Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan siya, oo iwasan. Matapos kasi ng nangyari sa kitchen ay napaisip ako na hindi magandang nakikihalubilo ako sa kaniya. Masyado siyang mapagmasid at parang nababasa kung ano man ang tumatakbo sa isip ko. Isa pa, inis pa rin ako sa pagtawag niya sa akin na oportunista kahit totoo iyon.
Ano kaya ang nalaman niya sa akin para sabihin iyon? Ang alam ko lang ay may kinalaman iyon sa kapatid niya. Ayaw na ayaw niya ako para sa kapatid niya kahit na may sariling desisyon na ito.
Ang mas lalong nakakainit ng ulo ay iyong huli nitong sinabi dahil hindi ko maintindihan. He’s pissed because what? Bahala siya sa buhay niya, basta ako magtatrabaho ako.
“Nag-away ba kayo ni Kuya?” biglang tanong ni Adlei sa akin habang nasa likod ako ng bahay. Inutusan na naman ako ni Aling Mirasol sa labhan ang mga basahan.
I acted normal. “Ha? Sinabi niya ba na nag-away kami?”
Humalukipkip siya sa gilid. “No, napansin ko lang na nag-iiwasan kayong dalawa, kahapon pa. Hindi ka na sumasabay sa amin na kumain. May ginawa ba siya sa ‘yo?” Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Bahagya akong natawa saka siya tinignan. Talagang mas concern siya sa akin kaysa sa Kuya niya?
“Ano naman ang naisip mo at sa tingin mo may ginawa ang Kuya mo sa akin?” kuryoso kong tanong.
He shrugged his shoulders. “Ewan, hindi ko kasi maintindihan minsan ang tumatakbo sa utak ng Kuya. Tulad ng hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka niya tinanggap sa trabaho noon. Pero hayaan mo na lang siya, kung saan ka mas komportable at mapapanatag.”
Hindi na ako nagsalita pa dahil hindi rin naman alam ang isasagot sa sinabi niya. May problema ang Kuya niya sa akin, hindi ko naman masisisi dahil siguro ganoon talaga—overprotective sa pamilya.
Buntot nang buntot sa akin si Adlei hanggang sa napag-alaman ko na aalis na sila bukas ng umaga dahil need na sila sa mga trabaho nila. Ayaw oa sana ni Adlei pero hindi naman daw na-grant ang vacation leave niya dahil kababakasyon lang niya.
“Mag-perya tayo mamaya!” aya sa akin ni Adlei. “Aling Mirasol, hiramin ko muna mamaya si Amber, ah?”
“Hindi na muna siguro, may gagawin kasi—”
“Sumama ka na kay Sir Adlei, minsan lang naman at uuwi na rin sila bukas.”
Akala ko hindi papayag si Aling Mirasol dahil sinabihan niya ako na magluluto kami para sa hapunan pero pumayag ito! Napangiti tuloy ako kay Adlei.
“Huwag kang mag-alala, babalik din tayo ng dinner para kasabay pa rin si Daddy mag-dinner, sumabay ka sa amin kahit ngayon lang.”
Tumango na lamang ako bilang sagot. Mukhang ayos na rin naman ang mood ni David dahil kahit tingin sa akin ay hindi na niya ginagawa.
Nagsuot lang ako ng simple white shirt na may picture ni Tweety Bird at itim na jogging pants. Nagsuot na rin ako ng cap, just in case na mahamog sa labas, mabilis kasi akong ubuhin sa ganiyan.
Paglabas ko ay naroon na rin si Adlei. Simple lang din ang suot nita. Jacket na itim at gray na basketball shorts. Tulad ko ay may cap din siya. Hindi naman siguro kami mukhang bano na naka-cap kahit wala ng araw.
“Tara na para makauwi rin tayo agad.”
Nilakad lang namin ang papunta sa perya. Dahil ganito naman talaga ang oras ng pagpunta ay inasahan na namin na maraming tao. Noong una ay hindi pa namin alam kung saan kami pero sinunanda na lang namin kung saan kami dadalhin ng mga paa. Nauna kaming pumunta sa mga nagpapalaro kung saan kailangan na tumaya.
“Anong kulay?” seryosong tanong niya sa akin. For a plit second, I saw the face of David. Agad ko rin inalis sa isip ko dahil si Adlei siya, hindi si David.
