Kabanata 100 Pansin kong malalim ang iniisip ni Kith, nang marinig niya ang kwento ni Aztar. Gusto ko sana maglabas din ng kwento ko, kaso gusto kong mas mauna si Kith. Mukha ring may pumipigil pa sa kanyang hindi mag-share ng kanyang karanasan. Ano kaya ang pumipigil sa kanyang magbahagi ng kwento ng kanyang buhay? “Iba-iba pala talaga tayo ng mga karanasan, ano? Pero ang nakapagtataka ko lang, bakit hindi ko man lang alam ang mga iilang bagay na nangyayari sa buong El Federico. Parang ang ilap sa aking makasagap ng kung anong mga isyu. Kagaya na lang no’ng may nababalitang buntis. Hindi ko alam iyon, saka iyong kay Aztar. Hindi ko rin alam iyon.” Pagsasabi ko sa kanila ng totoo. “Talagang hindi natin napapansin ang paligid natin, Deeve.

