Kabanata 91 “Ba’t ka napatawag, Deeve?” ayon ni Eon sa kabilang linya na abala sa kanyang ginagawa, kaya hindi siya nakatingin sa amin. “Abala ka yata riyan sa ginagawa mo.” Nakayuko pa rin ito na para bang may inaasikaso na importante talaga. Saka napansin ko na nasa kubo siya ngayon, at nakaanyong tao. May pinapaggawa siguro si Vee sa kanya ngayon. “Wala, inaayos ko lang ang kubo, para mas lalong maging matibay. Siyanga pala, guto---teka, sino iyang nasa likod mo?” pagkaangat na pagkaangat pa nga lang niya ng kanyang ulo, pansin na niya agad si Daroy sa likod ko. “Ayos lang ba kayo riyan?” may nababakas na pag-aalala ngayon sa kanyang boses. “Oo, ayos na kami. Saka pinakain na kami ngayon ng bago naming nakilalang kaibigan

