Kabanata 53
Ang kaninang daladala kong malapad na bato ay ginawa kong isang espada na katulad ng gamit ni Ave. Nagpakita ako sa lahat, at sumigaw ng napakalakas. Nakita nila ako sa tuktok at kasabay noon ang paghinto ng oras.
Hindi matatawaran ang kanilang mga reaksiyon nang nakita nila akong nandito sa may ulohan nitong higante naming kalaban, pero kinuha ko ang pagkakataon ng paghinto ng oras sa sandaling panahon, nang muling gumalaw ang paligid ay naitaop ko na ng malalim ang kanyang noo na may berdeng bato. Kasabay no’n ang pagsigaw ko ng napakalakas ang apat naman ngayon ay tulong-tulong na rin sa pagtira sa batong nasa tiyan ng higanteng halaman, hanggang sa nagliwanag ang buong katawan ng halaman at naghahanda na sa pagkawasak at pagsabog nito.
Bumaba na ako bago pa ako madamay sa kanyang pagsabog. Hanggang sa unti-unti na ring nagsibagsakan ang mga gumagalaw na puno kanina na kinakalaban nina Hamina at Ave, kung hindi namin uunahin ang higanteng halaman na ito. Hinding-hindi matatalo ang iba pang mga alipin nitong ang nagpapagalaw lang naman ay ang pinakapinuno nila.
Napatalikod, sabay yuko kami dahil sa malakas na impact ng pagsabog. Magkahawak kamay kaming lima at naghihintay ng pagkakataong matapos ang pagsabog. Halos hindi na kita ang paligid dahil sa maalikabok na nitong hangin.
“Nagawa natin, nagawa nating matalo ang mga kalaban.” Wala sa sariling usal ni Hamina.
“Oo nga, nagawa natin.” Dagdag pa ni Ave na nakatulala lang.
“Totoong nagawa nga natin, dahil sa pagtutulungan natin.” Turan ko sa kanila. Iyon naman kasi ang buong katotohanan, nagawa naming talunin ang kalaban natin sa pangalawang misyon dahil sa tiwala namin sa bawat isa. Alam namin na makakaya naming matalo ang mga ito gamit ang kanya-kanya naming kapangyarihan.
Matapos ang lahat, nang wala nang natira sa mga nakalalaban namin, binagsak na namin ang aming mga katawan sa lupa dahil sa sobrang pagod na aming ginawa sa araw na ito.
Naubos ang lakas namin sa pakikipaglaban sa kanila, punong-puno ng pawis at dumi ang aming mga mukha. Pero wala kaming pakialam sa pagkakataong ito, ang nasa isipan lang namin sa mga oras na ito ay ang magpahinga. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, hindi ko na alam sa iba kung ganoon din ba ang ginawa nila. Naidlip na lang ako nang dinadalaw ako ng labis na antok.
…
Nagising ako nang uminit nang uminit ang parte ng aking dibdib. Halos mapaso ang balat ko sa sobrang init ng kwentas. Kaya pala, tumatawag pala si Eon. Nang napabangon ako, saka ko lang iniinda ang pangangalay at pangingirot ng aking katawan. Wala akong lakas na magsalita at may bahagyang pagkahilo pa sa mabilisang pagbangon.
“Gabi na, wala ba kayong balak na matulog sa inyong tent? Baka may mga engkanto at dudukutin kayo, sige kayo. Saka kumain na rin muna kayo, para kahit papaano ay bumalik na ang lakas ninyo.” Aligaga kong nilingon-lingon ang mga kasamahan ko na ngayon ay mahimbing pa rin na nagtutulog, binalewala ko na ang bangag ko kanina, pinagyuyugyog ko na sila para lang magising ang mga ito. Mabuti na lang talaga at nagising naman sila.
“May kalaban pa ba? Asa---aray!” natawa ako nang umaray si Aztar. Ang OA naman kasi, ginising ko lang naghahanap na ng kalaban.
“Gising na kayo, hoy!” panggigising ko rin sa iba, sila naman ay unti-unti ring bumabangon, katulad ko, napaaray rin sila sa kanilang iniinda sa katawan.
“Aray! Ang sakit ng katawan ko. Para akong pinagbuhat ng isandaang sako ng bigas.” Lukot ang mukha nitong pasaring.
“Ako nga rin, eh. Parang dinaganan ng mga malalaking hayop. Sa sobrang ngalay ng buo kong katawan.” Inuunat-unat nito ang kanyang mga balikat, pero ang ingay naman dahil daw sa sobrang sakit. Hindi na raw siguro siya makagagalaw. Itong si Ave rin, napaka-OA rin mag-isip.
Mabuti pa ang dalawang mga babae sa isang tabi, nakatulala lang. Hindi na nagsasalita, pero bakas sa kanila ang iniindang pagod at ngalay sa buong katawan.
“Ayos lang ba kayo riyan?”
“Hindi!” sabay-sabay naming tugon sa pagka-usap sa amin ni Eon sa kabilang linya.
“Kaibigan, may maaari ba kaming igamot sa aming mga katawan? Hindi pa naman namin ito nararamdaman kanina, pero bakit ngayon, parang ang manhid-manhid na ng buong katawan namin. Hindi namin maigagalaw ang iba naming mga bahagi ng katawan.”
“Para nga ring walang lakas ang mga kamay kong itukod para lang makatayo ako.”
“Lalo na ang mga paa siguro nating lima. Hindi na rin yata nakikiayon sa isipan natin.” Dagdag pasaring pa ni Kith.
Wala sa amin ang hindi nagrereklamo sa iniindang sakit ng katawan. Kung hindi pa kami maka-re-recover kaagad sa pangangalay at pananakit ng buong katawan, baka hindi pa namin kayang ipagpatuloy an aming paglalakbay. Pahinga na rin muna siguro kami.
“Tama ang iniisip mo, Deeve. Dapat lang talaga muna kayong magpahinga.” Teka! Nababasa niya ang iniisip ko?
“Oo, nababasa ko ang iniisip mo, kaya huwag ka nang magtaka riyan, saka kayong apat din, nababasa ko rin ang iniisip niyo kaya ‘wag na rin kayong magtanong diyan sa isipan ninyo kung pati ba kayo ay nababasahan ko ng iniisip.” Nagitla naman sila sa kanilang nalaman.
“Kitang-kita ko naman ang nangyari sa inyo kanina, pinapasabi ni Vee sa akin na kailangan niyo munang magpahinga ng ilang araw, hanggang sa maging ayos na talaga kayo. Saka isa pa, may ibibigay naman kaming gamot sa inyo na galing sa mundo ng mga tao para mainom ninyo at mawala ang pangangalay ng inyong mga katawan.” Tango lang kami nang tango.
“Ilatag niyo muna ang inyong higaan, saka ako maghuhulog sa inyo riyan ng makakain ninyo.” Kaagad kaming kumilos, si Hamina at Kith na ang nagpresentang mag-ayos ng tent. Kahit na makikita naman sa kanila ang hindi rin ayos na kalagayan. Pero namilit din kasi sila na sila na muna ang gumawa no’n kaya wala kaming nagawa.
Ang iniisip ko lang ngayon, ay ang pagkatapos namin sa pangalawang misyon namin. At sa wakas ay ang pangatlong makalalaban namin ay ang mga---.
“Nalimutan ko pa lang banggitin sa inyo kanina, hindi pa tapos ang pangalawang misyon ninyo.” Nagsalubong ang kilay ko.
“Paanong hindi pa tapos, eh, kung totoosin nga parag pinakapinuno na iyong nakalaban namin kanina, saka isa pa, may makalalaban pa ba kaming iba rito maliban sa nakalaban namin kanina, ganoon ba?” hindi ko maitago ang aking kalituhan. Saka kung mayroon man, kung susugod man ngayon iyon. Mukhang hindi namin kakayanin, tao pa rin naman kami, napapagod rin.
“Huwag kayong mag-alala, wala na kayong makalalaban sa Kanluran, kaya ligtas na kayo rito, kailangan niyo na lang ulit makatawid papuntang Silangan. Ang Silangan na ibang-iba sa kagubatang mayroon ang Timog at Kanluran, Sirang-sira na ang buong kagubatan dahil sa kawalang puso ni Lucinda. Pinagsisira niya ang Silangan para unti-unting angkinin ang mga teritoryo rito. Ang lugar kung saan naninirahan ang mga engkanto.” Naiintindihan ko na, kaya pala hindi pa tapos ang misyon namin sa pangalawang laban dahil sa hindi pa nga pala namin nakalalaban ang mga iba’t ibang klase ng engkanto na panig sa itim na kapangyarihan ng maitim na budhing mangkukulam.
“Saka niyo na muna isipin ang mga iyon, may mahabang oras at panahon pa kayong mag-isip-isip. Ang importante sa inyo ngayon ay ang makapagpahinga at maibalik ang inyong mga lakas na nagamit sa labanan ninyo ng nakalaban ninyo kanina.” Sabay bigay na ni Eon ng pagkain namin, walang nakasalo, kasi nga wala nang lakas makakilos. Hinayaan na lang namin na bumagsak ito sa gitna namin, sa lupa.
Sa isang saglit lang ay nagbilog kami ng upo para magdasal at magpasalaman sa pagkain na kakainin namin sa oras na ito. Ipinagdasal ko rin sa isipan ko na sana ay hindi magtagal an gaming nararamdaman ngayong pangingirot at pangangalay ngayon sa aming mga katawan.