No label. Noong una ay wala namang kaso ang term na ‘yan sa akin, hanggang sa nangyari na nga sa akin. “Nagka-girlfriend ka na?” mahinang tanong ko kay Kio. Nakasubsob patagilid ang ulo ko at paharap sa kaniya. Seryoso siyang nagbabasa. Sana makita ni Georgia kung gaano kagwapo ang isang ‘to. Nasa library kami ngayon, nagre-review na naman para sa walang katapusan na quiz. Sinarado niya ang handout na binabasa at tinignan ako. Nanliit ang mata niya sa akin bago sumandal sa upuan niya. “Sa gwapo kong ‘to? Malamang.” “Yabang,” “Honest lang… So, bakit mo naitanong?” “Wala lang, ibig sabihin ay may label kayo ng ex mo.” Bakit naman nakakalungkot bigla? Sabi ko ayos lang–we’ll take it slow pero ako itong hindi mapakali. Red flag na ba ‘to? Muntik na may mangyari pero parang wala

