Kabanata 8

2198 Words
So far, masasabi ko naman na maayos ang pagtatrabaho ko sa mga Faustino. Mabait si Don Miguel, ang pinagmanahan ni Adlei. Kitang kita ko ang galak sa mukha ni Don Miguel dahil narito ngauyon ang bunso niyang anak. Si David kaya? Paniguradong mas matutuwa ang ama nila kung kumpleto silang tatlo. Ngayon ay magkasabay kumakain ang mag-ama. Tulad ni David ay inaya rin kami na sumabay pero tumanggi ako dahil hindi pa naman ako nagugutom at may kailangan pa ako na tapusin sa garden. "Magdidilim na tini-trim mo pa rin ang mga halaman," Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Adlei. May hawak siyang tasa na sa tingin ko ay kape. Sumimsim siya roon. Inalis ko ang tingin sa kaniya para pagtuunan ng pansin ang ginagawa. "Para kaunti na lang ang tatapusin ko bukas. Mayabong na kasi ang mga dahon, sayang naman ang ganda nila kung hindi aayusan." "Pareho kayo ni Kuya David, hanggang may oras pa ay tinatapos na agad." David na naman. Kailan ba ako lulubayan ng pangalan na iyan? "By the way, kumain ka na muna sa loob. Hindi ka pa nagdi-dinner, sasamahan na lang kita na mag-aayos dito mamaya." Bahagya akong ngumiti dahil sa hiya. Hindi naman niya ako kailangan na tulungan dahil anak siya ng boss ko. "Hindi na po. Wala naman ako balak na tapusin ngayong gabi kasi imposible dahil sa lawak. Wala na kasi akong ibang ginagawa. Saka salamat sa pag-alok kumain, busog pa po ako dahil sa meryenda kanina." "Okay, suit yourself. Itinabi ni Aling Mirasol ang natirang ulam sa ref--just in case na magutom ka." Nilingon ko siya para ngitian. Ibinaba niya ang tasa ng kape sa maliit na upuan na nasa gilid, iyon ang pinag-uupuan ko kapag nagbubunot ako ng dahon. Kinuha niya ang malaking gunting at nagsimula na pumunta sa gilid kung saan mayabong pa ang mga dahon. Namilog ang mata ko sa gulat dahil hindi niya dapat ginagawa ito. Dapat ay nagpapahinga na siya sa kwarto niya. "Sir, baka makita tayo ng Daddy mo... magpahinga na lang kayo sa loob." Akmang kukunin ko sa kaniya ang hawak pero inilayo niya sa akin at nagmaang-maangan. "I am not tired and besides, I have nothing to do. Ituloy mo na lang ang ginagawa mo at hayaan mo ako rito." Bumuntong-hininga ako at wala ng nagawa. Panay ang lingon ko sa kaniya para tignan siya kung nahihirapan pero parang wala lang sa kaniya, kung tutuusin ay mas mabilis pa ito kaysa sa akin. Palayo nang palayo na ang agwat namin dahil mabilis niyang natatapos ang mga halaman. Nagpatuloy na rin ako, siya sasabihin ko kapag pinagalitan ako ni Aling Mirasol o ng Daddy niya. Nagulat ako nang may sunod-sunod na nag-ring. Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon. Sa upuan kasama ng tasa ni Sir Adlei. May tumatawag sa kaniya. “Sir Adlei, may tumatawag sa inyo!” sigaw ko dahil medyo malayo na siya sa akin. Hindi niya ako tinignan. “Oh? Pakisagot na lang at pakisabi busy ako.” Ano ba ‘yan? Siya lang ang kilala kong mayaman na nae-enjoy maggupit-gupit at magpantay ng halaman. Mukhang nagugustuhan niya ang ginagawa, hindi alintana ang lamok sa paligid. Lumapit ako sa maliit na upuan at kinuha ang phone niya. Ingat na ingat ako dahil halatang mamahalin ito. Agad nangunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Hindi lang iyon simple tawag dahil video call iyon. Labag sa loob ko na sinagot iyon. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni David. Nahigit ko ang hininga ko nang makita kung ano ang itsura niya. Wala itong damit pang-itaas habang ginagawang unan ang isang braso. Halatang nakasandal pa ito sa headboard ng kama niya. Agad na nangunot ang noo niya at umalis sa pagkakasandal, umayos ng upo. Ako naman ay nag-init ang magkabilang pisngi dahil kahit hindi ko na kita ang katawan niya ay naglalaro pa rin ang imahe niya sa utak ko. Matutulog na nga lang may iisipin pa ako. [“Where is Adlei? Bakit na sa ‘yo ang phone niya?”] Tinignan ko si Adlei na patuloy pa rin sa ginagawa, mukha naman nag-e-enjoy siya. “Tinutulungan niya ako sa trabaho ko pero hindi ako ang nag-utos sa kaniya, ah. May sasabihin ka ba? Medyo busy kasi kami.” Binaliktad