Kabanata 93 “Ayaw pa sana naming magpaalam, Daroy, Peryang. Pero kailangan na rin kasi naming umalis. Maraming-maraming salamat po talaga sa pagpapatuloy ninyo sa amin. Hinding-hindi po namin makalilimutan ang inyong angking kabutihan.” yumukod ako sa harap nilang dalawa, kaya ang iba ay nagyukod na rin bilang pasasalamat na rin sa kanila. “Kami pa nga ang nararapat na magpasalamat sa inyo mga, Kaibigan. Dahil sa inyo nalaman namin na hindi na pala ligtas ang aming kagubatan. Unti-unti nang nakakalbo ang aming tirahan. Huwa kayong mag-aalala, ako ang bahalang magsabi sa mga kauri ko tungkol dito. At sa mga ibang nilalang na nakatira rin dito sa gubat.” panay na rin tango ang ginawa namin bilang pagsang-ayon. Aalis na sana kami nang pigilan ulit ako ni Daroy. “Deeve, may ibibigay pala

