Kabanata 103 “Alam niyo namang napakaimposibleng magawa ko ang bagay na iyan, kasi nga si Vee ang may kakayahang magawa iyan, Kaibigan. Pero sige, bilang tulong…ako na ang magsabi kay Vee na iparating sa daddy mo ang iyong pagbati. Hindi mo man siya nakauusap ngayon, o nababati ng harap-harapan, pero ramdam naman ng bawat isa sa inyo kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa. Kaya huwag ka ng malungkot. Ibulong mo lang sa hangin ang gusto mong sabihin ngayon sa daddy mo, at ako na mismo ang magpapadala nito kay Vee para marinig iyon ng daddy mo. Ayos ba iyon?” Tama nga naman, hindi kasi mabigat ang kapangyarihan ni Eon, may kakayahan lang siya, pero hindi talaga iyong kagaya kay Vee na halos lahat ay kayang gawin. “Bumulong ka ka na sa hangin, Aztar.” Tapik ko sa kany

