Kabanata 94 Iniwanan ko na ang gintong buhok sa kapre, nasa sa kanya na iyon kung ibabalik niya iyon sa kasamahan niya, o gagamitin niya ito bilang utos-utosan. Nasa kanya na iyon. Ang mahalaga lang naman ay nasabihan ko siyang hindi gumawa ng kahit na anong masama. Kung hindi man siya tutupad sa kanyang pangako. Nasa sa kanya na rin iyon, sa uulitin na magkrus man ulit ang mga landas namin. Wala na siyang pagkakataon pang mabuhay. Dahil ang isang pagkakataon ay ibinibigay lang ng isang beses. At hindi iilang beses. “Kumusta naman ang pakikipaglaban ninyo sa mga nuno sa punso? Bakit parang hindi niyo naman sila natalo?” tukso pa rin ni Kith sa kanilang dalawang mga lalaki. Kanina pa sila sa usapang ito. “Eh, dalawa lang kami, isipin mo tapos ang dami

