman ang nag-initiate ng halik. Paanong hindi, sobrang lapit niya sa akin at naliliyo talaga ako sa itsura niya. Mukhang ako ang hahalikan niya pero ang tagal kaya ako na lang. Hindi naman siya tumututol, siya pa nga itong nagpalalim. Kung hindi ko lang siya tinapik ay hindi niya talaga ako titigilan. I don’t know why I kissed him again. Sinabihan niya lang ako na gusto niya ako pero ako naman itong nagmamadali. Dalawang beses na siyang umamin sa akin, lagi na lang akong nagugulat. Hindi pa nga namin napag-usapan ng maayos kung ano ang susunod na mangyayari. I sighed. Was I being too despera

