Kabanata 104 May kung anong gumagalaw ngayon sa paanan ko, hindi ko mawari kung ano, ito yata ang pupukaw sa maganda kong tulog. Kinapa ko ang likod ko, nasa tabi ko pa naman si Aztar. Kaya panigurado, lahat sila ay tulog pa. Peropatuloy pa rin talang may gumagalaw sa paa ko, papunti sa binti ko, hahayaan ko na lang sana nang ramdam kong mas lalong magalaw ang bagay na nasa paanan ko. Kaya kaagad akong napabangon, malabo pa ang mata ko, kaya hindi ko makita kung ano ito. Nang labis-labis na lang ang gulat ko, nang malakas na sigaw ni Hamina ang nagpukaw sa ibang kasamahan namin. “Ahhh! A-Ahas! A-Ahas! May ahas, Deeve! Naku! Naku!” pinatid-patid niya ang kanyang paa, nang ngayon ko lang naintindihan ang kanyang sinisigaw, nang malapit na sa baywang ko ang maraming