“Hmmm, yellow?”
Doon niya inilagay ang taya na isang daang piso. Kabado kaming dalawa sa kalalabasan kaya nang manalo kami ay nagtatalon kami sa tuwa.
“Swerte!” nakangiting sabi ko sa kaniya.
“Swerte mo!” sabi naman niya.
Ito ang unang beses na masabihan akong swerte. Ang saya!
Basically, sinakyan namin lahat ng pwede sakyan at nilaro ang mga laro. Ang huli naming ginawa ay kumain pero kaunti lang dahil kakain pa kami sa bahay.
“Nag-enjoy ka?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.
Nakangiting tumango ako. “Oo naman,”
Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nagsaya ako na parang bata. Ang sarap sa pakiramdam na kahit ilang oras lang ay wala akong ibang iniisip na iba kung hindi ang magsaya.
“Nice to hear that. Hindi bali, hindi ito ang last.”
“Salamat, Adlei.”
“You're welcome, always.”
Pagdating namin sa bahay ay naroon na sila sa hapagkainan lahat… maging si David na siyang naglalagay ng pinggan sa lamesa. Nakaramdam ako ng hiya dahil ako dapat ang gumagawa noon.
“Did you guys enjoy it?” nakangiting tanong ni Don Miguel.
“Yes, Dad. I never knew na swerte pala sa mga laro si Amber! Can you believe it, iyong one hundred ko naging five hundred dahil sa kaniya! I should stick around her if I want to get lucky too.”
Nagtama ang mata namin ni David nang lumapit ako sa gilid niya at akmang tutulungan siya sa pag-aayos ng kubyertos sa lamesa.
“Ako na, maupo ka na lang.” After niyang sabihin iyon ay hindi na niya ulit ako kinausap o binalingan pa ng tingin.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ba ito naman ang gusto ko? Bakit parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Siya naman ang may kasalanan pero bakit parang ako ang nagsa-suffer sa aming dalawa?
Hanggang sa pagkain ay binabalingan ko siya ng panakanakang tingin pero kahit isang beses ay hindi niya ako tinignan. Naiinis na tuloy ako pero sa sarili ko. Dahil… ewan!
“Hindi mo ba gusto ang pagkain, hija? Si David ang nagluto.”
Kaya pala masarap. Well, hindi naman sa hindi masarap ang luto ni Aling Mirasol pero may kakaibang lasa kapag luto ni David. Kahit simpleng breakfast nga ay kaya niyang gawin na pangmayaman ang lasa.
Doon nag-angat ng tingin si David sa akin. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa pinggan ko na hindi ko pa nakakalahati. Napalunok ako lalo na nang nakita ko kung paano siya pasimple na umirap sa hangin.
“A-Ah, gusto naman po…”
“Dahil siguro kumain kami kanina ng street food sa perya. Hindi bale, huwag mo na lang pilitin ang sarili mo kung hindi mo talaga kaya.” Si Adlei na hiniling kong sanang nanahimik na lang dahil lalong umigting ang panga ni David.
“Oh, I see.”
Hindi naman ako busog. Na-busy lang ako sa pag-iisip kay David dahil sa silent war na namamagitan sa amin. Ayaw ko naman na magkaaway kami pero siya itong lagi na lang akong iniinis.
“Anak, tapos ka na?” takang tanong ni Don Miguel nang tumayo na si David.
“Yeah, sa kwarto na ako.”
“Kuya—”
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kapatid dahil umalis na ito. Inilagay niya lang ang pinagkainan sa lababo saja umakyat sa kwarto niya.
“What’s wrong with him?” rinig kong bulong ni Adlei sa sarili.
“Pagod siguro, pagpasensiyahan niyo na.”
Tulog na ang lahat nang maisipan ko na lumabas para humanap ng signal. Ngayon lang ako nakahanap ng oras para makausap si Elvi. Alam ko na dapat tulog na siya pero gusto ko lang marinig ang boses niya.
Sa huli ay nag-stay ako sa pool area. Naupo ako sa gilid ng pool, ibinabad ang paa sa kalmadong tubig.
[“Ate! Akala ko hindi ka na tatawag sa akin, eh.”]
Bahagya akong natawa. Unti-unti, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa boses niya.
“Miss mo na ako?”
