Kabanata 90 Nakipag-usap na nga ang mga ito sa amin, hindi sila makapaniwala sa mga nalaman nila. Pati ang asawa nitong babaeng kapre, naniwala sa ibang sinabi namin na nakakalbo na ang mga gubat. Saka ang mga kauri nila ay nandoon na sa palasyo at inaalila, saka ang iilan ay siyang namumutol mismo ng mga puno. Nalaman din namin na si Daroy pala ang pinuno ng lahat ng mga Kapre. “Kailan mo lang nalaman ito, Peryang?” baling ni Daroy na Kapre sa kanyang asawa. “Matagal na.” maikling turan nito at kalmado lang. “At bakit ngayon mo lang nasabi sa akin ito ngayon? Kung hindi pa nagpakita ang limang mga nilalang na ito, hindi mo masabi-sabi sa akin?” pigil na pigil ang boses ng lalaking Kapre. Nakaupo pa rin kami ngayon sa isang upuan na yari sa kahoy. “Lagi kong sinasabi iyan sa iyo, pero

