Kabanata 92 Nakaamoy na kami ng masarap na pagkain, kumalam bigla ang tiyan ko kaya napabangon kaagad ako. Pansin kong wala na ang mga katabi ko kanina sa pagtulog. Nasaan na kaya ang mga iyon? Baka may pinuntahan lang. “Wow, ang bango naman ng niluluto mo, Peryang.” Rinig ko ang boses ni Kith. “Oo nga po, hindi ko mapigilan kaninang hindi mapabangon nang naamoy ko ang niluluto mo po.” Takam na takam ang boses na iyon ni Ave. Ano kayang mayroon? “Tama sila, Peryang. Ako nga nang naamoy ko kumalam bigla ang tiyan ko.” Isa pa itong si Hamina. Hmm…nasa kusina yata sila. “Oh! Gising na rin pala si Deeve. Deeve, halika!” tawag sa akin ni Aztar. Kapapasok ko pa nga lang ng kusina, ang mga boses na kaagad nila ang narir

