Kabanata 101 Kith’s POV Bakas sa mga mukha nila kung paano sila naghihintay sa parte ko, sa pagbabahagi ko ng karanasan kong hindi malilimutan sa kamay ng mga naninira ng aking pang-araw-araw na buhay sa El Federico. Sa simpleng mga parinig na nila na manang daw ako, ayos lang sana kung iyon lang. Pero iyon sabihan nang---argh! Wala pa talaga akong lakas ng loob para sabihin sa kanila. Baka kung ano ang isipin nila sa akin. Oo alam ko, walang katotohanan, pero kahit na, natatakot at nahihiya pa rin akong malaman nila. Sa ngayon pass muna. Iniba ko ang usapan saka nag-aya na sa kanilang maghanap ng mapaghingahan namin kasi maggagabi na. Mabuti na lang at hindi na sila namilit sa akin. Nauna akong maglakad sa kanila, para wala silang makitang reaksiyon ng mukha ko. Kahit 'di man nila s

