Kabanata 86 Nagpaalam na nga si Eon sa tawag, habang sakto namang kabababa ko lang ng lagayan ng aking pagkain. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kanya, kaso nga mukhang abala na rin siya dahil siya mismo ang naunang nagpatay ng tawag. Baka mag-re-report na naman siya sa mga nasabi namin ngayon ulit sa kanya roon kay Vee. “Hindi muna raw magtatagal ngayon sa usapan si Eon, Deeve. Tatawagan niya rin daw si Vee para ipaalam ang mga nasambit natin sa kanya kanina. Para raw aware si Vee na nakalampas na kayo roon sa mga nitso na gawa sa bato.” inabot niya ang compass, tinanggap ko naman ito at agarang isinuot sa aking leeg. “Ayos lang 'yon, maaga rin naman akong matutulog ngayon. Maya-maya siguro...kapag hindi na ako busog. Saka marami namang pagkakataong makausap pa natin siya.” nagtango

