Kabanata 95 Nasa loob na kami ng tent, ang lahat ay nakahiga na, kasama na ako. Ngayon lang ako matutulog ng maaga na hindi na naghihintay kung kailan ako dadalawin ng antok. Dahil kahit hindi pa kami nakapasok kanina rito, pinangunahan na ako ng antok ko. Ang saya ko, tapos na rin ako sa ginagawa kong assignments. Makapagsusulat na ulit ako ng aking nobela. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi ito nagagalaw. Kailan ko nga ito nadugtungan? Hindi ko na maalala. Saka bakit kaya ako nagsulat ng ganitong nobela. Ang galing lang dahil pangalan ko pa talaga ang nakalagay na bida. Ano kaya ang nagbigay rason sa akin na magsulat ng ganitong nobela? Bubuksan ko na sana ang file na kung saan nakalagay ang kwento ko, hindi koi to magawang buksan,

