Kabanata 52

1043 Words
Kabanata 52             Lumapit pa ako sa gawi ng higanteng halaman, habang si Kith naman ay nasa unahan ko, siya lang naman ang pinoprotektahan ko. Ginagawa ko ang makakaya ko para lang maprotektahan silang lahat kahit na hindi pa ako gaanong nakakikilos nang dahil sa nangyari sa akin kanina.             “Talaga bang kaya mo nang kumilos, Deeve? Puwede namang hindi ka na muna kumilos diyan.” Alalang baling sa akin ni Kith.             “Kaya ko na naman, ang mga paa ko lang naman ang namamanhid pa, pero babalik din ito sa dati. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. Tuloy mo lang ang pagtira sa mga batong pinapatamaan ko kanina. Ako na rin muna ang bahalang magtitingin sa dalawa na kinakalaban ngayon ang mga punong gumagalaw, napansin ko lang na dumadami ang mga punong ito. Ako muna ang bahala rito. Mag-focus ka lang sa pagpunterya sa dibdib at noo ng kalaban, tulungan mo rin si Aztar.” Tinalikuran ko na ngayon si Kith, habang ako ay nakapwesto na ngayon, nakaupo lang akong nakaharap sa kanila, ginamit ko ang lazer na gamit ni Hamina. Sa tingin ko kasi ay tumatalab sa kanila ang pagtira ng lazer.             May nakita akong kapansin-pansin sa kanilang dibdib, katulad lang din noong nasa dibdib ng higanteng halaman, ito siguro ang nagbibigay koneksyon sa kanila. Alam ko na!             “Kakausapin ko na lang sila gamit ang aming isipan, ito ang isa sa tinuro sa amin ni Vee, Na kailangan naming matutong makipag-usap gamit lamang an gaming isipan, para naman hindi na kami sigaw nang sigaw, at mawala pa kami sa aming focus kapag nasa kalagitnaan kami ng laba.             Mataman kong ipinikit ang aking mga mata, habang sinisimulang komonekta sa kanila. Tinatawag ko isa-isa ang mga pangalan nila. Nang sa wakas ay narinig na nila ako.             “Kailangan niyong makinig sa akin, kita niyo ba ang mga batong nasa kanilang mga dibdib? Iyon ang pupunteryahin ninyong tiranhin para mawalan na sila ng kakayahang makakilos, ayon sa obserbasyon ko, ito ang nagsisilbing connection nila sa isa’t isa para makagalaw ang mga punong kahoy, sa kapangyarihan na hatid ng higanteng halaman na iyang kalaban niyo naman ngayon, Kith at Aztar. Sa ngayon, namamanhid ang mga paa ko, at nababawasan ako ng dugo. Kaya nagtitiwala ako sa inyong apat na magagawa niyong mapatumba ang mga kalaban na kaharap natin ngayon. Huwag kayong mag-alala sa akin, saka tutulong pa rin naman ako sa inyo. Iyon lang, ibaba ko na ang tawag ko na ito.”             Pinatay ko na ang aking pakikipag-usap sa kanila. Iyon lang naman ang importanteng kailangan kong sabihin sa kanila, kaya inunahan ko na sila ngayon para maniwala sila sa aking sinasabi sa kanila kanina. Pinunterya ko kaagad ang mga nasa dibdib ng mga punongkahoy na kalaban ngayon nina Hamina at Ave.             Lazer lang ang gamit ko pero nagsibagsakan na ang iba sa kanila. Panay lingon nila sa paligid para tignan ako, pero hindi naman nila ako nakikita, mabuti na rin iyon. Saka ngayon naman, nakuha na nila ang aking nais na sabihin sa kanila kanina kaya kumilos na rin ang dalawa, madali na sa kanila ngayon na kalabanin ang mga gumagalaw na kalaban dahil sa iisang parte na lang ang tinitingnan nila na titirahin.             Ang mga punongkahoy naman kasi ay walang mga kakayahan, ang may kapangyarihan lang naman ay ang higanteng halaman na patuloy na tinitira si Aztar. May ibang tira si Kith na sablay at hindi abot sa dibdib ng kalaban kaya naman ay nag-isip ako ng paraan para mas lalong mapabilis ang pagtalo namin sa napakahirap na kalabang ito.             “Kith. Akin na ang palaso mo, may gagawin akong mas ikabibilis ng kanyang pagkatalo.” Inabot naman niya ang kanyang palaso.             “Anong gagawin mo, Deeve? Sigurado ka bang kaya mo na?” ngiti ko sabay tango ko sa kanya. Para ipakitang ayos lang ako. Sa tingin ko rin naman kasi ay maayos-ayos na rin ang aking pakiramdam. Pasimple kong sinilip ang relo ko, nanlaki ang mata ko sa nakikita.             “Anong nangyayari, Deeve? Mas lalo bang nabawasan ang dugo mo? Patingin.” Ayaw ko naman sanang ipakita sa kanya, pero naabot na niya agad ang kamay ko. Nang pati siya ay nanlaki rin ang kanyang bilogang mata.             “P-Paano?”             “Ewan, nagtataka nga rin ako.”             Hindi ko mapaniwalang usal. Kasi naman, ang kaninang limampung-anim na porsyento ko na lang sanang dugo, ngayon ay naging walumpong-pitong porsyento na. Hindi ako makapaniwalang tumaas ito, kasabay ng pagkaayos ng aking pamamanhid sa aking paa. Ibig sabihin din ba nito ay may kakayahan akong makagamot ng sarili? O, kahit sa kanila?             Baka dahil nakapagpahinga ako kahit papaano. Baka iyon nga ang dahilan. Pero ang sa pagkakaalam ko kasi, babalik kami sa mismong pinanggalingan namin para magpataas ng aming dugo. O ‘di kaya ay si Vee na ang bahala sa aming mag-heal ng aming---teka! Oo nga pala! Baka si Vee nga ang may pakana nitong paggaling ko kaagad.             Sinubukan kong tumayo, nang hindi na nga namamnhid ang aking paa.             “Nakatatayo ka na, Deeve!” ‘di napigilan ni Kith ang saya niya nang nakita niyang nakakatayo na ako. Hindi nga rin naman ako makapaniwala na ganoon kabilis akong naka-recover sa kaninang nangyari sa akin. Labis akong napuruhan sa mga pinaggagawa sa akin kanina ng mga lintik na mga halamang iyon. Kaya humanda na talaga sila sa akin ngayon.             “Saan ka pupunta, Deeve? Deeve!”             “Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo! Ako na ang bahala sa ibang bagay. Aakyat ako sa tuktok. Punteryahin lang ninyo ni Aztar ang sa tiyan. Maghiwalay kayo ni Aztar para naman mahati ang kanyang atensiyon.” Habilin ko sa kanya bago pa ako tuluyang lumapit sa napakalaking halaman na buhay na buhay ngayon na gumagalaw at kinakalaban kami.             “Mag-ingat ka!” pahabol nitong sigaw. Hindi ko na siya binalingan pa. At itinoon na ang focus sa naiisip na plano. Hindi namin matatalo ang kalaban naming ito kung hindi ko gagawin. Kahit na buwis-buhay ang gagawin kong ito, pero ito lang ang natatanging paraan na naiisip ko, para mas mapadali namin ang pagtalo sa kalaban naming ito. Hindi kasi tinatablan ng kung ano-ano lang kung sa iba’t ibang parte lang sila titirahin.             Kaya ngayon, humanda itong halaman na ito sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD