Kabanata 85 Komonekta kaagad sa kabilang linya ang tawag ko kay Eon, mukhang nag-aabang talaga siya ng tawag ngayon galing sa amin, ah. Baka may gusto rin siyang ibalita sa amin ngayon. “Ang bilis mong sagutin, ah. Naghihintay ka ba ng tawag namin, Eon?” sinabi ko na talaga kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Tinanggap ko ang iniabot ni Aztar sa akin na pagkain. Nilayo ko muna bahagya ang compass, saka nagpasalamat kay Aztar. Muli rin naman akong bumalik sa pagkausap ko kay Eon. Ang iba ay abala na sa kanilang hapunan, habang ako ay mas pinili ko munang kausapin ang kaibigan. “Alangan naman, wala naman akong ginagawa. Saka kabibigay ko lang din sa inyo ng pagkain ngayon.” simpleng turan niya. Muli kong hinimas ang kabilang binti ko para ma