[“Syempre naman po! Ikaw po yata ang hindi nakaka-miss sa akin kasi ngayon ka lang tumawag. Ilang araw ko na po hinihintay ang tawag niyo.”]
Malalim ang naging paghinga ko. “Alam mo naman kung bakit ako nandito, hindi ba? Tsaka, gagawa ako ng time para mas matawagan ka pa ng mas madalas.”
[“Sabi niyo po ‘yan, ah! I miss you, Ate!”]
“I miss you, too. Uuwi ako kapag day-off ko. Basta, iyong mga sinabi ko ay huwag mong kalilimutan, ah?”
[“Opo! I love you!”]
“I love you, too. Matulog ka na, bukas ay tatawag ulit ako bago ako mag-work, hmm?”
[“Okay po,”]
The call ended in an instant.
“Is that how you play?”
Nagulat ako sa boses na iyon. Lumingon ako at nakita si David na nakaupo sa isa sa mga sun lounger na naroon.
“Kanina ka pa diyan?”
“Yes, enough to hear everything.”
Nangunot ang noo ko. Masama na rin ba para sa kaniya na kausapin ang pamilya ko? Imbis na sagutin siya ay humarap na lang ulit ako sa pool. Pinaglaruan ko ang tubig gamit ang paa kahit na ang totoo ay gusto ko ng tumayo at komprontahin siya.
“Alam mo na gusto ka ng kapatid ko. Pinapapakita mo rin sa kaniya na gusto mo siya. Pero ano ang ginagawa mo ngayon?”
“Ano?” nagtatakang tanong ko at muling lumingon sa kaniya.
Dahil sa liwanag ng buwan at nakita ko kung paano lumalim ang kunot sa noo niya. Ang bawat buto sa katawan ay talaga namang nakadepeni ng maayos. Gwapo nga, lagi namang mainit ang ulo. Hindi ko matandaan kung kailan siya naging good mood.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa direksiyon ko. Dahil nakaupo pa rin ako sa gilid ng pool at nakatabingi ang katawan ko para makita siya ng maayos. He squatted in front of me, bringing his face level with mine, but he was tall and broad.
“Sino ‘yon, boyfriend mo? Asawa? Manliligaw?”
Muntik na ako matawa pero seryoso ang mga mata niya sa akin. Umalpas ang ngiti sa labi ko na agad din nabura dahil sa tingin niya mula sa mata ay bumaba rin sa labi. Nakita ko kung paano siya mariin na lumunok dahil sa pagtaas at baba ng adam’s apple niya.
What is happening? Kanina lang ay ang lamig ng paligid pero ngayon ay parang uminit dahil lang lumapit siya sa akin.
“Answer me,” naiinip na utos niya.
“Kapatid ko,” maikling sagot ko at muling humarap sa pool. “Ngayong gabi ko na lang ulit siya natawagan at miss na miss ko na siya. Kung kasing yaman ko lang kayo ay gagawin ko rin ang ginawa mo na magpunta rito kahit anong oras gustuhin. Pero hindi, eh. Hindi ako tulad ng sinabi ni Adlei na swerte.”
Hindi ko alam kung anong nangyari na sinasabi ko sa kaniya ang lahat ng ito. Ano ba ang pakialam niya? Hindi siya iyong tipo ng tao na may pakialam sa problema ng iba.
Wala akong narinig mula sa kaniya kaya lumingon ako. Nagtama ang mata naming dalawa pero sa pagkakataong ito ay wala na ang pagkakakunot ng noo niya. Parang may ginhawa akong nakikita sa mukha niya.
“Naaawa ka siguro sa akin?” natatawang tanong ko para itago ang awkwardness na nararamdaman.
Tumayo siya. “Pumasok ka sa loob, lumalamig na.”
Malamig? Ang init nga, eh.
Tumayo ako para pigilan siya sa pag-alis. “Hindi, sabihin mo na naawa–”
Hindi ko naitapak ng maayos ang paa ko dahil sa dulas kaya nawalan ako ng balanse. Bago pa man ako tuluyang bumagsak, mabilis akong nasalo ni David. Ramdam ko agad ang bigat ng mga kamay niya sa baywang ko, mahigpit ang pagkakahawak para hindi ako tuluyang mahulog.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa at kung gaano kahigpit ang hawak niya sa akin, maging ang hawak ko sa braso niya.
“You’re driving me nuts,” bulong niya.