ko ang camera para ipakita si Adlei. “Sir Adlei! Ang kuya mo!” “Oh? Bakit daw?” Muli kong hinarap sa akin ang camera. “Bakit daw kayo tumawag?” Umangat ang isa nitong kilay. [“Can’t I? Kapatid ko siya. Just… Just bring the phone to him.”] Walang sabi-sabi na nagtungo ako palapit kay Adlei. “Sir Adlei,” agaw pansin ko sa kaniya. “Ang kuya mo, ibigay ko raw sa inyo.” Bahagya siyang sumimangot. Akala ko kukunin niya ang phone sa akin pero hinawakan niya ang palapulsuan ko para maiharap din sa kaniya ang camera. Ngayon ay kaming dalawa ang nasa frame ng camera, kaharap ang nakasimangot na si David. “Bakit kuya? Busy kami ni Amber. I didn’t know, I like doing things like this. Sa susunod ay ako na ang mag-aayos ng garden natin.” [“Kailan ka uuwi? I need you to finish some work for me.”] Wow, ha? Inuutusan niya ang kapatid niya para tapusin ang mga trabaho niya. Teka, bakit ba ako nakikisali? “Nagbabakasyon ako, Kuya. Sa iba mo na lang ipagawa.” [“What? I thought you’d stay for two nights. Anong bakasyon?”] Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang akong akbayan ni Adlei. Sa gulat ay hindi ko naalis agad. “Nandito si Amber, and she is my friend. She will accompany me while I stay here. Right, Amber?” “A-Ah, opo…” Alangan naman na tumanggi ako? Eh, anak siya ng boss ko. Natahimik sa kabila si David. Dalawa kami ni Sir Adlei na nasa camera pero pakiramdam ko ay sa akin lang siya nakatingin. His eyes are piercing from the device and it makes my insides tingle from something unfamiliar. Walang sabi-sabi niyang pinatay ang tawag. Kinuha niya sa kamay ko ang phone niya bago siya umiling-iling. Grabe naman kasi, wala man lang good night or bye para sa kapatid niya? Ang sungit talaga. Kinabukasan ay maaga akong nagising para samahan si Aling Mirasol sa paghahanda ng agahan. Dahil maaga pa naman ay nag-toothbrush na muna ako sa banyo at hilamos ng mukha. Sabi naman niya ay tanghali na nagigising ang mag-ama, pwedeng mauna na kami na mag-almusal. Nagpupunas ako nang mukha nang may tumikhim mula sa kusina. Madadaanan ko kasi ang kusina bago ang kwarto ko kapag galing sa banyo. “D-David?” hindi siguradong tanong ko. Ang mga mata niya ay galing sa mukha ko na unti-unting pinalandas pababa sa katawan ko. Tangina! “Iyong mata mo!” inis an singhal ko sa kaniya. Umangat naman ang tingin niya sa mukha ko saka walang gana ako na tinignan. “What? What do you expect? Sa tuwing nandito ako ay iyan ang nabubungaran kong suot mo.” Naiyakap ko ang braso sa katawan ko. “Bakit nandito ka?” Kahit ako ay natigilan sa tanong ko. Malamang nandito siya dahil bahay nila ito. Pero bakit, hindi ba? Eh, tatay na niya mismo ang nagsabi na hindi sila rito nakatira at tuwing weekend lang umuuwi. Hindi naman weekend ngayon, Wednesday ngayon! “Bawal ba akong umuwi kung kailan ko gusto?” masungit na tanong niya. “Amber? Gising ka na ba?” Nagmula iyon sa second floor, boses ni Adlei. “Go back to your room and change your clothes. Huwag kang magpapakita sa kapatid ko na ganiyan ang itsura mo. Ako na ang bahala sa breakfast.” Magrereklamo pa sana ako pero naalala ko na chef nga pala siya. Kung may mas nararapat sa kusina, siya iyon. Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit sa uniform. Akala ko tanghali pa magigising si Adlei. Paglabas ko ay naabutan ko silang magkuya na nasa kusina. Nakaupo sa counter si Adlei, magulo ang damit at buhok habang kumakain ng saging. Samantalang ang kuya niya ay kahit tignan pa lang ay alam mong mabango na. Anong oras kaya siya nakarating dito? “Ikaw, ang daya mo, ngayon nga lang ako magbabakasyon tapos dadalhin mo pa rito mga trabaho.” “There’s a time for that. Kakabakasyon mo lang sa New York last month, bakasyon na naman?” sagot naman ni Sir David. Napansin ako agad ni Sir Adlei. “Amber, halika, si Kuya ang magluluto ng almusal natin.” “Ah, sige po, sa garden lang ako. Tatapusin ko na iyong hindi natin natapos kagabi.” Tinignan ko si David, nakatingin na rin pala siya sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. “Kuya bilisan mo diyan para matulungan natin