Kabanata 102 Masaya kasi, ayon nga...hindi na makikita sa mukha ngayon ni Kith ang kaninang blangkong reaksiyon. Parang may nangyaring himala simula nang naiwan namin sila rito. Hindi kaya ay nag-open up na si Kith sa kanila habang wala kami? Hindi naman siguro. 'Di bale na nga, kung sakali mang nagbahagi na siya kayna Hamina at Ave. Good for her, kasi she already let pit the hatred in her heart. “Wala talaga kayong magawang trip, sa lahat mg gagawin niyo sa amin---ang kilitiin pa talaga. Eh, ang dami kong kiliti sa katawan. Para tuloy akong uod na nangingisay sa lupa, dahil sa pagtapak.” walang tigil na patutsada ni Ave sa amin. “Ngayon alam na namin ang kiliti mo.” ngising-aso naman ni Aztar sa kanya. Nang-aasar na ngisi. “Huwag na, please. Maawa ka sa akin.” nakatakip na ang kamay