si Amber. I know you’ll enjoy working in our garden.” Nakatalikod na ako kaya hindi ko na makita ang mga mukha nila. “Kaya na niya ‘yan. May trabaho pa akong gagawin.” Eh, di h’wag! Hindi naman siya pinipilit na tulungan ako. Masasabi ko talaga na sa kanilang magkapatid ay si Adlei ang pinakagusto ko. Kung may magugustuhan ako si Adlei ‘yon, hinding-hindi siya. Hmp! Hindi rin nagtagal ay lumabas din si Adlei para sabihin na kakain. Balak kong tumanggi dahil ayaw kong makasabay kumain sa David, isa pa, habilin din sa akin ni Aling Mirasol na tumanggi kapag aalukin dahil hindi raw dapat kami sumasabay sa kanila para mapagsilbihan sila ng maayos. Only rich people can do this. “Dali na, lalamig na ang niluto ni Kuya. Promise, masarap siya magluto, hindi ka magsisisi.” Obvious naman na masarap magluto, kaya nga naging chef. Napilit niya ako dahil hinawakan niya ang pulso ko at hinila papasok sa loob. Dapat mainis ako dahil bigla-bigla na lang niya akong hinahawakan pero hindi ko magawa dahil alam ko naman na mabait siya. Unlike his older brother. Pagdating namin sa lamesa ay nakaupo na si David. Nakita ko kung paano napunta ang tingin niya sa kamay ko kung saan nakahawak pa rin si Adlei. Ako na ang humila ng kamay ko palayo kay Adlei na ipinaghila pa ako ng upuan. Hanggang sa pag-upo ay siya ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Hindi pamilyar sa akin ang mga iniluto ni David bukod sa sunny side up. “Kumain ka nang kumain para may lakas ka sa pagtatrabaho, Amber. Huwag kang mag-alala, sasamahan kita sa–” “Will you please stop treating her like a baby? May kamay siya para kumuha ng pagkain, Adlei. Focus on your food.” Mukhang napahiya naman si Adlei kaya mas nakaramdam ako ng inis sa kaniya. Pwede naman niya sabihin ng maayos o kaya huwag na lang pansinin dahil iyon ang gusto ng kapatid niya. Dahil sa inis ay sinandukan ko rin si Adlei na gulat din sa ginawa ko. Pati tubig ay kinuhanan ko siya. Masama ang tingin ko kay David pero kapag titingin ako kay Adlei ay ngingiti ako nang matamis. Nang matapos kong lagyan ng pagkain si Adlei ay matamis akong ngumiti kay David. “Ikaw, Sir, gusto mo rin sandukan kita?” Umigting ang panga niya at hindi ako pinansin. Nagsimula na siyang kumain, hindi na ako binalingan ng tingin. Ganiyan nga. Hanggang sa pagkain ay nararamdaman ko ang maiinit niyang tingin sa akin na pakiramdam ko ay tumatagos sa balat ko. Kahit na kinakausap ako ni Adlei ay nasa iba ang atensyon ko, nasa kasama namin na tahimik kumakain. Nang matapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. Balak pa akong samahan ni Adlei pero may tumawag na sa kaniya na sa tingin ko ay tungkol sa trabaho. “Are you mad?” rinig ko mula sa likod ko. Sa boses pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Nagpatuloy ako sa pagsasabon ng mga pinggan. “Hindi, ah. Ikaw baka galit ka?” “Not really… but you know what pisses me off?” Natigilan ako sa pagkuskos ng pinggan nang maramdaman ang mainit na presensiya sa likod ko. Tumaas ang balahibo sa batok ko. “Opportunist people who think they can get away with their pretty face.” Parang namanhid ang mukha ko sa sinabi niya. Alam kong totoo iyon pero hindi ko pa rin matanggap na sa kaniya manggagaling ang salitang iyon. “Opportunist?" tanong ko, pinipigilan ang pagsabog habang pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses. Sinubukan kong magpatuloy sa pagbanlaw ng mga plato, pero nanginginig ang mga kamay ko sa inis. "Oo," bulong ni David, dahan-dahang lumapit pa sa likod ko, halos sumasayad na ang katawan niya sa akin. "Yung mga taong ginagamit ang pagiging inosente nila para makuha ang gusto nila." “Hindi ko alam ang sinasabi mo…” halos mahigit ko na ang hininga ako dahil mas nararamdaman ko siya sa likod ko. "I hate opportunists," ulit niya, pero sa pagkakataong ito, ang boses niya ay mas malamlam. “Wala akong–” "Pero higit sa lahat... I hate how you make me feel when… Tangina–anong ginawa mo sa akin?” inis na tanong niya pero parang sa sarili niya iyon gustong itanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD